CHAPTER 60

2.1K 100 4
                                    

Mayumi Asherah Errille's POV

Napaigtad ako sa gulat ng may biglang humili sa'kin patayo at sinampal ako.

"Elle!" Sigaw ni Andrew na ikinatingin ko sa babaeng sumapal sa'kin. Eto yung Elle ah.

"Anong problema mo!??" Tanong ko.

"Tch! Ang landi mo din e no. May Andrew ka na nga lumalandi ka pa sa iba." Ayt!

"Tch! Shut the f*ck up! Elle." Tinulak nito yung Elle na ikinagulat ko.

"Tch! Wag na wag mo syang sasaktan kung ayaw mong ikaw ang saktan ko!" Sigaw nito.

"Andrew tama na yan!" Pagaawat ng iba pero hindi nya pinansin.

"Hindi Pwede! At ikaw!!" Duro nya kay Elle.

"Ano bang problema mo sa kanya hah? Wala namang tayo hah para maki alam ka!" Sigaw nya. Boom! Real talk! Joke lang.

"I care about you andre----"

"You care about me!? How!? Paano ka nagkapake sa'kin, you left me right? Iniwan mo ako ng hindi mo inaalam ang nararamdaman ko." Naiiyak nyang sigaw bago mapahilamos sa muka...

"Iniwan mo ako ng hindi nagpapaalam, tapos nalaman ko na lang. Isang araw, tinext mo ako! 'break na tayo' seriously?"

"What happened here?" Tanong nung leader nung pitong unggoy bago umakbay kay Ella.

"Tch! Pag sabihan mo yang GIRLFRIEND mo. Tch!" Anang Andrew bago lumabas ng cafeteria.

"Andrew!!" Tawag namin pero hindi nya lang kami nilingon..

Sandali pa kaming napasulyap kay Elle bago sumunod sa kanya palabas.

Akina Elle's POV

Kaagad akong hinatak ni Brave palabas ng cafeteria bago dalhin sa may garden..

"Tell me Elle. Do you still love that man?." Pasigaw na tanong nito sa'kin.

"B-brave na-nasasaktan a-ako." Wika ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ng kamay nya sa'kin..

"Brave? And now, tinatawag mo na lang ako brave hah, Elle."

"N-no! Ba-" kaagad nya akong isinandal sa may puno bago halikan ng marahas.

"Brave!!! A-ano ba! T-tumigil ka!!" Naiiyak ko ng wika bago sya pilit na tinutulak pero sadyang malakas sya.

"Ano ba!" Malakas ko itong itinulak palayo sa'kin at sinampal.

"How dare you! Ganyan ka na ba talaga hah? Brave? Kaunting gulo lang pinapalaki mo!!!" Sigaw ko.

Pagod na pagod na ako, pagod na pagod na akong magtiis sa mga pananakit nya sa'kin.

Kung hindi lang talaga ng dahil dyan sa punyetang arrange married na yan hindi ako magpapatali sa kanya.

"Ayoko na!!! Hindi na ako magpapakasal sa'yo, Dito pa lang puro sakit na ang nararamdaman ko. Paano pa kaya pag mag asawa na tayo hah! Sasabihin ko kina Mom, hindi na matutuloy ang kasal. Wala ng kasal ang magaganap!!!" Wika ko pero bago yun ay niyakap nya ako patalikod.

Pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap nya sa'kin pero mabilisan ko lang din syang tinulak at tumakbo paalis roon.

Naupo ako sa may bench sa may waiting shed habang tahimik na umiiyak.

"Here." Napaanggat ako ng tingin ng may mag abot sa'kin ng panyo.

"A-andrew!!" Mabilis ko itong niyakap habang patuloy sa pag iyak.

The Worst Section and Me [UNEDITED]Where stories live. Discover now