Chapter 20

835 37 0
                                    

Sinipat ko mula sa malayo ang aking natapos na painting. It was me and Clio, under the light of the sun on our mango plantation, when he kissed me on my forehead. I chuckled, back then it's really hard for me to paint myself with him, 'cause I know that's not really existing, ngunit ngayon ay tila napakadali na lamang sa akin, marahil dahil ang aking ipini-pinta ay nakatatak na sa aking puso at isipan.

Inikot ko ang aking paningin sa loob ng aking kwarto, iniisip ko kung saan ito maaaring isabit. Napatingin ako sa aking cellphone na nasa ibabaw ng aking study table ng umilaw ito, at nakita ko na si Dylan ang tumatawag. Napahampas naman ako sa aking noo dahil nakalimutan ko na tawagan siya.

"Dylan, ano ang trip mo kanina at pinuntahan mo raw ako sa bahay? Hindi ba at may pasok ka?" bungad ko sa kaniya, narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Hindi naman masama na tumakas minsan." I put my right hand on my waist.

"Silly! Ano ba kasi ang kailangan mo sa akin at sinadya mo pa talaga ako rito sa probinsya?" Sandaling natahimik ang linya bago siya muling nagsalita.

"I just want to be sure that you're okay." Halos hindi ko iyon narinig, sa sobrang hina ng kaniyang pagkakasabi.

"And I guess you're really fine now. Masaya ka naman kanina, masaya naman kayo nang makita ko." Here's the sudden feeling of sadness again, napabuntong-hininga ako ng malalim at tinungo ang gilid ng aking kama upang umupo dito.

"Nandoon ka?" tanong ko sa kaniya.

"Yeah…"

"I told you not to care for me too much, Dylan."

"I know, you always told me that." Pinasadahan ko ng aking mga daliri ang aking labi.

"But what can I do? It still the same Xeilyn, hindi nagbago iyong nararamdaman ko para sa iyo sa nakalipas na mga taon." Napahilot ako sa aking sintido.

"Ayoko na masaktan ka pa Dylan. Hindi mo naman kailangan na palagi akong intindihin. Please, think about yourself first."

"Maayos na kami ni Clio, marami rin kami natutunan sa nangyari at alam ko na mas maging matatag pa iyong relasyon namin."

"Wala naman akong hinihinging kapalit, Xeilyn. Just let me, hayaan mo na lang ako na mahalin ka, habang minamahal mo siya."

It's another warm summer day. Sunshine flooded my soul as I looked at him. He lifted his left brow and pinched the bridge of my nose.

"Naisip mo na ba na pagupitan iyang buhok mo?" He shook his head, and I saw him grinning.

"Bakit? Hindi ba bagay sa akin?" Ngumiti ako at umiling.

"Actually your hairstyle is one of the reason why you look really attractive, the reason why my heart's fluttering everytime I see you." Tumingkayad ako para mapalapit sa kaniyang mukha at kumindat sa kaniya.

Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin, ako naman ay hinuli ang kaniyang paningin habang sinusundot ang kaniyang pisngi.

"Stop it!" Hindi ko siya sinunod at ipinagpatuloy lamang ang aking pambwi-bwisit sa kaniya.

"I told you to stop it." My knees became jelly, I almost heard my heartbeat. I stared at him, licking his lower lip when he smoothly pushed me on the trunk of the mango tree.

"Baka may makakita sa atin." Mahina ko siyang hinampas at kinakabahan akong napahalakhak, hanggang sa napatitig ako sa kaniyang mga mata.

"How much do you love me, Clio?" He tucked the other part of my hair at the back of my ear, then he slightly bowed his head for our face to align.

Across Your Heart ( NEUST Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now