CHAPTER 10

239 23 0
                                    

—DHAWANIE POV—

Nagising ako dahil sa alarm sa cellphone ko. Agad ko 'tong tinignan, nanlake ang mata ko ng makita ko ang oras. 6:45AM na, ang time ng pasok namin ay 7AM.Nagmamadali akong bumalikwas at tinungo ang CR, wala na akong oras para maligo pa. Nag hilamos lang ako ng mabilis, binasa ang buhok ko at agad 'tong sinuklay saka ko tinailian gamit ang sanriyo. Nagmamadali kong sinuot ang school uniform ko, nag sapatos at nagpapabango upang hindi halatang wala akong ligo. Nagsipilyo ako ng mabilis saka muling tinignan ang sarili ko sa salamin malapit sa may bintana. Natanaw ko si Ace na patungo dito sa bahay.

"Good morning." masayang bati niya sakin."Good morning too." bati ko rin sakanya. Kinuha ko ang bag ko sa may upuan at sinukbit ito saka ko sinara ang pintuan ng bahay. Saka nagsimula maglakad patungo sa terminal ng tricycle.

"Hindi yata nakalugay buhok mo ngayon?" nakangising tanong ni Ace sakin.

"Ah oo medyo mainit kasi kahapon." palusot ko.

"Mainit o wala kang ligo? Kagigising mo lang 'no?" pang aasar ni Ace sakin tinignan ko naman siya ng masama saka siya nag peace sign.

"Anong oras ka ba kasi natulog kagabi at late kana nagising? Siguro may ka-late night talk ko sa Messenger 'no?" pang uurirat sakin ni Ace.

"Wala 'no." agad kong sagot."Kung sabagay, kung si Jefferson din ang ka-chat ko buong magdamag baka hindi rin ako makatulog." kinikilig na pagkakasabi ni Ace kaya bahagya ako natahimik.

"Dwyne, ayos ka lang?" may pag aalalang tanong ni Ace sakin."

Ah Oo, may naisip lang ako." sagot ko.

"Ano yun? Share naman d'yan." udyok ni Ace sakin at siniko niya pa 'ko.

"Diba gustong gusto mo Jefferson? Pa'no kung nakatadhana siyang ikasal sa ibang babae. I mean, dahil sa isang matagal ng kasunduan na hindi pwedeng mabali o hindi matuloy. What will you do?" seryosong tanong ko.

"Awts naman. Ang sakit naman isipin niyan Dwyne. Pero siguro hindi ko kakayanin. Saka kung sino man yung halimbawa nakatadhana ikasal sakanya. If hindi naman niya mahal yung lalake o hindi nila mahal isa't isa. Ipaubaya nalang niya sakin si Jefferson. Hindi ko lang basta crush o gusto si Jefferson baby ko. I started to fall in love with him na." salaysay ni Ace, kaya lalo ako nakaramdam ng guilt sa sarili ko.

——

—MADNESS POV—

Pagdating ko sa room, wala pa masiyadong tao kahit 7:05AM na. Wala parin sila Ace, Jefferson at Dwyne. Kaya naisip kong bumaba sa first floor at doon nalang intayin silang tatlo, ng masalubong ko si Ralph kaya agad ako lumihis ng paglalakad upang hindi ko masalubong ang crush kong si Ralph.

"Madness." rinig kong tawag ni Ralph sa pangalan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ng mga sandaling 'yun, agad ko siyang nilingon at nagulat nalang ako ng nasa likuran ko na pala siya.

"Ayos ka lang?" may pag aalalang tanong niya ng bigla ako mapahawak sa puso ko. Ramdam ko ang bilis na kabog nito.

"Bigla ka naman kasi sumusulpot sa likuran ko, gusto mo ba 'kong atakihin sa puso?" kunwareng inis kong pagkakasabi, pero sa totoo lang ay kinikilig na buong pagkatao ko pati yata kaluluwa't konsensya ko kinikilig narin.

"Pasensya kana kung nagulat kita, may gusto lang kasi akong itanong sa'yo." nakangiti at malumanay na pagkakasabi ng future husband ko----este ni Ralph pala.

"A-ano yun?" nauutal ko pang tanong.

"Diba, kaibigan mo si Dwyne? Yung transferee. Alam mo ba kung saan siya nakatira?" malumanay na tanong ni Ralph na pinagtaka ko. Bakit interesado siya kay Dwyne? Hindi kaya crush niya yung kaibigan ko?

"Bakit mo naman naitanong?" may pagtatakang tanong ko.

"Sagutin mo nalang ako." seryosong pagkakasabi ni Ralph. Shunga ka? Paano kita sasagutin kung hindi ka pa naman nanliligaw sakin.

"Yes.." at agad ako napatakip ng bibig ko. Uy hala! ano ba 'tong pinagsasabe ko.

"What do you mean?" pagtataka niya."I mean..Yes..Oo sasabihin ko sa'yo. Pero bakit mo muna gustong malaman? May nagpapatanong ba? Baka kasi ikapahamak ng kaibigan namin kapag sinasabi ko sa'yo. Kahapon kasi nagkainitan sila ni Celestina sa may main building." saad ko.

"Bakit? Anong ginawa ni Celestina kay Dwyne?" may pag aalalang tanong ni Ralph.

"Hindi ko alam ang buong detalye. Pero, sinugod kasi ni Dwyne si Celestina matapos niyang makita na binubully ni Celestina si Jemma. Ayon, nagbanta si Celestina na babalikan niya si Dwyne." pagki-kwento ko.

——

—RALPH POV—

"Ano, sinabi ba sa'yo ni Madness kung saan nakatira yung Dwyne na yun?" agad na tanong sakin ni Bronze ng bumalik na ako sa likod ng main building, nandoon kasi ang kubo-kubong tambayan naming lima. Si Bronze din mismo ang gumastos para sa kubo-kubong ito. Na kung titignan sa labas ay lubhang naka-simple, ngunit maganda sa loob. May refrigerator na puno ng iba't ibang inumin at pagkain, TV at sala-set.

"Hindi sinabi ni Madness." agad kong sagot.

"Baka naman nagpa-cute kalang kay Madness, Bro." pang asar ni Lexter.

"Ikaw ba naman makausap mo crush mo, hindi ka ba magpapa-cute?" banat naman ni Axel.

"Pwede ba itikum niyo yang mga bibig niyo?!" mataas na ang tono ng boses ni Bronze kaya agad na tumahimik sila Axel at Lexter, at bumalik nalang sa paglalaro ng OL games.

The Stubborn PrincessWhere stories live. Discover now