"Bakit Jasmin? Akala mo ikaw lang nahihirapan? Ikaw lang ang hindi handa? Hindi ko naman din alam na ganito pala kahirap mag-alaga ng buntis! Di ko naman alam na mapapadpad tayo sa mundo mo. Kasi masaya naman tayo sa mundo ko dati!" pagpupunto nito.

"Exactly Karita. It's not my World. It's yours. And i'm not forcing you to my World. I'm just trying to somehow make your world and my world collide but your making it impossible!" pahayag nya

"Bakit parang kasalanan ko lahat? Hindi naman ako ang nag-umpisa nito. Una pa lang pinapalayo na kita dahil alam kong mahihirapan ka lang sakin pero kinulit mo ako!" sumbat niya dito.

"Pinaniwala mo akong hindi mo ako iiwan. Oo nga't di mo ako iniiwan pero lagi mo naman pinapamuka sakin na hindi ako sapat. Ikaw mismo ang nagpapadama sakin na hindi tayo bagay. Na magkaiba ang mundo natin!" giit nito. Natahimik naman si Jazmine.

"I'm sorry for forcing myself to you." mapait na saad nito at lumabas ng kwarto.

Nagmuni muni si Karita pero walang napasok na matinong dahilan sa isip niya.
Makalipas ang isang oras na pagmuni muni ay di pa rin bumalik si Jazmine kaya sinundan niya na ito sa baba.

"Si Ate Jasmin nyo?" tanong ko kila Kathy na busy magsagot ng mga module nila. Nag-umpisa na kasi ang online class nila.

"Kusina ate. Kasama si Kuya Arman." sagot ni Kathy kaya nakaramdam ng galit si Karita.

Nang-gigil siyang pumunta sa kusina.
Naabutan nyang nakapangalumbaba si Jazmine may pinapanuod sa cellphone habang nagluluto si Arman.

"Jasmin!" mariing tawag nya dito kaya napapitlag si Jazmine.

"W-Why?" kinakabahang tanong nito dahil sa nakakamatay na tingin ni Karita.

"Anong ginagawa mo dito kasama ang kapatid ko?!" pikon ng saad nito.

Halo halong emosyon na ang nararamdaman niya at ang nangingibabaw dun ay selos.

"I'm surfing the net while waiting for my fries." inosenteng sagot nito.

"Ano bang meron sa fries na yan at buntot ka ng buntot sa kapatid ko?! May gayuma ba yan?!" pikon ng tanong nito.

Nakiusyoso na rin ang mga katulong nila dahil sa lakas ng boses ni Karita.

"You sounds like a jealous cat." nakangising pahayag ni Arman.

"Karita, why are you galit?" takang tanong ni Jazmine.

"Halika dito!" walang pagdadahan dahan na hinila ni Karita si Jazmine patayo sa upuan papunta sa kanya.

"Ayuko ng makikita kitang sumasama kay Arman!!"

"What? We didn't do any masama naman ah." depensa ni Jazmine.

Napatiim bagang si Karita dito.

"Isang lapit mo pa sa kanya, ako na ang lalayo sayo." banta niya kay Jazmine.

Napaawang ang labi nito sa sinabi ni Karita.

"W-What?" hindi na ito sumagot pa. Pabalibag nitong binitawan ang kamay ni Jazmine at parang may madilim na awra habang naglalakad palayo.

"Hey! Ayos ka lang?" tanong ni Arman kay Jazmine na humawak pa sa balikat nito.

"Yeah." tipid na sagot nito at winahig ang kamay ni Arman.

Nang matauhan sa nangyari ay mabilis niyang sinundan si Karita. Nagtungo ito sa garden. Nakatayo lang ito at hindi makita ni Jazmine ang itsura.

Dahan dahan siyang lumapit dito at niyakap ito mula sa likod.
Dun niya narinig ang mahihinang hikbi ni Karita.

Lost in the IslandWhere stories live. Discover now