Heylie scoff,"Don't judge so easily, she started it first. Nagtaray pa imbis na mag sorry", sinamaan ako ng tingin ni Heylie. Ibinalik ko ren sa kanya yung tingin na yon.

"Kahit na, violence is not a key for anything. Isusumbong ko kayo kay Dean"

"Go on, sumbungera", tumayo si Yein at staka tinulungan si Heylie,tinarayan muna nila kami bago sila umalis.

"Ayos ka lang?", tinulungan nya akong tumayo,"Sorry...", nagtataka akong tumingin sa kanya,"Sorry, kasi late na kitang naipagtanggol", I chuckled,"Don't be sorry, hindi ka naman superhero, kung si darna nga nalelate ikaw pa kaya?", tumawa sya.

^^^

"Young lady, ito na po yung pinapabili nyo", kinuha ko yung Starbucks at band aids kay kuya Sun.

Umakyat ako sa rooftop ng building ng school. Doon Nakita ko si Ashley na nakaupo at nakatingala sa langit. Naramdaman nya siguro ako kaya tumingin sya sa akin. Tumabi ako sa kanya at staka ibinigay sa kanya yung Starbucks.

"Ano yan?"

"Drinks", natawa sya,"Alam ko pero hindi naman ako nagpabili nyan? staka ang mahal mahal nyan oh, Di ko keri", huminga ako ng malalim,"Thank you...and im sorry. Kasi hinusgahan kita, kahit ang totoo gusto mo lang naman magkaroon ng kaibigan, and I should be thankful,kasi ako yung napili mo", huminto ako sa pagsasalita at staka tumingin sa outside view ng rooftop,"Ako na... masama ugali, cold, harsh, mayabang, maldita, hmm ano pa ba?", I bitterly laugh,"Lahat ata ng masasamang ugali nasa akin na"

"Hindi totoo yan. Alam mo ba kung ikaw ang ginusto kong maging kaibigan?", tumingin ako sa kanya,"Dahil ang gaan gaan ng loob ko sayo simula nung Makita kita, kahit nagtataray ka, hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi talaga ikaw yon, dahil ang totong ikaw ayan", turo nya pa sa akin,"Mapagbigay, mabait. Nasayo ang magagandang ugali Sherina, lahat tayo ay may magagandang ugali, hindi lang nailalabas, dahil bukod sa bulag sila, at sakit rin kasi ng sinag ng araw sa likod mo", bigla syang tumawa, hindi ko alam pero nahawa ako sa tawa nya,"Ang lalim mo magsalita", yun nalang yung naisagot ko sa kanya.

Tumingin ako sa kamay nya na inilahad sa harap ko na parang nakikipag-shake hands,"Hmm", sabi nya, kinuha ko yung kamay nya,"Im Ashley Buenaventura, nice to meet you, can we be friends?",ngumiti ako,"Im Sherina Villatorre, and yes, we can be friends", niyakap naming ang isa't isa.

"Mawawala na lamig nyan, tara inumin na natin"

"Basta frenny frenny na tayo ha"

"Oo,ah teka ito pala", Kinuha ko yung band aid staka kinuha ren yung braso nya,"Hindi ko napansin na may sugat pala ako"

"Tapang mo ron ha, kaibigan nga kita"

"Sus, nambola pa. Bakit magpapabayad ka ba sa mamahaling inumin na to?"

"Oy di ah. Libre ko yan, at ako ren ililibre mo ren ako"

"Oo naman"

Ang sarap palang magkaroon ng isang kaibigan.Yung kahit dalawa lang kayo alam mong totoo kayo at masaya kayo sa isa't isa.

^^^

"Oy saan ba tayo pupunta?", tanong ko kay Ashley na hinihila na ako sa kung saan.

"Sa billiard room"

"Ha?ano naming gagawin natin doon?"

"Ipapakilala kita sa kababata ko"

"Akala ko wala kang kakilala dito"

"Meron. Sya at staka ikaw"

Nakarating kami sa Billiard room ng school.All students are allowed here,pero hindi ka papasukin kapag may klase ka pa,in short na dedetect nila sa I.D naming kung tumakas lang ba kami o hindi.

Rewriting The StarsWhere stories live. Discover now