CHAPTER 13

0 1 0
                                    


Feeling mommy

Samantha's POV

Nakarating na ako sa han river park. Kasalukuyan akong nakaupo sa bench at kumakain ng ice cream upang gumaan ang loob ko sa mga nagyari kanina

Bumalik naman sa akin ang nangyari kanina. Nandito ang hudas kong ex, kung paano sya mag makaawa sa akin,kung paano nya ako...hinalikan

Inaamin kong hindi pa ako nakakamove on ,kaya nung hunalikan nya ako kanina ay tumibok ang traidor kong puso

Pero alam ko sa sarili kong hindi ko na sya babalikan pa,kahit tumitibok pa ang traidor kong puso para sa kanya.

Alam kong balang araw ay mawawala rin to, any second now...maybe weeks?

Maybe?

I sighed. Nagpatuloy lang ako sa paglalasap sa chocolate ice cream ko at nag mamasid sa ilog ng Han. Nang magsawa ay ibinaling ko naman ang atensyon ko sa mga taong namamasyal

May mga magjowang nag HHWW pa. Kulang nalang maghalikan sa kalsada

Pshhh!magbe break rin kayo noh!walang forevs!

I rolled my eyes in bitterness. Tse!
Nahagip naman ng mata ko ang masayang pamilyang namamasyal

Napangiti nalang ako sa nakita,namimiss ko na ang family ko. Kamusta na kaya sila?

Tumayo na ako para maglakad lakad,may mga bike na dumadaan. Nirerentahan siguro yun.parang gusto kong sumakay!

Naghanap ako ng rentahan ng bike at nagrenta. I rent a lavender colored bike!

Habang naba bike ay may natanaw akong mga bata nagsisigawan. Nakita kong may binubully silang madungis na batang babae. It somehow remind mo of my sister. Lagi rin syang binubully sa school. Naawa ako kaya pinuntahan ko

"Hahah kawawa ka naman, wala kang pang renta ng bike!"tawa ng matabang bata

"Oo nga!palibhasa mahirap!"sang ayon naman ng isang mean girl

"Yuck ang baho mo pa!mas mabango pa sayo itong aso ko oh!"sabi ng isa pang batang babae at nagtawanan sila

"Hindi ka rin nakakapag aral sa magandang school! 1+1 nga?"tanong naman ng isa pa

Ang kawawang batang babae naman ay yumuyuko lang ,umiiyak at tinatabunan ang tenga

"Oh diba hindi ka maka sagot?bobo! 2 ang sagot!"sigaw sakanya ng iba. Tinulak nila ito at aakmang sisipain ng sumigaw ak

"Hoy! Mga batang walang magawa sa buhay! Itigil nyo nga yang ginagawa nyo!may mapapala ba kayo sa kaka away dyan!?"sigaw ko . Hinarap naman nila ako at nginisihan labas pa mga sira sirang ngipin

Tss! Bunutan kita ng ngipin eh!

"Wala"matapang namang sagot ng isa

"Wala naman pala , alam nyo mas nakakaawa kayo kesa dyan sa binubully nyo, kulang ba kayo sa aruga?siguro mga walang oras sainyo parents nyo noh? At ganito kayo magpapansin! "Sabi ko at humakbang papalapit sa kanila ,agad naman silang umatras, "at ikaw !"turo ko sa batang babae na pinagmamayabang na nakakapagaral sa magandang eskuwelahan"eh ano naman kung nakakapag aral ka sa magandang paaralan? Ikina dagdag bayun ng ngipin mo? Hindi ba tinuturo ang GMRC sa inyo? Nako mag drop out kana!sayang lang ang binabayad ng parents mo , mukhang wala kanamn natutununan"sabi ko . Para namang iiyak ito

"Isusumbong kita kay yaya!"sabi nya at tumakbo na . Sumunod naman ang mga kasama nya!

"Edi mag sumbong ka!samahan pa kita eh!"pasigaw na pahabol ko

Reality Of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon