Kabanata 6

108 18 0
                                    

Kabanata 6

Nandito kami ngayon sa lomihan, kanina pa kami nakauwi akala ko nga deretso uwi na sila pero mag lo-lomi daw muna sila.

Si ate ang nag asikaso sa kanila at ako naman nakaupo, katabi ko si Renalyn sa kanan at sa kaliwa naman si Cyrus.

Dumating na ang order nilang lomi kaya pumunta na ako sa kusina, niyaya niya pa ako pero tinggihan ko siya, busog pa naman kasi ako.

Nandito kami ngayon ni Renalyn sa kusina. Nakaupo lang rin kami dahil wala pa namang gagawin.

Tumingin ako sa kaniya na tahimik ngayon. Naalala ko na lumayo siya sa amin kanina nung matapos ang misa at nawala rin si JM kaya hinintay namin sila.

Kinulbit ko siya dahilan para mapatingin siya sa akin.

“Ayos ka lang?” Takang tanong ko sa kaniya.

Nag buntong hininga naman ziya kaya lalo akong nag taka. Problema nito?

“Nag away kami.” Mahinang sabi niya, alam kong si JM ang tinutukoy niya. Kumunot ang noo ko at lumapit sa kaniya.

“Eh bakit?” Pag uusisa ko.

Nag kibit balikat siya at tumayo, bahagya rin siyang ngumiti.

“Uwi na ako tsaka na lang tayo mag chikahan.” Sabi niya at nag lakad na palabas ng kusina tumayo rin naman ako at lumabas na ng kusina.

“Bye, Wella, see you tomm.” Sabi niya at tuluyan ng umalis.

Napatingin naman ako kay JM na ngayon ay nakatingin sa akin na parang nag tatanong, nag kibit balikat lang ako.

Ewan ko rin, sila ang kasama kanina sure ako doon dahil sabi rin ni Renalyn na nag away sila. Medyo curious tuloy ako sa lovelife ni Renalyn.

“Nandiyan manliligaw mo.” Natauhan ako ng marinig ko na may bumulong sa akin, tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Cyrus na parang badtrip. Kumuha siya ng baso at uminom ng tubig.

Napalunok naman at at napatingin sa entrance ng lomihan at nakita ki nga si Ken na kabababa lang yata ng kotse niya. Hindi ko alam kung saan siya galing nitong mga nakaraang linggo dahil ngayon ko lang ulit siya nakita bukod pa doon hindi ko na talaga alam dahil hindi naman ako interesado akala ko nga tinigil na niya ang panliligaw na sinasabi niya pero anong ginagawa niya ngayon dito? May dala ulit diyang bouquet.

“Hi, Wella. Good evening,” Nakangiting bati ni Ken, hindi ko na naman namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

Wala akong nagawa kundi tanggapin ang bouquet na ibinigay niya, lumabas ako ng kusina.

Nag paalam na rin ang mga kaibigan ni Cyrus na uuwi na akala ko nga mag papaiwan pa siya pero nagulat ako ng siya pa ang unang nag lakad paalis pero bago 'yon tumungin muna siya sa akin nakita ko kung paano siya nag buntong hinunga at umiling pagkatapos non tumalikod na siya at nag lakad paalis.

Napalunok ako dahil do'n.

“Wella, can I go inside your house? Tita and tito wants to talk to me.” Natauhan na lang ako ng marinig ko ang boses ni Ken wala naman akong nagawa kundi ang tumango.

Kahit pa hindi ko alam kung bakit gusto siyang kausapin ni nanay at tatay sinamahan ko siya papasok sa bahay namin at inasikaso. Alam ko naman na ganon rin ang iuutos sa akin nila nanay.

“Thank you, Wella,”  Nakangiting sabi niya ng makarating kami sa harap ng kwarto nila nanay. Ngumiti lang naman ako at tumango.

Sa totoo lang medyo kinakabahan ako na ewan, parang masama ang kutob ko.

Let's Fall In Love ✔️Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora