Tumayo rin naman kami ni Renalyn, tumingin ako sa gilid ng lomihan kung saan kitang kita ang view at nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino sila.

Si Cyrus at ang mga kaibigan niya, ngumiti lang ako ng lumingon sa akin si Cyrus at kinawayan ako.

Ito na naman ang puso ko, sobrang lakas ng kabog. Nag katinginan rin kami ni ate Renalyn at parehong napangiti. Nandito ang JM niya.

Apat sila at lahat sila ay naka bihis pang biker.

OMG.

Pumunta na kami ni Renalyn sa kusina at tumulong kay ate.

“Hala sbakzjamak tinotoo nga niya 'yung sinabi niya na pupunta siya.” Sabi ni Renalyn at parang kinakabahan.

“Eh? Kayo ba?” Ang alam ko may girlfriend raw si JM?

“Hindi.” Mabilis niyang sagot.

“Oh?”

“Ilang linggo niya ako hindi kinausap nung nalaman ko na nag break sila nung girlfriend niya naintindihan ko naman 'yon kaya hindi ko siya kinulit at ayoko rin mang himasok pero kahapon nag chat siya at sinabing pupunta raw siya dito,” Mahinang paliwanag niya.

Kumunot naman ang noo ko.

“Eh bat ka kinakabahan?” Mahina lang ang pag uusap namin dahil nandito si ate at rinig na rinig ein sa labas kung lalakasan namin.

“Ewan nga eh pero feel ko dahil sa'kin kaya sila nag break nung girlfriend niya.” Binatukan ko nga.

“Assumera ka, hindi 'yan kung ganon bakit naman niya ikaw hindi kakausapin diba? Hays, mag usap kayo ng personal.” Sabi ko at napanguso nama siya.

“Palibhasa close mo na si Cyrus eh,” habil niya pa pero hindi ko na pinansin.

Lumabas na kami at inilagay ang lomi sa lamesa nila.

“Sa bahay muna ako tawag ako ni nanay Wella, ikaw muna bahala dito ha.” Tinanguan ko lang si ate.

Nandito na kami ngayon ni Renalyn nakaupo malayo sa kamila nandom ulit kasi sila sa palagi nilang pwesto. Nagulat ako at mabilis na napatayo ng tawagin ako ni Cyrus.

“Rowella.” Nakangiti niyang tawag sa'kin.

Nag lakad naman ako papalapit sa kanila, baka mag o-order pa ulit o baka may kailangan.

“Cyrus.. bakit?” Tanong ko.

Nagulat ako ng tumayo siya at tumabi sa akin, ngayon paregas na kaming nakatayo sa harap ng mga kaibigan niya.

“Ipapakilala kita sa kanila,”  Bulong niya sa akin dahilan para hindi ako makapag salita.

“JM si Rowella, Wella si JM. Owe si Rowella, Wella si Owe. Mark si Rowella, Wella si Mark.” Isa isa akong binati nung mga kaibigan niya at binati ko rin naman sila.

Kumakabig ng malakas ang dibdib ko pero ang saya.

“Mag sisimba kami mamaya gusto niyong sumama?” Napatingin ako sa kaniya, hapon pa kami mag sisimba at sigurado akong aabutin kami ng gabi.

“Sa bahay kasi sila matutulog.” Napatango ako.

“Sama ako.” Si JM ang unang sumagot na sinundan nung dalawa.

Tumingin ako kay Renalyn na ngayon ay nakatingin sa gawi namin. Nginitian niya ako at nag thumbs-up siya.

Halatang naiilang siya kay JM. Ano kaya talagang nangyari sa dalawang 'to.

Hapon na at umuwi na rin si Renalyn nung nalaman niya na sasama si JM sabi niya hindi na daw siya sasama pero hindi naman ako pumayag kaya pinilit ko siya at sinabi ko na magagalit ako sa kaniya kapag hindi siya sumama kaya wala siyang nagawa.

Dahil sa baba naman ang simbahan, dadaanan namin si Renalyn kaya wala siya talagang magagawa. Mag lalakad lang rin naman kami dahil malapitang naman ang simbahan.

Pinag paalam rin pala ako ni Cyrus kay tatay at nanay pati kay ate na mag sisimba kami kasama ang mga kaibigan niya, hindi nga ako makapaniwala ng malaman ko 'yon.

Ngayon ay nandito na ako sa lomihan, kanina pa ako nakapag ayos sa totoo lang hindi naman sa excited ako pero mas mabuting ako ang mag hihintay kaysa sila. Dress at flat sandals lang ang suot ko.

Umubob ako sa lamesa pero agad ding napatunghay ng may tumawag sa'kin.

“Nag hintay ka ba ng matagal? Sorry sorry, ang bagal kasi kumilos ni Owe.” Nakita ko si Cyrus na nakatayo sa harap ko kasama ang mga kaibigan niya.

“I can't find my shoes.”  Masungit na sabi ni Owe.

Lahat sila ay naka-polo mag kakaiba lang ang style tapos naka pants na black. ANG GWAPO NILANG LAHAT! Pero lalo na si Cyrus, bumagay ang pure white lang na polo na suot niya sa kaniya. Maputi kasi siya.

“Rowella?” Nanalaki ang mata ko at agad napaiwas ng tingin, hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya.

“A-ah hindi naman.” Biglang lumabas sa bibig ko kahit wala maman yata silang tinatanong o sinasabi.

Nag paalam lang ulit kami kani kanila Inay tapos lumakad na kami. Tahimik kaming nag lalakad at walang nag sasalita, nahihiya kasi ako. Alam ko na may pag ka madldal ako pero nawala lahat 'yon.

Naunang mag lakad ang tatlo niyang kaibigan at nasa hulihan naman kami ni Cyrus.

“Ayos ka lang ba?” Rinig kong tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

“Oo naman.”

Dumaan kami sa bayay ni Renalyn at tinawag na namin siya. Katulad ko naka dress at flat sandals lang din siya.

“Dahil 'to sa'yo. Patay ka sa'kin mamaya.” Sabi niya ng makalapit siya sa'kin. Tinawanan ko lang siya.

Medyo marami ang tao ng makarating kami sa simbahan pero malawak pa naman ang pwesto sa loob kaya pumasok kami.

Mahaba naman ang upuan kaya tabi tabi kami, ako-Renalyn-JM-Owe-Mark. Gusto pang makipag palit sa'kin ni Renalyn pero hindi ako pumayag.

Huh? Pero wait, nasaan si Cyrus?

“Mag si-tahimik ang lahat ilang sandali na lang ay mag sisimula na ang misa.” Sabi ni father na nakatayo sa unahan.

Lahat ay nag bigay ng katahimikan at ilang sandali nga lang nag simula na ang misa.  Lahat kami ay tumayo ng sabihin ni father, nag sign of the cross kami at pumikit para mag dasal.

Lord, ikaw na po ang bahala kay tatay naniniwala akong hindi mo po kami pababayaan.

At sa pag mulat ng mata ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil nakita ko si Cyrus na nakatingin sa akin habang nakangiti. Para bang sinasabi niya na magiging maayos din ang lahat.

Sana nga..

Let's Fall In Love ✔️Där berättelser lever. Upptäck nu