Epilogue

491 13 1.5K
                                    



"Magandang araw," bati sa akin ni Aling Salve, 'yung nakatira sa katabing apartment namin ni Aes. "Hindi pa rin ba nauwi 'yung asawa mo?" tanong niya sa akin. She was referring to Aes.


"Hindi pa po 'e," sabi ko naman. "Nasa hospital po kasi 'yung Mommy niya kaya kailangan niya po munang magstay doon," pagpapaliwanag ko habang inaayos ang sapatos ko. Kinailangang umalis ni Aes nung nakaarang araw dahil nakarating sa kaniya na nasa hospital na naman ang Mommy niya.


"Panigurado ay namimiss mo na siya ano?" tanong niya pa habang nagdidilig ng mga tanim niya. "Halatang halata na malungkot ka 'e, iba 'yung ngiti mo noong nandito siya," pagpuna niya pa. Ngumiti nalang din naman ako.


Totoo 'yon, simula nang umalis si Aes kahit nagkakausap kami sa cellphone ay mas gusto ko pa rin na nandito siya pero kahit gano'n hindi ko naman siya pwedeng pilitin na umuwi dahil mas mahala ang pamilya at 'yun dapat ang unahin niya.


"Seb," pagtawag sa akin ni Cash nang umupo siya sa tabi ko. "Tapos ka na?" tanong niya sa akin. I shook my head and continued on doing the activity sa accounting namin. "Sa anong transaction ka na?" she asked me while peeking on my columnar pad.


"Tapos ka na ba?" tanong ko sa kaniya at agad naman siyang umayos ng upo bago ngumiti. "Ano?"


"Tapos na ako," she said naman and chuckled.


Tinaasan ko siya nang kilay. "Nabalance mo?" tanong ko sa kaniya at agad naman siyang tumango. "Hindi lahat ng balance tama, i-double check mo," utos ko sa kaniya at 'tsaka napatingin ako kay Bree na kakapasok lang ng classroom namin.


"Ang daming gwapong practice teacher!" she shouted while jumping. My female classmates immediately stood up and went to the door para tignan kung totoo 'yung sinasabi ni Bree.


"Nakakahiya kayo," sabi ko naman agad at nailing. "Bree! Tapos ka na ba?" tanong ko sa kaniya at agad naman siyang bumalik sa upuan niya at agad na nagsulat sa columnar pad. Nagpatuloy nalang ako sa pagso-solve para wala na akong gagawin.


"Takte!" biglang sigaw ni Haielle kaya sinamaan ko agad siya ng tingin. "Sinong kumuha nung piattos ko sa bag?!" pagrereklamo niya pa.


"Anong balance mo, seb?" tanong bigla sa akin ni Cash. "Wow, ganda nang calculator mo," sabi niya pa at nagkukunwaring kinakalikot ang calculator ko. "Wow, ano 'to numbers?" tanong niya pa habang nakatingin sa screen ng calcu ko.


"Cashcade!" sigaw ni Haielle at agad na tumingin ng masama kay Cash. "Hoy! Nasaan na 'yung piattos ko?!"


"Ang smooth ng paglabas ng numbers dito sa calculator mo, seb," sabi pa ni Cash. "Grabe, bibili pala ako nito," dagdag niya pa at nilapag ang calculator ko bago tumayo. "Sige, bili lang akong calculator," sabi niya pa at agad na kumaripas ng takbo palabas.


"Hayop ka, Cashcade!" sigaw ni Haielle at agad na hinabol si Cash palabas. "Bayaran mo 'yon!"


"Sipain mo!" rinig kong pagsu-sulsol pa ni Bree habang nakasilip sa bintana. "Ibalibag mo 'yang pandak na 'yan!" sigaw niya pa at tumawa.

Balancing The Trials Of HeartsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang