CHAPTER 23

189 18 0
                                    


[TEN YEARS LATER]

—DHAWANIE POV—

“Buti nalang po at hindi pa nagiging sila ni Princess Cindy at ni Prince Jefferson, dahil magkapatid po pala si mommy.” saad ng nine years old kong prinsesa, si Princess Hannah Marigold. Matapos kong i-kwento sakanya ang mga nangyari sakin 10years ago.

“Eh mommy, paano naman po nalaman ni Tita Ace na siya pala si Princess Cindy? Ang long lost princess ng Windland.” muling tanong ng prinsesa ko.

[TEN YEARS AGO]

——

—BRONZE POV—

Pagsapit ng ala-singko. Sangkong uwian na namin, agad akong dumiretso sa H.E building upang intayin si Dwyne. Pero sa hallway palang sa first floor ay nasalubong ko na sila Madness at Ace, pero hindi nila kasama si Dwyne.

“Nasaan si Dwyne?” agad kong tanong sa dalawa. Agad naman silang nagtinginan.

“Nauna siyang umalis. May pupuntahan daw kasi siyang importante. Akala ko nga may date kayo, ayaw kasi kaming isama eh. Parang confidential yata.” agad na sagot ni Ace.

“Hala, hindi kaya under-cover agent si Dwyne? Tapos may mission siya ngayon. Wow ang cool. Aray ko naman Acerleline!” tuwang tuwa pang pagkakasabi ni Madness pero napa-aray nalang siya ng batukan siya ni Ace.

“Anong under-cover agent pinagsasabi mo? Diba nga sabi niya mismo, pupunta siya sa uncle niya. Manghihingi siya ng pera.” paliwanag ni Ace.

“Timang ka kasi, may pa confidential ka pang nalalaman d'yan.” sarcastic na pagkakasabi ni Madness.

“Teka, ano kamo? Hihingi ng pera si Dwyne sa uncle niya? Bakit? Nasaan ang parents niya?” pagtataka ko.

“Sabi niya nasa malayong lugar daw. Kaya nga mag isa lang siyang nagre-rent ng bahay sa paupahan ng Tita Thessa ko.” paliwanag ni Ace.

——

—JEFFERSON POV—

“Yung paboritong suklay ng kapatid ko, nakatago parin yun sa kwarto ng mga magulang namin. Naka-sealed yun ng matibay na salamin. Pwede natin yun magamit para sa DNA test ni Ace.” saad ko.

“Sige, ako ng bahala kumuha ng pwede gamiting sample mula kay Ace. At kung positive ang maging result, mas mabuti kung hindi muna natin 'to ipapaalam. Maging sa Grand Duke and Duchess ng Windlad. Hahanap tayo ng tamang pagkakataon para ipaalam 'to. At ang pagbabalik ni Princess Cindy sa palasyo.” saad ni Princess Dhawanie at sumang-ayon naman ako.

——

—DHAWANIE POV—

Pasado alas-otso na ng gabi ng makauwe ako. Nadatnan ko pa si Ace na nasa gate.

“Hay buti nalang dumating kana. Kanina pa kita tini-text at tinatawagan pero naka-off yata cellphone mo.” saad ni Ace ng may pag aalala.

“Ah nalowbat eh, wala pa akong dalang charger kanina. Pero wag ka mag alala. Nakauwe naman na 'ko.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Pero teka, kaya ka ba nandito sa gate dahil iniintay mo 'ko?” tanong ko. Nakangiti naman na tumango si Ace.

“How sweet, no wonder you're a real life princess.” mahinang pagkakasabi ko.

“Huh?”

“Wala,  sabi ko ang sweet naman ng best friend ko. Tara pasok na tayo sa loob.” palusot ko, pagkatapos ay pumasok na nga kami sa gate saka 'to sinara. Habang naglalakad ay tuloy ang kwentuhan namin.

“Kanina pala hinanap ka ni bebeh Bronze mo.” nakangising pagkakasabi ni Ace. Ay ayieee.

“Anong sinabi niyo?” tanong ko.

“Edi yung sinabi mo rin samin kanina..na pupunta ka sa uncle mo.” sagot ni Ace.

“Ok good.” nakangiting saad ko.

“Ay siya nga pala Ace. Tapos mo na ba panoorin yung Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo?” tanong ko, kailangan ko kasi makahanap ng bagay na ginagamit ni Ace para sa gagawin na DNA test. Tulad ng toothbrush or suklay niya.

“Oo natapos ko na. Pero may bago akong pinapanood. Nakakakilig din. Yung The K2. Si YoonA ng Girls' Generation at Ji Chang Wook ang bida. Pero nasa Episode 4 palang ako.” sagot ni Ace.

“Tara movie marathon tayo sa inyo. Sabado naman bukas eh. Wala tayong pasok, kaya ok lang kahit magpuyat.” nakangising pagkakasabi ko.

“Ay sige. Doon na lang tayo sa kwarto ko, may TV din doon eh. Baka kasi si Tita Thessa nanonood ngayon sa sala.” nakangiting pag sang-ayon ni Ace.

——

Sa kalagitnaan ng panonood namin ni Ace, nililibot ko na ang mata ko sa loob ng kwarto niya. Naghahanap ako ng pwede kong makuha na hindi niya mapapansin o hahanapin agad.

“May sariling CR din pala 'tong kwarto mo 'no.” puna ko.

“Ah Oo. Para kapag ihing ihi na 'ko, hindi ko kailangan magtungo pa sa first floor.” nakangising sagot ni Ace.

Ok, may idea na ako. Ang galing galing mo talaga Princess Dhawanie. Tunay ngang isa kang Moondrelia.

“Pwede makigamit ng CR?” nakangiting tanong ko.

“Sige lang, feel at home.” nakangiting saad ni Ace at agad nga ako tumayo mula sa pagkakadapa sa kama. Saka nagtungo sa CR.

Ni-lock ko ang pintuan at binuksan ang gripo. Pagkatapos ay nilabas ang sealed na plastic bag sa bulsa ng suot kong jacket. Kinuha ko ang toothbrush ni Ace, pero pinalitan ko rin 'to ng bago. Yung binili ko kanina. Minsan na kasi niya sakin sinabi kung anong itsura ng toothbrush niya, may Hello Kitty daw at kulay purple. Kaya ganun din ang binili ko. Pagkakuha ko sa toothbrush ay sinilid ko na 'to sa plastic na silyado saka muling binulsa sa jacket ko at lumabas na parang wala lang nangyari.


The Stubborn PrincessWhere stories live. Discover now