My ID Is A Gangnam Beauty | korean novela

0 0 0
                                    

Uhm... In my opinion, I don't like this drama.

The first time I watched this, I got starstruck on Eun Woo.

Yes, siya lang naman ang naging dahilan kaya natagalan ako sa panonood ng dramang 'to, lol.

Pero dahil nga boring. Puro usap lang ang ginagawa ng mga character, hindi ko na itinuloy. Dumiretso na ako sa last episode at sa pinakahuling part mismo (which is yung nasa pinuntahan nila ng mama niya before the surgery).

Until Mama bought a disk of it. Pinanood nila. Kaya wala akong choice kundi panoorin din. Malay ko, magandahan ko na siya ngayon.

Turns out, no. Medyo mas na-gets at na-appreciate ko yung ibang sinasabi ng writer.

Relatable siya sa iba. Marami kasi ngayon ang insecure sa mukha. At 'yon ang isa (at pinaka-point na rin siguro) sa mga gustong ipahatid ng istorya sa mga tao.

Pero pagdating sa characters, lalo na si Eun Woo, MASYADONG STEREOTYPE! I guess he was this handsome-cold-tall-guy. Ngayon ko lang din na-realize na hindi naman siya kagwapuhan do'n. (SORRY FOR THAT! I'M NOT SAYING HE'S NOT HANDSOME. SA STORY NA 'YON LANG NAMAN. Malay niyo may avid fan pala riyan ni Eun Woo.)

Hindi bagay sa kanya yung character. Para siyang robot kung gumalaw. Naiinis rin ako sa pagiging possessive niya. Kung makaasta parang may SILA! Understandable pa kung meron ngang sila. Pero WALA, EH!

Isa pa yung senior nila. Mas makapal pa sa balat ng kalabaw kung umasta. Like, ikaw ba may-ari ng school? Porket senior lakas makaastang superior.

Hindi ko rin ulit tinapos 'to. Yun lang, hehe.

Ingatan nawa!

PS. Hindi ko man nagustuhan ang characters at ang flow ng plot, solid naman sa moral lesson na dapat nating matutunan ( ˘ ³˘)♥

PSS. Dear Wattpad, bakit ba andami mong spacing? (╯°Д°)╯

What I Think AboutWhere stories live. Discover now