Brutum Fulmen (1)

Começar do início
                                    

I shook my head. "She's busy with her works. Halloween is approaching and she's preparing for a party for the company."

"I see."

Kalalapag pa lang ng mga order namin ay may biglang tumawag sa akin. 

"Hannah!" Rile called from the distance. 

"Hey," I smiled then stood up. Napatingin ako sa kasama ni Rayleigh. 

"This is Vanica, my sister and her friend Oceane," Rile introduced. 

"Hi," I politely offered my hand. "I'm Hannah, and this is my cousin Ciara."

After exchange of pleasantries, we invited them to join our table. Mukhang nagkakasundo naman ang lahat dahil mukhang palakaibigan naman si Vanica kahit medyo mukhang masungit si Oceane. 

"I'm gonna tell Car to come over," Rile said after placing his orders. 

"You're super clingy," pang-aasar ni Vanica. "Nababakla ka na ba kay Carrack?"

"Nag-iisang anak na lalaki ka pa naman ni Tito Ryder. Guguho ang mundo n'ya," Oceane smirked. 

Ngumis lang naman si Rile at tumingin sa akin.

Nag-iwas lang ako ng tingin at nag-text din kay Carrack. I told him na nagkita kami nila Rile dito. 

In less than fifteen minutes ay dumating si Carrack. Nauna pa s'ya kaysa sa orders nila Rile. 

"Ang bilis mo naman? On the way ka na talaga dito?" makahulugang sabi ni Rile matapos nilang mag fist bump ni Carrack. 

"Galing akong main ng AGC," simpleng sabi ni Carrack at yumuko para humalik sa tuktok ng ulo ni Vanica. Nag-apir naman sila ni Oceane. Lumapit si Carrack kay Ciara at nag-beso sila. Nang bumaling na sa akin ang tingin ni Carrack ay pigil ko na ang hininga ko. Hindi nagbitiw ang tinginan namin hanggang sa nakalapit na s'ya sa inuupuan ko at saka yumuko para humalik sa pisngi ko. 

I bit my lower lip, trying my best to contain my emotions. Naramdaman ko pa ang pagpisil ni Carrack sa balikat ko bago umayos ng tayo at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko, katapat ni Rile. 

Mukhang wala namang nagbigay ng kahulugan sa paghalik ni Carrack sa pisngi ko. Marahil ay iniisip nila na dahil kapatid s'ya ni Selene at best friend ako ni Selene kaya close na rin kami. 

Humabol pa si Stella sa early dinner at napagkasunduan na susubukan namin na sa bahay ni Carrack tumambay bukas dahil may personal gym s'ya. Si Carrack pa mismo ang nag-offer ng lugar n'ya. 

"Carrack, ikaw na maghatid kay Hannah?" tanong ni Stella nang palabas na kami ng restaurant. Nauna na sila Rile umalis. "Doon na lang ako matutulog kila Ciara. Tinatamad na akong umuwi."

"Para naman ang layo ng bahay n'yo sa amin?" natatawang sabi ni Ciara. 

"Basta," Stella rolled her eyes then hinila na n'ya si Ciara na kumaway na lang sa akin. Ni hindi nila binigyan si Carrack ng pagkakataon na sumagot. 

Dahil maaga pa naman ay pumunta na muna kami ni Carrack sa mall para manood ng sine. 

"Ano'ng suot mo kanina sa gym?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Carrack habang umiinom ng kape. 

Nagpapalipas na lang kami ng oras ngayon at naghihintay ng tamang oras para sa movie tickets namin. 

"Leggings at racer back sando," sagot ko sa kanya. "Sorry pala na hindi ko nasabi agad sa'yo na nag-gym kami. Palagi kasing nakatabi sa akin si Ciara. Hindi ako makapag-text."

"Bakit kasi bawal?" tanong ni Carrack. "Tanda na natin e."

Binigyan ko s'ya ng masuyong ngiti. "Para nga kay Selene at Kuya na muna sila mag-focus. Alam mo naman ang pamilya ko. Masyado akong big deal sa kanila. Baka magpamisa sila kung malalaman nila na may manliligaw ako. Lalo na kung boyfriend. Baka pikutin ka." 

EPIPHANYOnde histórias criam vida. Descubra agora