"Iyon phone ko naiwan ko sa office. Mauna ka na, Aaron. Magtataxi na lang ako pauwi."




"Naman Rachel. Alas-dos na ng madaling araw magtataxi? Baka kung ano pang mangyari sa'yo. Hihintayin na kita."




"Hindi na promise. May taxi driver kaming kapit bahay. Papatawag ko sa kapatid ko para sunduin ako rito. Huwag ka ng mag-alala."



Tiningnan lang ako sumandali ni Aaron matapos ay umiling.



"Hay, minsan talaga matigas ang ulo mo Rachel."  Ngumiti ako sa kanya ng malaki dahil sa sinabi niya. "O siya sige na. Siguraduhin mong makakauwi ka ng ligtas at makikita pa kita sa Lunes, okey?"




"Sure!" Nagpaalam na kami sa isa't isa kahit reluctant pa si Aaron.



Mabilis akong umakyat sa fourth floor at nagpasama na ako sa isa sa mga security guards dahil ayoko naman mag-isa sa office at para may witness ako na wala akong ginagawang kababalaghan sa office na rin. Kaagad kong kinuha ang phone ko sa mesa. Ang daming missed calls at messages. Kaagad kong binuksan ang mga messages at galing ito kay Dave.



Sinubukan kong tawagan siya kung gising pa siya at gising pa nga ito. Nakikipagkita ito sa akin ngayon sa di ko malaman na dahilan. Sinabi ko na bukas na lang ng umaga dahil madaling araw na at pagod na ako pero nagpumilit ito. Nagpasundo na lang ako sa art gallery.



Naghintay na lang ako sa first floor lobby ng gallery. Malayo-layo ang bahay ni Dave at mukhang aabutin pa siya ng thirty minutes. Nagtimpla na ako ng kape ko dahil mukhang aantukin ako sa paghihintay. At isa pa baka magalit iyon na tulugan ko siya mamaya sa pakikipag-usap sa kanya. Gustung-gusto kasi ni Dave na nasa kanya lang ang atensyon ko kapag nag-uusap kami.




May narinig akong mga boses sa west wing ng gallery at napatingin ako rito. Nakita ko ang isang matandang night security namin at nginitian ako. Si Manong guard kung tawagin ko. Malimit ko siyang nakikita sa office dahil sa palagiang pag-oovertime ko.




Binukas at sinara ko ulit ang mata ko sa di pagkapaniwala sa nakikita kong kasama ni Manong guard. Si Sac! Anong ginagawa niya sa gallery sa ganitong oras? Teka!



Kaagad akong naglakad patungo sa dalawa. Sisitahin ko si Sac kung bakit siya nandito. Teka, huwag mong sabihing magnanakaw si Sac? Magnanakaw ng art pieces? Marami akong narinig na balita tungkol sa art thief pero hindi ko naisip si Sac iyon at ang masama ay kasama pa siya ng security namin.




"Anong ginagawa mo rito?" Matapang na tanong ko kay Sac. Tumingin lang ito sa akin na tila nagulat sa presensiya ko. Kahit si Manong guard ay nakatingin sa akin na tila gulat.




"I was in the exhibit."



"Tapos na ang exhibit kanina pa. Bakit nandito ka pa rin? Teka, Manong guard akala ko po ba inassure niyo na wala ng ibang tao sa gallery at lahat ay nakauwi na?"  Tumingin sa akin si Manong Guard na tila hindi alam ang sasabihin.




"Kaya nga ako kasama ni Manong guard." Ngumisi pa ito at ginaya ang tawag ko sa matanda. "Nagcr kasi ako at nawala sa art gallery. Buti nalang nakita ako ni Manong guard. Salamat po." Nakita ko pa ang pagkindat ni Sac sa guard. Mas lalo akong naalarma.




"Teka, may mali. Cr? Hello? Walang pasikot-sikot dito sa gallery. Napakastraightforward ng mga directions dito at wala masyadong pasikot-sikot ito. You are lying."





Kinuha ko ang walkie-talkie ni Manong guard at nagradio ng ibang security guard. Pinacheck ko ang buong building sa kung anong maaring mawala.




Impression on the HeartWhere stories live. Discover now