CHAPTER 61

2.1K 108 2
                                    

Mayumi Asherah Errille's POV

Tumatakbo ako ngayon papasok ng school dahil nga naiwan nanaman, ang sabi ko last time sila ang iiwan ko e. Ngiii!!! Kinain ko! Hahaha.

Bawat madadaan kong studyante ay nginingitian ko na lang hanggang sa makarating akong classroom.

"Good Morning Mga Unggoy! Mga wala talaga kayong hiya!" Pambungad ko samantalang sila ay natawa lang. Tarantado talaga ang mga to.

"Hindi mo nanaman ako ginising!!" Bungad ko kay Vince na ikinatawa lang nya ng mahina bago ako hapitin sa bewang.

"Hep Hep! Wala pang bebe time. Easy! Mamaya na ang landian!" Singit ni Vince sa gitna namin at pinaghiwalay kami.

"Hmp! Palibhasa wala si Stephanie, tsk!" Bulong ko bago maupo. Sinamaan pa ako nito ng tingin pero inirapan ko lang.

"Gala tayo later!!"

"Geh geh! G na G ako dyan!" Napaubo kaming lahat dahil sa inasta ni Miguel. Anyare dito at nababakla nanaman. Hahaha.

"Anong G na G hah, bakla ka ba?" Tanong ko na ikinatawa nila. "Hindi! Tanga, gusto ko lang bakit ba." Angil nito na ikinangiwi ko.

"Tsk!" Asik ko bago pumasok ang teacher namin.

Hindi naman ganun katagal ang naging klase namin at may dalawang oras pa kami bago mag lunch, may meeting daw kasi ngayon ang mga teacher's sa meeting room.

"So? Ano na... Gala muna tayo?" Tanong ko pero umiling sila.

"Alam mo naman sigurong bawal lumabas kapag hindi pa lunch break diba?" Napabagsak balikat na lang ako bago ngumuso. "Nu bayan."

"Ang boring e. Kausapin na lang natin yung guard."

"Hindi pwede, sineswelduhan sya ng malaki kaya't strikto yun. Kahit pa bugbugin namin sya ay hindi pa rin papayag, see that? Mas Mahal nya ang sweldo nya kesa sa buhay nya."

Ngii! Malay nila para sa pamilya nya yung pera para may pambaon sila sa pang araw araw, at isa pa. Siguro ay handa nyang ibuwis ang buhay nya para sa pamilya nya. Hehe! Wala lang nasabi ko lang. Hahaha.

"May alam akong daan palabas ng University, yung hindi tayo nakikita ni mamang guard!" Masigla kong nilingon si Thunder bago sya lapitan pero hinila ako ni Vince, ket kailan talaga. Hmp!

"Saan?" Tanong ko habang naka puppy eyes, bakit ba? Eh sa gusto ko e. Hahaha.

"Sa may likod ng University, may hagdan doon palabas ng University. Madami nga lang aso sa dadaanan natin." Napanguso ako.

"Ihhh! Kahit na, di naman siguro kayo takot sa aso diba!? Kaya't Tara na." Nauna na akong naglakad sa kanila samantalang sila ay nakatayo pa rin.

"Hoy! Ano na!! Tara na nga, Mga Unggoy!" Nabalik sila sa ulirat pagkatapos nilang mag titigan sa isa't isa.

"Ahhhh--- ehhh... Mae!"

"Tsk! Let's go na kung ayaw nyong sinugin ko kayo ng buhay!" Kaagad silang tumakbo papalapit sa'kin bago kami naglakad hanggang sa huminto kami sa classroom ng Section Hell.

"Gala tayo mga 'dre!" Pansin ko lang, wala ata yung transfery ah.

"Saan? Hindi tayo pwedeng lumabas class hour pa." Wika ni Connor.

"Tsk! May alam akong daan, tara na." Wika ni Thunder na ikinaliwanag ng mga muka nila bago kunin ang mga bag at mga gamit nila, sunod naming pinuntahan ang Section A ganun din sina Ate Eunine at ang ibang girls.

The Worst Section and Me [UNEDITED]Where stories live. Discover now