CHAPTER 58

2.2K 110 6
                                    

Mayumi Asherah Errille's POV

Papasok na kami ngayong lahat dito sa University habang pinagbubulungan parin ng mga studyante.

Duhhhh!!! Charot!

"Oh Hello, Hello, Hello. We're back!" Maarteng wika ni Chain bago maglakad na parang isang model. Nabatukan tuloy sya ni Jas.

"Che! Andami mong alam, umayos ka nga." Sigaw nito na ikinairap ni Chain.

"Bwiset ka! Hmp! Di tayo bati." Napailing na lang ako bago nagpatuloy.

Nagtungo lang kami sa room namin bago magsiupo sa sariling upuan. Ganun pa din, wala pa ding nagbago. Si Mr. Cayden pa din ang professor namin. Mag isa lang nya.

Hasyt! Napabuntog hininga ako bago itinuon ang pansin sa harapan.

Nasa sariling section na nila ang iba and as always ako lang nanaman ang nagiisang babae dito.

Kahit pa kaibigan na din nila sina Chain ay ayaw pa rin nila 'masyado' sa mga babae..

Hirap pa rin daw pagkatiwalaan ang mga babae, kaya hindi sila nagkakalove life e. HAHAHA!

"Okay Class dismissed." Oh, favorite line haha. Recess na.

"Tara na!!! Gutom na ako!!!" Malakas na sigaw namin ni Kenzo. Sabay pa.

"HAHAHA." Tunawa lang kami bago nauna ng lumabas.

"Ouch!" Daing ko ng mapaupo ako.

Putcha!

"Ano ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo!?. Hah?" Inis na tanong ng isang lalaki na ikinaangat ko ng tingin..

"What happened here?." Tanong nina Calliber na kadarating lang. Tinulungan akong makatayo ni Kenzo bago hinarap yung lalaki.

Walo silang lahat.

"Tsk! Yang babaeng yan, binagga ako."

"Excuse me, ikaw kaya ang bumangga sa kanya. At isa pa, wag kang ano.!" Sigaw ni Kenzo.

"Hoy! Wag kang mayabang ah." Pinapalibutan na kami ngayon ng mga studyante.

"Anong nangyayari dito!?." Nandito na din ang dalawang Section maging ang mga girls.

"Tsk! Wag na din kayong mangialam." Sigaw nya bago ako itulak na ikinainit ng ulo ko.

"Hoy!!" Tumayo ako hinarap ito. Nagsiatrasan silang lahat na ikinangisi ko.

"Wag kang mayabang!!!" Sigaw ko.

"Ikaw na nga lang tong bumangga sa'kin ikaw pa tong galit hah." Itinulak ko sya na ikinabagsak nya sa sahig.

"Wag na wag mo akong gagalitin, maling banggain ang isang kagaya ko, naiintindihan mo." Paatras lang ito ng paatras hanggang sa pader.

"Tsk!" Tumayo ito at akmang itutulak ako ng sipain ko ito patalikod dahilan ng pagkabagsak nya sa sahig.

"Boom!!!" Sari saring hiyawan ng mga studyante ang maririnig mo sa buong hallway ng university.

"Wag na wag mo talaga akong susubukang gago ka!!" Matapos nun ay nauna na akong naglakad.

"Baby, are you okay?" I just nooded.

Inayos nito ang buhok ko bago ako akbayan.

Ang boys na ang nagpresintang magorder para sa amin habang kami nandito lang sa isang napakalaking lamesa.

The Worst Section and Me [UNEDITED]Where stories live. Discover now