I LOVE YOU PARE

333 12 1
                                    

Masaya

Yan ang mararamdaman mo kapag may bestfriend ka.

Parating may magtatanggol sayo

Parating may gumagawa ng homework mo

Parating nag papakopya sayo kapag may test kayo at dika nakapag review

Parating andyan kapag may problema ka

At minsan tagabili pa ng napkin mo kapag natagusan ka.

Pero may panahon talaga na kailangan mo ng ipaubaya ang bestfriend mo lalo na kapag nahanap nya na ang babaeng mahal nya.

Naalala ko pa noon parati kung tinatanong ang sarili ko kung Kaya ko ba kapag nagmahal ng iba ang bestfriend ko? Hindi ko pa alam yung sagot nun hanggang sa dumating ang araw na nagmahal na nga sya.

Masakit pala lalo na nung inamin ko sa sarili ko na inlove ako sa bestfriend ko at huli na ang lahat para ipaalam saknya yun.

"PARE!!!" Tawag ko kay aldrin na papasok na ng canteen kasama si Denice gf nya.

Pero tulad ng dati ay di na nman nya ako pinansin, nagtuloy tuloy lang sila sa loob ng di man lang ako nilingon.

Dati rati isang tawag ko lang saknya darating na sya At dati rati ako pa yung lagi nyang kasama pero nagbago lahat ng yun ng makilala at maging gf nya si denice.

*******

Nung uwian nakita ko syang naglalakad mag isa pauwi.

Nung una nagdadalawang isip pako kung lalapitan ko ba sya o hindi pero sa bandang huli nanaig pa rin ang kagustuhan kung makausap ang bestfriend ko.

"PARE!!" Tawag ko sakanya pero gaya ng dati di na nman nya ako pinansin o lingunin man lang.

Bumuntong hininga muna ako bago ako tumakbo palapit saknya.

"Pare...." Twag ko saknya ng masabayan ko na sya sa paglalakad.

"Pare kausapin mo nman ako..." Sabi ko pero di na nman nya ko pinansin Anu bang problema nya?wala nman akong ginagawa saknya para iwasan nya ko.

"ANU BANG PROBLEMA MO!!!" Sigaw nya nung bigla kung hilain ang braso nya.

"IKAW DAPAT ANG TINATANUNG KO NYAN!!! ANUNG PROBLEMA MO?!! BAKIT MOKO INIIWASAN?!!MAY GINAWA BA KO SAYO?!!HUH?!!" Sigaw ko saknya pero nag iwas lang sya ng tingin.

"Aldrin Bakit? Bakit mo ginagawa to?!!! huh?!!!" Wala nman akong ginawa saknya para iwasan nya ko at di kausapin ng halos 2 buwan.

"ALDRIN!!! BAT MOKO INIIWASAN DAHIL BA KAY DENICE?!!! HUH?! AKALA KO BA BESTFRIEND TAYO SABI MO NOON WALANG IWANAN DIBA??!!!" Ok lang nman sakin kahit bestfriend ko lang sya basta parati syang nasa tabi ko.

"PWEDE BA LAYUAN MO KO!!WAG KA NG LALAPIT SAKIN DAHIL AYAW NA KITANG MAKITA O MAPALAPIT MAN SAYO!!" Masakit pala kapag sinabihan ka ng ganyan ng bestfriend mo lalo na at mahal mo pa ito.

"ANO BANG GINAWA KO SAYO PARA GANITUHIN MOKO?!!" sabi ko tsaka ko Kinagat ang ibaba ng labi ko para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

"WALA KANG GINAWA!! AYOKO KO LANG NA MAGKAGULO KAMI NI DENICE DAHIL SAYO!!"

"SO?!! LUMABAS NGA ANG TOTOO NILALAYUAN MOKO DAHIL KAY DENICE?!! PANU NMAN YUNG PAGKAKAIBIGAN NATIN WALA NA BANG KWENTA YUN SAYO?!!" Pagkasabi ko nun ay tumawa lang sya, yung tawa na parang nagsasabing nababaliw nako.

"PAGKAKAIBIGAN NATIN? WALA AKONG PAKIALAM DUN DAHIL NUNG UNA PALANG LARO LANG YUN PARA SAKIN!! IKAW LANG NMAN YUNG MAY GUSTONG MAKIPAG KAIBIGAN SAKIN PERO AKO HI------" hindi kona pinatapos ang sasabihin nya dahil alam ko nmang masasaktan lang ako.

Someone within meWhere stories live. Discover now