Kaya kami naging malapit agad dahil mabilis kaming nagkakasundo sa mga bagay bagay. Pareho rin kaming hindi interesado sa isa't isa romantically. We just want to create friendship at mag saya habang andito pa kami sa Siargao.


This friendship we have now is very unexpected pero masaya. Para akong biglang nagkaroon ng makulit na kapatid.


"Ano na naman ang kailangan mo sa akin, Ae? Kinain ka na ba?" I asked her. Her name is pronounced as Ey-E. Parang nag recite ka lang ng A B C D E F G.


"Tapos na 'kong kumain. Ikaw 'tong laging late mag dinner, e." Umupo sya sa kaharap kong upuan. "Party tayo later, ah?" She wiggle her eyebrows habang nakangisi sa akin.


Napailing ako sa kakulitan n'ya.


“Hoy? Anong iling yan? Hindi ka sasama?”


Natawa ako. “I will come, of course. Plano ko na ring mag party kaya you don't have to tell me. . ”


Tumango s'ya at nag thumbs up sa akin. Nang ibababa na n'ya ang kamay n'ya, sinabayan n'ya ito ng pagdampot sa chicken wings na nasa plato ko. Nagulat ako roon pero hindi ako umangal. Tumawa lang din si Ae at sinimulan nang kainin iyong kinuha niyang chicken wings sa plato ko.


"Mukha tayong masayang couple sa mata ng mga tao ngayon," biro ko sa kanya.


Natigil s'ya sa pag lapa sa manok sabay ngumiwi sa akin. Dahil sa reaksyon n'ya ay napahalakhak ako ng tawa. Halata ang disgusto sa mukha n'ya dahil sa sinabi ko. Ang arte.


Nang liit ang mata n'ya. "Isa pang ganyan, Rael. Isisigaw ko talagang mahal mo pa ang ex-wife mo."


Agad akong nanahimik. Sa dalawang linggo na palagi naming kasama ang isa't isa ay andami na naming napag-usapan tungkol sa personal na buhay. And what a coincidence, nakwento n'yang biktima rin sya ng arranged marriage. Pareho kami, pero natakasan n'ya ang mga magulang at ang fiance n'ya. Kaya ngayon nagtatago siya.


Grabe ang babaeng ito. Kawawa siguro 'yong fiance n'ya ngayon.


"Ano kayang itsura ng ex-wife mo 'no? Sigurado akong maganda s'ya. Natamaan ka, eh," panunukso nya. Pinanliitan ko lang s'ya ng mata.


Since nag kwento s'ya ng kan'ya, kinuwento ko rin ang sa akin. Kaya alam n'yang in-love ako sa future ex-wife ko. I mean, na in-love ako. Pero kahit anong sabi ko sa kan'ya na naka move on na ako, palagi n'ya paring ipinapamukha sa akin na nainlove ako sa future ex-wife ko.


"Alam mo, Rael,” Ibinaba niya ang buto ng kinakain n'yang chicken wings bago s'ya nag patuloy sa pagsasalita habang pinupunasan ng tissue ang kamay n'ya. “Alam mo? Nasaktan ka lang kaya mo nasasabing hindi mo na mahal. Sooner, you'll admit na mahal mo parin s'ya kapag nakita mo mismo na nasasaktan s'ya." Uminom si Ae ng tubig matapos n'ya iyong sabihin.


Ngumiwi ako. "Ang lalim naman ata ng pinaghuhugutan n'yang linya mo, Ae?" komento ko na hindi n'ya pinansin. Saan kaya nanggaling itong mga sinasabi n'ya? By experience?


"Luh?" Nagtakip s'ya ng bibig na halatang nagulat sa kung ano. Tiningnan ko s'ya at nanlalaki ang mga mata n'yang may tinitingnan sa malayo.


Yumuko siya na parang may pinagtataguan saka s'ya may palihim na tinuro. Tiningnan ko lang s'ya sa ginagawa n'ya.


"Tingnan mo, Rael. Tingnan mo 'yong lalaki na matangkad na may kasamang magandang babae. Yang lalaking yan. Yan 'yong ex-fiancé ko. Iyong kinuwento ko sayo na tinakasan ko." Tahimik syang tumawa at yumuko yuko pa na akala mo talaga mahuhuli s'ya ng kung sino.


She's My Ex-wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now