BURNOUT.

29 2 0
                                    

Haechan's POV

"Musta?"


"Ah... okay lang naman... ata?" Mahina akong natawa sa sinabi. Rinig ko ang malakas na pagpintig ng aking puso ngayong nagkausap na kami ulit ni Mark.


Tanaw mula sa kinauupuan namin ang mga sasakyang mabibilis ang takbo at mga ilaw na nagsasapawan sa kinang. Tahimik ang paligid habang nasa likod kami ng pick-up at dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin.


Saglit akong napatingin kay Mark na seryoso lamang ang titig sa tanawin. Kahit magkatabi kami, pakiramdam ko ang layo layo niya. Baka nga kahit kailan, kahit abot-kamay ko lang siya, 'di talaga siya mapapasakin...


Nahuli niya akong pinagmamasadan siya kaya umayos ako ng upo.


"What are you thinking?" Mark said and I only smiled. "Ikaw."


Umiwas siya ng tingin sa 'kin. Kung ako lang 'yung Haechan noon, iisipin kong kinikilig siya kaya 'di na naman niya ako matignan. Ganoon kasi si Mark noon, e. Kunwaring ayaw pa pero kinikilig naman talaga. Pero... noon 'yun. Hindi na ako 'yung Haechan na 'yun.


Marami nang nagbago.


Natawa na lang ako nang mahina para maibsan ang kahihiyan. "Ang ibig kong sabihin, ikaw, kumusta ka na?" Napatingin siya sa akin dahil sa tanong ko.


"I'm good..." aniya't matipid na ngumiti't pinaglaruan ang daliri.


Buti naman... Masaya ako para sa'yo.


"Miss na kita..." mahina kong bulong habang nangingilid na ang luha sa 'king mata.


"Miss na miss na kita, Mark... Anong nangyari sa 'tin?"


Wala na. Bumuhos na 'yung luhang kanina ko pa pinipigilan. Nakita ko siyang bumuntong hininga at suminghot.


Nasasaktan ka rin ba, Mark? May pag-asa pa ba?


"Miss na rin kita, Haechan... Sobra sobra pa..." Lumakas lalo ang pag-iyak ko't naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.


"I'm sorry for hurting you so much, Haechan... I know y-you'll never forgive me for all the pain I caused yo—"


"Ano ka ba, Mark. Hindi mo naman kasalanang hindi mo ako mahal..." mahinang kong sabi.


Narinig ko na ang paghikbi niya matapos kumawala ng mga katagang iyon sa aking bibig. Pareho kaming umiiyak habang magkahawak kamay. Ano bang kasalanan namin sa tadhana at kinailangan naming masaktan nang ganito?


"Alam mo ba, na-realize ko, buong buhay pala ikaw lang kasama ko. Simula bata tayo, nandyan ka na para sa 'kin. Hanggang mag-high school na tayo, college—lahat ng okasyon at pangyayari nandoon ka. Nandoon ka noong sumusuko na ako, noong pinaglalaban ko 'yung gusto kong course kina Mama, noong namatay sila Lolo, noong nanalo kami sa competition at sumuporta ka pa rin kahit may exams kinabukasan, noong 'di ako natutulog para mag-aral sinamahan mo ako... Lahat..."

𝐁𝐔𝐑𝐍𝐎𝐔𝐓. // lhc. lmh.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon