Chapter 2

31 2 0
                                    

"Cringgggg!" Inabot ko yong alarm clock ko tapos ioff ito. Hanggang ngayon ay hangover parin ako sa mga nangyare kagabi. Ang hirap maging center of attention. Nakakadepress. Hanggang ngayon ay nararamdam ko parin yong kurot sa puso ko ng makita kong may ibang kasama si Alfred. Akala ko okay na ako. Akala ko nakamove on na ako. Akala ko nakalimutan ko na siya. Pero ngayon alam ko na, na isa lamang yong malaking maling akala. Ano bang dapat kong gawin? Pagnakikita ko siya ay bumabalik ang feelings ko para sakanya. At ngayon sigurado na ako na nasakanya parin ang puso ko pero ang masakit ay hindi niya ito alam.

Narinig kong bumukas ang gate nina Alfred. Bumangon ako tapos sumilip sa may bintana. Nakita kong pumasok ang Papa ni Alfred sa gate. Akala ko siya. Makapagligpit nalang nga ng kumot. Tinupi ko yong kumot ko. Pilit kong winawaglit yong isip ko sa ibang bagay. Nakasanayan ko na kasing sumilip at tignan si Alfred sa ganitong oras ng umaga.

"Pa, punta na po ako ng Clinic." Narinig kong sabi ni Alfred.

"Sigi anak. Ingat ka." Sagot ng Papa niya.

Langya! Gusto ko siyang makita! No! Kaylangan kong pigilan ang sarili ko. Hindi na puwede yong tulad ng dati na lagi akong nakadungaw sa bintana at hinihintay na tawagin ako ni Alfred.

Secret of my 🖤 no. 2

"Pssst... Pssst... Wendy!" Nagmamadali akong lumapit sa bintana tapos binuksan ko yong kurtina.

"Ano?" Tanong ko kay Alfred na nasa may bintana din ng kuwarto niya. Magkaharap lang kasi ang kuwarto namin na nasa second floor.

"Tsk. Hindi ka parin tapos mag-bihis? Magseseven na."

"Mauna kana." 7:30 pa naman yong time eh. 3rd year high school kame non nong unang naging kame. Sumenyas siya sakin, humihingi ng kiss.

"Eh. Ayaw ko!"

"Ang damot mo." Sagot niya sakin habang malungkot ang expression ng mukha. "Sigi na.. isa lang. Pampagana sa umagi." Nagpapacute niyang sabi.

"He!" Sinerado ko yong kurtina. Ayoko kasing makita niya na namumula yong mukha ko.

"Ang lalakeng yon ang aga-aga ang landi." Nakangiti kong sabi.

Pano ba naging kame ni Alfred? Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing yon. December 25, 2003.

"Wens may sasabihin daw sayo si Afred." Bulong sakin ni Mark. Nakababata kong pinsan na para ko ng kapatid. Nakaupo ako non sa may sala nanunuod ng tv.

"Ano daw?" Bulong ko kay Mark.

"Ewan ko. Hindi sinabi sakin eh. Sayo lang daw niya sasabihin."

"Eh. Hindi na ako puwedeng lumabas ng alas otcho ng gabi. Sabihin mo sakanya bukas nalang sabihin sakin."

"Hay naku! Huwag kang magalala akong bahala. Lola! Puwede po bang akong samahan ni Wendy bumili ng ice. Babalik din po kame agad." Sabi ni Mark kay lola na nasa may kusina.

"Sigi pero huwag kayong magtatagal ha?"

Hinila ako ni Mark palabas ng bahay.
"Bilisan mo Wens bago magbago ang isip ni lola. Hehe."

Pumasok kame sa gate nina Alfred. Marami silang bisita.

"Nasaan si Alfred?" Tanong ko kay Mark.

"Nasa likod ng bahay sa may basketball court. Tara bilisan mo."

Pagdating namin sa likod ng bahay nila Alfred nakita ko si Alfred na naglalaro ng basketball mag-isa.

"Hihintayin kita sa labas." Sabi sakin ni Mark. Tapos umalis na. Naiwan akong nagtataka at hindi alam kung anong gagawin. Nilapitan ko si Alfred.

"Alfred may sasabihin ka daw sakin?" Tanong ko sakanya. Tumigil siya sa pagdrible ng bola. Humarap siya sakin. "Anong sasabihin mo?"

"Ano.. kasi.." Nauutal niyang sabi. Weird. Di naman mahiyaing tao si Alfred kaya hindi ko alam kung bakit parang nahihiya siyang sabihin ang gusto niyang sabihin.

"Ano nga?" Naiinip na ako.

"Sabi ni Mark crush mo daw yong bagong transfer student sa school natin?"

"Ahh. Si Nike? Oo. Ang guwapo eh." Kinikilig kong sabi. Tapos biglang malakas na binato ni Alfred yong bola sa ring.

"Hindi puwede!" Galit niyang sabi. Nagulat ako kasi biglang nagalit si Alfred. Sa tagal na naming magkaibigan ay ngayon ko lang nakitang nagalit si Alfred ng ganito. Huminahon siya ng mapansin ang natatakot na expression ng mukha ko. Nagbuntong hininga siya bago nagsalita.

"Wendy... Ako nalang..." Malambing niyang sabi.

"Ha?" Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Kahit pa tagalog yon. Nagbuntong hininga siya ulit bago nagsalita.

"Be my girlfriend." Sagot niya sakin.

"Ha?" Ngayon mas lalong nagblangko ang utak ko. Lumapit siya sakin tapos hinawakan ang mga kamay ko.

"I love you." Sabi niya tapos hinalikan niya ako sa labi. Feeling ko tumigil sa pagikot ang mundo. Hindi ko alam kung pano mag-react. Sa totoo lang matagal na akong may pagtingin kay Alfred. Matagal kong hinintay to na sabihin niya saking mahal niya din ako. Kaya lang bawal pa akong magkaboyfriend. Sabi ni Mama at Papa saka na. Pagtapos na akong mag-aral. Binitiwan ko ang mga kamay niya at lumayo konti sakanya.

"Alfred alam mo namang hindi pa ako puwedeng magkaboyfriend diba?"

"Alam ko." Malungkot niyang sabi sakin.

Tumalikod ako sakanya tapos naglakad palayo. Kaya ko bang pigilan ang nararamdam ko para sakanya? Lumingon ako kay Alfred na nakayuko. Tumakbo ako pabalik sakanya tapos hinalikan siya sa pisngi.

"Promise mo sakin na ako lang ang mamahalin mo?"

"Promise." Nakangiting sagot sakin ni Alfred. Hinawakan niya ulit ang mga kamay ko tapos hinalikan ulit ako sa labi. Tinulak ko siya palayo. Namimiyasa eh.

"What? Hindi ko ba puwedeng halikan ang girlfriend ko?" Nanunukso niyang sabi.

"Ewan ko sayo." Sabi ko tapos tumakbo na ako. Namumula sobra yong mukha ko. Buti nalang gabi kaya medyo hindi halata.

"Huy Wendy teka lang. Saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Alfred habang hinahabol ako.

"Uuwi na ako. Bye!" Nakangiti kong sigaw sakanya sabay wave ng kamay.

Ito yong pinakamasayang pasko ng buhay ko. Nong sinabi niya saking mahal niya din ako. Nararamdam ko naman na gusto din ako ni Alfred. At saka sabi nila 'action speak louder than words'. Naniniwala ako don.
Pero iba parin yong sinasabi para sigurado.

🖤~🖤~🖤

My Run Away loveWhere stories live. Discover now