Kabanata 3

77 13 1
                                    

"Did you finish your breakfast, Selene?"

Tanong sa kanya ni Matthew makalipas ang ilang minuto. Mabilis lang naman niyang naubos ang kanyang agahan, pero mukhang hindi yata siya matutunawan dahil sa pagtrato sa kanya ng asawa.

"Uh... oo tapos na ako." Umiling naman siya kaagad nang magtama ang paningin nila ni Matt. "Tungkol pala sa date na sinasabi mo kanina, hindi ako makakasama kasi masama ang pakiramdam ko." Umakto naman ito kaagad na parang nauubo siya.

Agad namang lumapit sa kanya si Matthew at inilapat nito ang likod ng kanyang palad sa noo ni Selena. "Hindi ka naman mainit ah, masama ba talaga ang pakiramdam mo?" Kapagkuwan ay tanong nito sa maamong boses.

"Oo pasensya ka na, kayo na lang ni Halsey ang mag-date," sabi niya habang nakatingin lang siya sa may pintuan ng banyo.

"Excuse mo lang ba talaga 'yan para tanggihan mo ako?" Bigla namang umiba ang pagsasalita ni Matthew. "Do you really think that I'm a fool? Alam ko na nagdadahilan ka lang Selene."

This time ay sinalubong niya na rin ang mga titig ni Matthew. "Hindi ko kaya, at natatakot ako."

Tumabi naman sa kanya ng upo si Matthew sa may kama at iniharap siya nito sa kanya. "Look Selene, I'm trying my best to please you, this is our first time going on a date together. Can you just say yes and give me your time?" Hinawakan naman nito ang kamay niya at marahan itong pinisil na para bang nagmamakaawa ito sa kanya.

Napaisip naman siya kaagad sa sinabi ni Matthew, to be honest wala pa nga talaga silang date simula no'ng kinasal sila. Puro lang ito family dinner at pagkatapos no'n ay uuwi na sila ni Matthew. Para lang siyang laruan na nakadisplay sa magarang bahay na kung saan ay pwedeng magamit kahit na sa anong araw nito gusto. Pero ngayon ay nag-iba na, kasi mahal na niya ngayon si Matthew.

She's hurting and that is the part of loving him.

"Ano kasi... gusto ko lang muna na dalawin si Nanay. Matagal ko na rin siyang hindi nakita e. Kaya sana naman bumisita muna tayo doon bago tayo makapag-date." Ngumiti naman kaagad si Matthew sa kanya.

"So... are you finally saying yes? Pumapayag ka na?" Hindi makapaniwala nitong tanong, bakas pa rin ang mga ngiti sa labi nito.

"Oo basta ba ay daanan muna natin si Nanay. Namimiss ko na kasi siya. Gusto ko na siyang mayakap." Nagulat naman siya sa biglaang pagyakap sa kanya ni Matthew. Hindi niya ito tinugon at nanatili lang siya sa kanyang posisyon.

"Salamat Selene," napangiti na rin siya dahil sa pasasalamat nito sa kanya. Hindi rin niya iyon inaasahan.

"Matt, pwede bang bumitaw ka na? Hindi na kasi ako makahinga e." Naiilang niyang sabi sa asawa.

"Sorry, napahigpit yata ang pagyakap ko sa'yo." Agarang paumanhin nito. "Magbihis ka na para makaalis na tayo kaagad."

Tumango naman siya. "Sige, bibilisan ko lang para makapunta na tayo kaagad kina Nanay." Tumayo naman siya kaagad at naglakad na sa may walk-in closet kung saan naroon ang mga damit niya.

Tig-isa silang closet ni Matthew dahil sa iyon ang napagkasunduan nila limang taon na ang nakakalipas. Pumayag silang dalawa na matulog sa iisang kama pero pagdating sa mga gamit sa bahay ay may mga sarili silang kagamitan.

"Doon na lang ako sa kabilang kwarto maliligo, take your time and I'll be back after you finish yourself." Bago ito makalabas ng kwarto nila ay muli na naman siyang hinalikan ni Matthew sa kanyang noo.

Nakahinga lang siya ng matiwasay nang umalis na sa kanilang kwarto si Matthew. Nakakaramdam siya ng mga butterflies sa kanyang tiyan nang hinalikan ulit siya ni Matthew, lahat ng pakiramdam na 'yon ay bago lang din sa kanya. Para bang bumalik siya sa pagiging teenager na kinikilig sa tuwing nahahalikan o nasasabihan ng mga magagandang salita.

The Howling WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon