4th Blood: "Again"

11.3K 229 13
                                    

BLACK BLOOD ACADEMY: KILL SCHNEIDER IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL JULY 10, 2017.

BOOK DETAILS:

PAGES: 314 (INCLUDING SPECIAL CHAPTERS)

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER.GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM


4th Blood: "Again"




"The only people who can change the world are people who want to. And not everybody does."


"QUINCY! Ilang beses ko bang sasabihin na h'wag na h'wag mong dadalhin 'yang baliw na 'yan sa Ilumina? You know that she startle every person in the hallways and the doorways! Bakit ba hindi mo ma-gets 'yon?"

Damn it all to earth! Why do I have this merry half-humans half monsters as my Templars for this entire school year? Ngitngit niya sa isipan habang pinagmamasdan ang dalawang magkatabi sa kanyang harapan.

Malapit na malapit na siyang mabaliw sa mga ito. Hindi na ma-take ng kanyang kaisipan ang mga kabaliwan ni Tsuka at ni Quincy.

"Eh... pasensya na. Nagpumilit kasi siyang makita si Chiri," kakamot-kamot sa ulong ani Quincy.

Napabuntong hininga si Raven. Nilapitan niya si Tsuka at pinakatitigan. Maliit na babae lamang si Tsuka. Halos kalebel lamang ng kanyang dibdib ang taas nito. Kakatwa ang dalaga dahil parehong kulay lila ang mga mata't buhok nito. Noong unang dating ni Tsuka, pinagkamalan niyang cosplayer ito. Hindi lang siya, maging ang ibang estudyante'y iyon din ang inakala. They think Tsuka is weird.

But Raven was surprised when she applied to be a Tempress. Natuklasan niyang kalahating mortal at kalahating manggagaway si Tsuka at may liksi rin sa pakikipaglaban. Tsuka is now in her third year. Si Raven naman ay fourth year na... ulit.

"Eight years nang wala sa Black Blood Academy si Chiri, Tsuka. Utang na loob, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo 'yan? Si Quincy na ang in-assign ko sa Ilumina para sa detention at punishments ng mga stampees. Intindihin mo naman ang sinasabi ko."

Ngumuso sa kanya ang dalaga. "Pero gusto ko makita si Chichiri."

"Alam ko. Pero wala na nga sila."

"Sabi no'ng mga taga Section Merida, babalik raw si Chiri kapag bumalik rin ang mga Black Beasts. Bumalik na ba sila, Raven?"

Susmaryosep, ang kulit!

Nagkatinginan sila ni Quincy. He shrugged his shoulders na mukhang wala namang interes sa usapan. Afterall, hindi naman na talaga ito nagkaroon ng interes sa mga ganitong bagay. Lalong-lalo na kapag Black Beasts ang pinag-uusapan.

Black Blood Academy: Kill Schneider (Published)Where stories live. Discover now