#1 (When Lundi Comes)

110 13 2
                                    

When Lundi Comes by BinibiningCake

I voted all the parts, and commented inline the markers for some spelling/technical/grammar issues.

***

Ang When Lundi Comes ay isinulat ni BinibiningCake sa platform na Wattpad last year; its theme is life of rich and poor, and love. This critique involves mixed evaluation.

Ang kuwento ay umiikot sa lalaking nagngangalang Kairex, mahirap siya at nawalan pa ng trabaho. Habang naglalabas siya ng saloobin sa (park) ay nakarinig ito ng singhot na galing kay Melody; babaeng mayaman na nangungulila sa pagmamahal ng magulang na in-arranged marriage kay Roy. Two opposite beings met by fate, and love started to ignite. Pero ang pagkakaiba ng kanilang social status ay siyang pinakamalaking problema sa kanilang relasyon.

(Don't be offended by my critiques, please, take them as an inspiration to improve.)

Title, at first, I thought it was "Landi" kaya medyo natawa ako. Pero nalaman ko sa note mo na ang meaning no'n ay Lunes. Bakit siya ginawang "Lundi"? Naku-curious ako, puwede naman kasing "When Monday Comes", pero bakit 'yon?

Opening (Kabanata 1) isn't good. Description ka nagsimula kaya naging boring ito. Some critics suggest na gawing "dialogue" ang pinakaunang line; a monologue na mahalaga sa plot. Double meanings will be highly appreciated.

Characters are portrayed, somehow well. But I suggest na lagyan sila ng flaws, kasi wala pa rin akong makitang possible na character development sa parehas na karakter; mas posible pa nga ito kay Roy at sa magulang ni Melody.

I will also praise you for naming Melody as it was. Feeling ko magkakaroon ito ng double meaning sa mga susunod na kabanata. For Kairex— I think his name doesn't suit him. Mahirap siya pero sosyalin ang name.

For the POV, isn't it too formal? Ayos lang pong maging malinis ang pagkakasusulat natin (maganda nga po iyon) pero nagiging tunog OA na kapag binabasa siya. You gave efforts, and I appreciate it, pero know the limitations.

The theme was really great, though it was used na rin naman sa maraming stories; pero kasi, naka-highlight ito sa story mo at iba rin ang atake. I suggest namang lawakan mo ang pag-iisip mo sa mga situations regarding the theme (Rich and Poor), think outside the box, and do not stick with the ordinary scenes na alam na namin— coz it made it less exciting.

Technicalities, grammar, spelling, and the likes. As a proofreader and critic, this is a thumbs up. Minimal errors lang ang nakita ko which is kinda amusing since kadalasan sa stories sa Wattpad ay hindi ganito kalinis. But, I have pointed some mistakes:

1.) Nang and Ng

NANG
-tanong na paano
Halimbawa: Naglakad siya NANG mabilis.

-umuulit na salita
Halimbawa: Naglakad NANG naglakad.

-pamalit sa na na, na ng, at noong
Halimbawa:
(-) Ayaw ko nang (na na) mawala ka.
(-) Nang (noong) tumayo ako ay bigla silang nagsitawa.

NG
-tanong na ano at kailan
Halimbawa:
(-) Bumili ako ng pagkain. (Ano ang binili?)

2.) Use one term sa isang paragraph para 'di maging tunog redundant.

May English/Tagalog translation ang mga words at mayroon din silang mga synonyms or antonyms. Mas maiging ang isang salita ay gamitin lang ng isang beses.

Don't use terms din na nabanggit na sa dialogue tapos ilalagay pa sa monologue.

3.) Interrobang (?!). Reduce or simply not use them. Masakit sa mata at hindi naman siya kailangan— if you want to add more emotion, simply show it. Mararamdaman naman namin iyon without using (?!).

4.) Tense-consistency. Madalas ay maraming nalilito rito, may mga kritiko pa ngang nagsasabing dapat daw ay isang tense lang ang isang passage— no, it depends on the demand. Maaaring magpalit-palit sa future, past, at present tense KUNG kailangan ito.

Tho, it's highly recommended to stick sa past tense rather than present.

Halimbawa: (consistent past)

I (typed) on the keyboard, and the click sounds (were) ruining the silence on my dark room.

(uncosistent yet still correct)

I (typed) on the keyboard and (let) my fingers (tell) the emotion that (lingers) my mind.

5.) Gitling

PANLAPI (Tagalog at English)
-unlapi+salitang ugat (na sa vowels nag-uumpisa)/root word
Halimbawa:
pag(-a)sa, pag(-a)away
pag(-)drink, um(-)attack

May mga exceptions gaya ng sa um-, in-, etc.

GITLAPI
-root+gitlapi+word
Halimbawa:
v(-in-)oiceout, tr(-in-)avel

HULAPI
-root word+hulapi
Halimbawa:
pag-walkout(-in)

6.) Proper Nouns MUST be capitalized.
Wattpad Books not wattpad books.

7.) Forming a question.

Sa monologue ito ni Kai somewhere from Chapter 4-6. He formulated a question using "It is..." and that isn't right, it should be, "Is it..."

.

Settings should be described more, ang vague kasi lagi ng descriptions, pati na rin kay Kairex.

There's also wherein may allergy si girl sa balahibo ng aso— bakit walang reactions? Walang gamot na iniinom?

May part din sa Chapter 4 na parang naging misa (talks about morality), be natural. Naka-1st POV po tayo.

Ang bilis din ng romance tension, I think, it should be molded more before they realize it. Like, yes, may nararamdaman na sila— but hindi ba mag-i-in denial stage o kaya ay hindi pa sure (nang mas matagal?) at love talaga agad?

Bakit din Miyerkules lang iniayos ang mga eklavu sa kasal nila? Hindi ba, ilang buwan muna bago ito maisaayos? Medyo madiwara din kasi iyon.

I also found the Chapter five weird, sa may part na umalis sila para kumain— like, hello, nasa may restaurant yata sila noon, 'di ba? And maigsi lang ang oras ng break tapos aalis pa si Kai?

Sa may Kabanata 2, bakit ang bilis nilang maging close— akala ko nga days passed na 'yon, pero the same day rin 'ata?

And sana rin, make something sa plot para mabawi ang pagka-cliché nito. Sorry to say, pero nahuhulaan ko actually 'yong mga sunod na scenes, and that's making it kinda off. Mayroon na rin akong hula sa ending e. Saka pagtibayin mo rin sana 'yong scene na paghihiwalayin sila— I swear, I'll be hooked if there'll be a scene like that. More tears to come, charot.

.

Haay. Ang haba nito, LOL. Hindi ko na 'to nai-edit pero sana naintindihan mo ang mga sinabi ko. As I conclude this critique, I hope you'd knew na you had the talent and I really appreciate na handa kang matuto at lagi kang nag-e-edit— that's a good sign! Patuloy lamang sa pagsusulat; nakakatuwa ang ilang mga senaryong ginawa mo, at nakakapagpapadala mo sa akin ang kaunting emosyon— tho, kulang pa sa kilig. Pero kers na 'yan! Continue writing!

When the Lundi Comes is added to my lib, gusto ko 'tong basahin after matapos kaya hindi ko rin muna itinuloy basahin— feeeling ko magiging obsessed reader ako na manghihingi ng update :<

-G. Kritiko

___

Kritik ni Ginoong Kritiko (Free Critique)Where stories live. Discover now