Karmic Hearts | Jhing Bautista

1 0 0
                                    

THE BOOK VERSION WAS SUPERB!

Una kong nabasa ay yung raw book version nito. And I must it was really AMAZING! THE BEST SA LAHAT NG LIBRONG NABASA KO!

Akala ko no'ng una, Lucid Dream lang yung makaka-antig ng puso ko. Yung feeling ng habang nagbabasa ka, pakiramdam mo nasa ibang mundo ka?

T'was what I felt when I read Lucid Dream, but I was wrong. May mas igaganda pala ito roon.

I'm not into Greek mythology stories (though hindi naman talaga 'to inspired fro. Greek myths. Ginamit lang ang character na si Cupid).

Now, going back to the story, I love this. Hindi nakakasawang basahin.

Alam mo 'yon? Yung kahit ilang version na ang nabasa mo, you still want to buy the book.

I really love this book. Hindi lang dahil sa mga kilig scene between Cupid and Mina, hindi rin lang dahil marami kang mapupulot na aral, pero dahil mapapatitig ka sa kawalan at mapapaisip ng, "Kung totoo lang talaga ang mga magic, maniniwala na akong si Ate Jhing si Mina. At mapapagkamalan siyang baliw kung sasabihin niya sa iba kaya sinulat na lang niya."

Sige, tawa ka na.

Lol. Even I, myself, natatawa rin ako sa mga kabaliwan ng isip ko.

Pero seryoso, marami kang matututunan. Lalo na sa Wattpad version.

Kudos for Ate Jhing. Sa pamamagitan ng pagsusulat, (gamit si Cupid, lol) nagawa niyang sabihin ang mga bagay na 'yon without insulting anybody.

Though, totoo naman talaga ang mga 'yon.

But I still prefer the book version. Masyadong mahaba yung sa Wattpad version. Mas mataas pa ang percentage ng mga trivia ni Cupid kaysa sa flow ng plot.

Napansin ko ring may mga chapters na puro dialogue lang ang laman. Mga sagutan ni Cupid at Mina patungkol sa mga trivia at panenermon ni Cupid.

Gets ko naman ang gustong sabihin ni Ate Jhing sa kwento, kaya nga lang sobra na. Malaki ang tendency na ma-bored ang reader (lalo na kung wala namang pake ang mambabasa patungkol sa mga gano'ng bagay at ang nais lang ay matuklasan ang mga "kilig" part between the two MC).

Akala ko talaga happy ending 'to, eh. Grabe pa ang iyak ko ro'n sa 'parting ways' part. And yeah, until now, habang tina-type ko 'to, sumisikip na naman ang dibdib ko. Nagfa-flashback na naman sa isip ko ang part na 'yon.

Naalala ko rin na naman yung feeling ng 'I was suddenly wishing na makapasok ako sa mundo nila't gumawa ng paraan para magkaroon sila ng happy ending.'

Buong akala ko talaga may happy ending na, eh. Akala ko talaga magkakatuluyan sila sa book 2 (na kasalukuyang naka-unpublish ngayon, na sana'y ma-publish nga ulit. Kahit hanggang do'n lang sa chapter 5? or 8? Nami-miss ko si Mina pati si Eros). Akala ko talaga binigyan na ng chance si Cupid at pinasanib siya sa katawan ni Eros.

Pero nang mabasa ko ang—kung tama ang pagkakatanda ko, nakalagay yon sa FAQ's...?

"Hindi talaga magkakatuluyan si Mina at Cupid."

For short, WALANG HAPPY ENDING!

Ang saklap. Masakit. Pero bakit pa ba ako magmumukmok sa gilid at dadasal ng paulit-ulit na sana magkaroon ng himala't magbago ang isip ni Ate Jhing? Kung sa una pa lang alam ko nang malabo talaga.

Okay, sabihin na nating work of fiction nga lang siya. Everything can be real. Still, there's this bwiset thing called 'limit'.

Kaya kahit gustuhin pa nating maging 'happy' ang ending, there's nothing we can do anymore but to ACCEPT.

For Ate Mina este Ate Jhing (lol, joke lang 'yon). I wanna say A BIG THANK YOU FOR CREATING THIS BOOK. Alam ko pong sansamakmak na research ang ginawa mo (lalo na sa Wattpad version), pigang-piga ang utak mo (or it was just what I think?) sa pagsulat ng nobelang ito, but despite that, I wanna say THANK YOU SO MUCH! Lahat ng pagod na ginugol mo sa story na 'to ay WORTH IT!

Deserve na deserve ng story na 'tong mabasa ng maraming tao. Marami talaga kayong matutunan.

Wala akong mahanap na tamang salita para sa story na 'to (seryoso, no jokes were involved).

This book will always be in my bitter (lol) heart❤.

And kung maging series (may nakalagay kasing #1 sa Cupid, eh. O sadyang umaasa lang talaga ako?) man po ito, isa ako sa unang magsu-support sa story na 'to.

Again, for the nth time, A BIG THANK YOU PO! KUDOS FOR YOU, ATE JHING! THIS BOOK WAS THE BEST OF BEST BOOK (Totoo 'to. For me.) I'VE EVER READ.

PS. Sana lang talaga may stock pa nito sa NBS :(.

Ingatan nawa!

Tap's Note: You, (kung may nagbabasa man) what's your insight about this story? Or this review (ba talaga 'to? Lol)? Does this encouraged you to read the mentioned book? What did you think? Comment your thoughts now! I'd love to hear/read them :).

Mentioned:

—⊙ Lucid Dream, a novel written by, alyloony

What I Think AboutWhere stories live. Discover now