Magic 1 - The Escape

374 11 0
                                    

Author's Note: Hello sa inyo!! Ako'y nagbabalik muli. Hehehe.. sa wakas.. natapos ko na rin ang Red Haired Princess. At ito ang next goal kong matapos. Ang Stuck in the Middle of Nowhere. Fantasy ang genre ng aking susunod na story. Naks! Sana magustuhan nyo!

Enjoy Reading Magicians!! ^_^v

***************

VANESSA'S POV

Kasalukuyan akong nagsusulat ng sulat pamamaalam para sa aking mama at papa. Tatakas kase ako. Hehehe. Gusto ko lang maranasanan ang buhay sa labas nitong napakalaking mansiyon na ito. Never pa kase akong nakalabas dito eh. As in never! Mula nung lumaki at magkaisip ako eh nasa loob na ako ng bahay na toh. Dito na rin ako nag aral. Home study to be exact. Pag tinanong ko naman si Mama about dito eh lagi nyang sinasabi na mapanganib daw sa labas. Na hindi ko naman pinaniwalaan. Bakit sila pag lumalabas hindi naman napapahamak? Diba? Si Audrey nga na kapatid ko eh nakakalabas sya at nakakapag aral sa normal na paaralan. Kaya napagdesisyonan kong ako mismo ang tutuklas ng mga nangyayare sa labas ng malaking bahay na ito. At oo nga pala di pa ako nakakapagpakilala. Hehehe..

Ako si Vanessa Raven Smith. 18 years old. Anak nila Isabel at John Miller. Di ko alam kung bakit magkaiba ang surnames namen. Sabi ni Mama ganun daw talaga yun. Wag ba daw akong magtanong. Oh well.. edi sige. At meron pa akong napapansin sa sarili ko. Yung birthmark ko na hugis pakpak na may puso sa gitna sa bandang batok ay parang humahapdi na ewan. Basta masakit sya tapos parang umiilaw. Nagsimula ito nung tumuntong ako sa edad na disi-otso. Hindi ko nalang pinaalam kila Mama at Papa dahil nga tiyak hindi rin nila sasabihin kung bakit.


Napabuntong hininga ako ng matapos ko na ang sulat ko. Nalulungkot ako at the same time natutuwa. Nalulungkot dahil malalayo na ako kila Mama. Natutuwa dahil at last.. mararamdaman ko na ang feeling ng mamuhay ng normal sa labas ng bahay na toh. This is it! This is really is it! ^_^

*tok.. tok..tok*

"Ay kabayong duling!" -sigaw ko ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Agad ko naman tinakpan ng mga libro ang sulat na ginawa ko. Jusmiyo! Kinakabahan na agad ako.

"Pasok!" -sigaw ko. Agad namang iniluwa ng pinto si Mama. Nakangiti sya pero halatang pagod sa trabaho.

"Good evening my dear.. how was your day?" -magiliw na tanong nya. Binigyan ko naman sya ng alanganing ngiti.

"Its so boring Ma.. I want to go outside." -sabi ko habang nakapout. Tumabi na ako sa kanya. Nakaupo na kasi sya sa gilid ng kama ko. Umunan ako sa hita nya at pumikit. Sya naman ay hinaplos haplos ang itim na itim kong buhok.

"Alam mo namang hindi pwede diba? Its so dangerous outside. Kaya dito ka nalang sa loob. Do you understand?" -tanong nya. Tumango nalang ako para hindi na humaba pa ang usapan.

"Okay.. fix yourself and go downstairs. We'll eat dinner later." -sabi nya at tumayo na at lumabas. Ako naman nag ayos na ng sarili. Desidido akong umalis mamayang hating gabi. I want to experience to world. Just this night.

----------

Pababa palang ako ng marinig ko silang nag uusap sa dining area.

"Gusto nya na talagang lumabas hon." -sabi ni Mama kay Papa. Agad namang kumunot ang noo ni Papa.

"We can't take a risk Isabel.. she's so special to your world kaya hindi natin sya pwedeng pabayaan." -sabi naman ni Papa. Special? To her world? Anu bang ibig nilang sabihin?

"Yun na nga eh.. pero wag kang mag alala. She promise na hindi na sya magpupumilit pang lumabas. I know she'll understand the situation. She's a smart girl afterall." -sabi naman ni Mama. Agad naman akong nalungkot. Sorry Ma.. pero hindi ko masusunod ang ipinangako ko. Not this time.

Stuck in the middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon