Chapter 5 × Can't Get Over?

176 8 1
                                    

Picture of Krystal Jung as Khrystal Alie Hitachiin on the media box! Sorry kung malabo!
Chapter 5

Zoe Alison.

"Wag kang magalala nandito pa ako"

Nagulat talaga ako sa sinabi nyang yan. Hindi ko na natanong kanina nakakahiya kaya! Nasa bahay na ako ngayon. At iniisip ko parin yung sinabi nya. Napagisipan ko munang bumaba kanina pa ako dito sa kwarto ko eh. Hindi pa nga ako nakakapagbihis eh! Saturday naman bukas! Hehez! Im free!

Nagpunta ako sa sala tapos kinuha ko yung Laptop ko. Nag open ako ng facebook at twitter ko at hindi na ako nagtaka kung bakit ang dami ko na namang notifs and friend requests sa fb at sa twitter naman marami akong interactions and notifs. Sa ganda ko ba namang to? Kelan ba ako mawawalan?

Ayun scroll lang ako ng scroll hanggang sa may tumonog. Kala ko kung ano may friends request lang pala. Tingnan ko naman kung sino, Ahh si Harvey lang pala. Wait? What!? Si Harvey? Cyrus? Palma?

"OA much Zoe? Oo nga si Harvey nga! Kelangan pang ulitin Zoe ha!?"

Ano ba!? Tumahimik ka nga dyan konsensya ka! Bakit nga naman ang OA ko? Sige tutal naman nasabihan ko na sha nang problema ko kanina at feeling ko close na kami iaaccept ko nalang.

Saktong sakto pagkapindot ko palang ng accept button may nag message sakin.

"Salamat naman at inaccept mo" Sabi ni Harvey

"Welcome!"

"Sus! Kinilig ka naman nung Inadd kita? Wag kang tatanggi! Alam kong crush mo ako!" Omg!? Akala ko bati na kami hindi pa pala! Odi sige! Kung gusto nyang magkagalit kami edi magkagalit!

"Yak! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo! Ako kinilig!? Ha! Asa pa! Sa panget mong yan kikiligin ako!? No way!"

"Sus naman Alison wag ka nang tumanggi! Alam ko namang pogi ako kaya mo ako naging crush!"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayong wag mo akong tatawaging Alison!?"

"Mga 4 siguro Alison, Ayun! Pang lima yun!"

"Bahala ka sa buhay mo!"

Naglogout na agad ako nakakainis eh! Nakakaasar. Napakayabang nya! Pogi daw!? San banda kaya yun!? Magtitwitter na lang ako! Pambasag sya! Nakakainis badtrip na naman ako!

Nag tweet na lang ako "Wag kang magpapakita sakin bukas. Babalatan kita ng buhay" Hahahahaha. Sa sobrang galit ko siguro kaya ko yan na type eh!

Merong nagdm sakin akala ko kung sino si Blaine lang pala

"Zoeee! Uuwi na kami dyan bukasss! Yeyy!" OMG!? Uuwi na sila bukas! Omygad. May ka vibes na naman ako! Nakakasawa na rin minsan sin Charlotte! Ang iingay eh!

"For real!? Di nga Blaine? Uuwi na kayo?"

"Oo nga Zoe! Mga 2:30 punta kayong Airport isama mo si Khrystal! I don't take no for an answer!"

"Of course I will! Teka sinong mga kasama mong uuwi!?"

"Sina Aubrey, Raven, Ashley, Ghijay, Renzo, Andrew at Cyrell"

"Eh pano naman sina Kyle, Chelsea, Carlo at Cedrick?"

"Sa next week pa daw sila uuwi dyan. May gagawin pa daw sila eh"

"Ahh sya ingat! Have  a Safe trip!"

"Sige bye na! Paalis na kami eh!"

At ayun na nga! Nag logout na ako sa twitter. Sinarhan ko nadin ang laptop ko.

Pupunta ako kina Khrystal syempre nagbihis muna ako. Simple lang ang sinuot ko Maong shorts lang tsaka white na sando. Katapat lang naman namin ang bahay ni Khrystal.

Nagpaalam muna ako kay kuya bago ako umalis

"Kuya Ivan! Punta lang ako kay Khrystal ha! Di ko sure kung dun ako tutulog!  Text nalang kita kuya pag dun ako tutulog ha! Sabihin mo nalang din kay Mom na nandun ako! Bye! Loveyou!"

"O sige my little princess! Take care! Love you too!"

Ang swerte ko talaga kay kuya! Ang sweet sweet nya sakin! Buti nalang hindi sya kagaya ni Dad.

Ayun nga nagpunta na ako kay Khrystal! Tama kayo kanya tong bahay yung Mama at Papa nya nasa Korea para sa business nila. Saka may lahi din silang Korean pati din kami.

Walang nang katok katok pa pumasok na ako ng bahay nya.

"Hindi ka man lang ba marunong kumatok!?" Galit nyang tanong sakin. Akala nyo lang super quiet nya, pero hindi! Sa labas lang sya cool pero pag kami kami lang maingay sya.

"Why are you shouting! Malamang marunong akong kumatok! Tinatamad lang ako tsaka baka madumihan yung maganda kong kamay no!" Mataray na sabi ko sakanya.

"Tumigil ka! Bakit ka nandito!?"

"Gusto ko lang icheck kung nakakakain ka pa dyan! Kung nakakaligo ka pa! Kung ayos ka lang! At baka may kasama ka ng iba dyan!" Hahahaha

"Get out of my house! You Ugly creature!" Aba umienglish ang pinsan ko! Improving!

"I'm not ugly! And you know that! You know I'm just kidding! I'm just going to tell you something!" Kala nya sya lang ha! Maenglish din ang bibig ko no!

"What is it?"

"Uuwi na si-" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla syang umimik

"Mamaya mo na sabihin hindi pa ako tapos kumain! Nakakain ka na ba?" Lakas ng mood swings nito! Kanina galit ngayon ambait

"Ahh oo tapos na akong kumain! Sige kain!"

Binuksan ko ang Tv nya sa sala. At saktong pagbukas ko isang halimaw ang biglang lumabas sa screen ng Tv. Sino? Edi si Harvey! Totoo nga palang artista sya ha. Well hindi sya sikat! Bakit? Kasi kung sikat sya edi dapat kilala ko diba!?

Ang panget talaga nitong halimaw na to! Pero ang dami dami nyang fans na adik na adik sakanya! Manggagayuma ata tong si halimaw eh!

"Oy tara tapos na ako! Tara sa kwarto!"

Ayun umakyat kami sa malaki nyang kwarto. Mayaman sila kaya ganyan.

"Continue what your saying"

"Uuwi na sina Blaine bukas! Kelangan natin silang sunduin sa Airport mga 2:30 PM daw. Pede ka ba?"

"Yes of course! Yun lang sasabihin mo?"

"Hindi meron pa" Gusto ko tong sabihin sakanya kasi hindi na ako magkaintindihan eh!

"Ano yun?"

"May sinabi sakin si Halimaw kanina" Nagtaka sya sa sinabi ko

"Who's Halimaw?"

"Si harvey na panget! Nung nasa detension kami! Umiyak kasi ako kanina eh!"

"Huh!? Why!? Kwento mo dali! Lahat ha!" Ayun kinwento ko sakanya lahat! Sabi nya eh

"Oww. I think he likes you."

"Are you sure?"

"Not really. Its only my suggestion!"

"Bakit nya kaya sinabi yun!? Hay nako ayaw talaga maalis sa isipan ko yun!"

"Alam mo ba ang solusyon para makalimutan mo yan!?" Nagtaka naman ako

"Pano?"

"Matulog kana!"

"Ok antok na rin ako eh! Ay wait lang text ko lang si kuya!"

Ayun tinext ko si Kuya. Tapos natulog narin ako gabi narin eh!

×

Sorry kung ngayon lang po ako nakapag UD marami kasi kaming ginawang project last week eh! Tapos nung dapat ipapublish ko na biglang nakita kong putol yung chapter kaya inulot ko pa! Sorry talaga! ✌

Melting HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon