Chapter 3

29 2 0
                                    

"Promise mo sakin na ako lang ang mamahalin mo."

"Promise." Nakangiting sagot sakin ni Alfred. But like all promises that was made, it was meant to be broken. Masyadong complicated ang naging relationship namin noon dahil itinago namin yon sa mga magulang namin. That was my idea dahil sa takot ko kina Papa at Mama. Aminado naman akong kasalanan ko nag lahat dahil nga takot akong mapagalitan ay naging malamig ang turing ko kay Alfred bilang kasintahan niya. Wala akong kuwentang girlfriend. Totoo yon. I made my rules. Bawal mag holding hands in public. Bawal maging sweet sa isat-isa. Basta bawal lahat. Pumayag si Alfred sa mga rules ko. Sabi niya dahil mahal niya ako kaya kahit ang dami kong rules ay okay lang. From friend to boyfriend. Hindi ko akalain na hindi pa ako ready sa ganong bagay. Nong mga panahong yon ay masyado pa akong inosente sa mga bagay na ganon. Wala pa akong alam sa pagiging isang girlfriend. Isa akong mabuting kaibigan pero sa papaging isang girlfriend eh I'm a failure. Hindi ko rin alam na magiiba lahat kapag naging kame na. I was pressured. Holding hands? Hug? Kiss? I was not ready. Kaya ang turing ko kay Alfred ay nong tulad lang na magkaibigan lang kame. Ngayon kung na alala ko yon ay malaki ang aking pagsisisi. Kung puwedeng lang ako makabalik in the past I'll treat him better. Kaya lang tapos na yo eh. Hindi ko na mababago ang mga nangyare sa nakaraan. Hindi ko na mababago ang mga bagay na nagawa ko na. At saka ako ang nakipagbreak, ako ang naglet go kaya wala akong karapatan umangal sa resulta nito sa hinaharap. Wala din akong ibang choice kundi ang magmove on nalang. Pero pano nga ba ang magmove on? Kung ang hirap kalimutan ng mga alaala.

Secret of my 🖤 no.3

Isang hapon pagkatapos tumunog ng bell para sa huling asignatura namin sa hapon. Kasabay kong naglalakad pauwi ang mga kaibigan ko kong babae at kasabay naman ni Alfred ang mga kaibigan niyang lalake.

"Wendy!" Napatigil kame sa paglalakad nina Crissan ng marinig naming may tumatawag ng pangalan ko.

"Sino yon?" Tanong ni Crissan. Nakita kong tumatakbo papunta samin si nike.

"Wendy puwede ba kitang maging partner sa JS natin ngayong Valentine's day?" Hinihingal na tanong sakin ni Nike.

"Wow! Wendy suwerte mo naman. Niyaya ka ng crush mo na maging partner kayo sa JS." Nanunuksong sabi sakin ni Crissan.

"Ayeehh! Wendy suwerte mo!" Tukso naman ni Hurma. Tumingin ako kina Alfred na malayo na samin. Gusto sana si Alfred ang partner ko.

"Ammm.. Nike kasi..." Nahihiya kong sabi.

"Bukas mo na ako sagutin. Bibigyan kita ng time para mag-isip." Sabi sakin ni Nike tapos umalis na. Ang bilis ng pangyayare. Ibang klase yong level ng confident ni Nike. Sabagay kasi sikat si Nike sa mga babae. Basketball player eh. Tiyak ko na madaming nagyaya sakanya para maging partner nila.

"Time para mag-isip! Wahahaha! Haba ng hair mo Wens." Sabi sakin ni Hurma.

"Langya Wens si Nike yon dapat nag yes kana agad." Sabi sakin ni Marie. Oo si Nike yon pero iisa lang ang sinisigaw ng puso at isipan ko at yon ay si Alfred.

Kinabukasan sa school. Recces time non. Mahaba ang pila sa canteen.

"Alfred diba single ka?" Narinig kong tanong ni Wendel kay Alfred nasa likuran namin sila.

"So?" Maikling sagot ni Alfred kay Wendel.

"Well, si Clarence (Clarence muse namin noon.) kasi eh matagal na akong kinukulit. Naiinis na ako. Sabi niya tanungin daw kita kung puwede ka niyang maging partner sa JS natin."

"Yon lang pala. Sure. Why not?" Walang pakeme-kemeng sagot ni Alfred kay Wendel. Tumigil sa pagtibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala na ganon ang magiging sagot ni Alfred. Umalis ako sa pila tapos naglakad papunta sakanila. Tumigil ako sa harap ni Alfred. Hindi ko napansin lumuluha na pala ako.

My Run Away loveWhere stories live. Discover now