CHAPTER 9

26 2 0
                                    

CHAPTER 9

THE MONSTER'S BODY WAS SHATTERED INTO PIECES. Tumulo ang luha ni Haven habang pinapanood ang mga ito na nawawala. The pieces contained fragments of Fae's memory as a human. It started showing them her life—Fae's life—before she became a monster.

"Fae taba! Habulin mo kami!"

"Hindi niya tayo mahahabol kasi hindi niya kayang buhatin ang sarili niya!"

"Oo nga pala! Pfft! Hahahaha!"

Suminghot ang batang si Fae na naiwan sa mabuhanging parke, a plastic of chocolate bar left in her hand. Sinubukan nitong tumayo ngunit paulit-ulit lamang siyang nadadapa. She was about to give up when a hand was suddenly stretched out to her.

Dahan-dahan itong tumingala at nakita ang isang batang babae na nakanguso sa kanya.

"Ano, tatayo ka ba?" masungit na tanong ng bata. "Tsk. Hinahayaan mo lang silang i-bully ka nang ganyan. Tapos binibigyan mo pa sila ng dahilan para lalo kang pagtripan."

Pinunasan ng batang Fae ang sipon nito na kasalukuyang tumutulo. "H-huh?"

"Aish!" Inis na sambit ng bata. Hinila niya si Fae patayo at kamuntikan pang matumba dahil sa bigat ng hinihila. "Kung iiyak ka sa tuwing aawayin ka nila, lalo ka lang nilang aawayin! Kaya huwag kang iiyak! Naiintindihan mo ba?"

The little Fae just nodded.

The scene changed as another memory plays.

"Fae!"

Lumiwanag ang mukha ng dalagang Fae sa babaeng tumatakbo papalapit sa kanya. "Amber!"

"Oh, bakit mukhang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" tanong nito habang pinagmamasdan si Fae.

Fae sighed. "Umamin kasi ako kay Harold... pero tinanggihan niya ako. Sabi niya, he doesn't like fat girls." Maluha-luha ito nang tumingin kay Amber. "Wala bang magmamahal sa'kin kasi mataba ako?"

Inalo ito ng kaibigan. "Don't say that, Fae! Hayaan mo na si Harold, he doesn't deserve you." Amber broke free from the hug. "Know what, tutulungan kitang magpapayat para naman panghinayangan niya ang pagtanggi sa'yo! Gusto mo ba 'yun?"

"Yeah! Oh, I love you, Amber! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi kita nakilala!"

Another memory fragment popped up.

"Harold, I lost 5 kilograms this week! Hintayin mo lang ako, papayat din ako!" Masayang balita ni Fae.

Looking pissed, Harold said, "Fae! Don't you get it? Kahit anong pagpapapayat pa ang gawin mo, I won't love you! Ever! The love I have is for Amber, at ikaw? I feel nothing but disgust when I look at you! 'Wag ka nang lalapit pa sa'kin!"

"Pero Harold..." Walang nagawa ang naiiyak na Fae nang lampasan ito ni Harold.

Nakasimangot si Fae nang makarating sa bahay. Habang binubuksan ang pinto ay nakakarinig siya ng mga sigawan. She quietly entered the house only to hear her parents' cries.

"Please, Mr. Santos, I promise we'll do better!"

"This is non-negotiable! Aalis na kami! Bye!"

"But—"

Malakas ang yabag ng mga paa nang makarating ito sa kinaroroonan ni Fae. Mr. Santos looked at her in disgust. He quickly brushed past her. Sa likod nito ay ang matalik na kaibigan na si Amber. Nakayuko lamang ito at ayaw tignan si Fae.

The Monster Café (2021)Where stories live. Discover now