Sa araw ng prom, sinundo niya ako at inis na inis ako sa kanya dahil akala ko kahit sa araw na iyon ay magpapakatino siya pero hind dahil tinulugan at minanyak niya pa ako! Sino bang babae ang hindi maiinis doon, hindi ba? Minsan na nga lang maranasan ang prom, hindi pa naging maganda! Bwisit na bwisit ako nang gabing iyon pero nagbago iyon ng makita ko siyang tahimik lang. Kinausap ko siya kung may problema ba pero hindi siya nagsalita. Katulad ng nakagawian niya, pinilosopo niya ako pero sa gitna noon ay hinalikan niya ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil iyon ang unang beses na mahalikan ako ng ganoon. Sinagot ko ang mga halik niya at akala ko ay doon na magtatapos ang lahat.

 

Everything changes after that night. Pumupunta siya sa bahay namin para kulitin at asarin ako. Sabi niya, liligawan niya raw ako. Hindi ko iyon pinansin pero sadya atang ipinanganak siyang makulit at hindi niya ako tinigilan. Gusto niyang bigyan ko siya ng chance kaya para matigil na ang pangungulit niya, I gave him his chance. Alam ko naman kasing hindi niya iyon seseryosohin.

 

Hinayaan ko lang siyang manligaw at wala siyang ginawa kung hindi ang magreklamo nang magreklamo. Kesyo raw, ganito ba ang manligaw. Puro utos si babae at sunod naman si lalaki, ang hirap hirap na raw. Paano pa raw kung mag-asawa na kami? Ang dami niyang alam, hindi ba?

 

Dahil din sa panliligaw niya, marami akong nalaman na mga hindi ko pa alam tungkol sa kanya. Nalaman kong seryoso rin pala siya sa pag-aaral niya, na hindi lang puro basketball at pambababae ang inaatupag niya. Na mahilig din pala siya sa mga pagkaing matatamis, magsuot ng beanie at nagbabasa rin pala siya nang mga romance novels. Madami akong nalaman sa kanya at nalaman ko na Mommy niya ang pinakaimportanteng tao sa kanya.

 

Maraming araw pa ang lumipas at lagi ko lang siyang kasama. Minsan ko siyang tinanong kung bakit ako ang nagustuhan niya at sinagot niya lang ako ng, "Bakit hindi ikaw?"Hindi ko alam kung bakit bumilis ang pintig ng puso ko nang sinabi niya iyon sa akin at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noon.

 

Sa kanya ko rin naranasan ang masaktan, lalo na ng balewalain niya ako dahil kasama niya ang unang babaeng minahal niya. Gusto kong umiyak noon, pero matapang ako at hindi dapat ako umiiyak ng dahil sa kanya. Siya na mismo ang nagsabi noon na hindi naman niya ako girlfriend para sabihin niya sa akin ang mga bagay na ginagawa niya. Galit ako sa kanya kasi ipinamukha niya sa aking kaya niya akong palitan kahit anong oras. Kaya hindi ko siya pinansin at ipinamukha ko rin sa kanya kung ano ang ipinamukha niya sa akin.

 

He said his sorry to me pero hindi ako ganoong katangang babae para patawarin siya agad. Kung seryoso nga siya sa akin, gusto kong patunayan niya iyon. Hindi ko siya agad pinatawad at ipinaalam ko sa kanya ang pagkakamali niya. Akala ko, susuko na siya sa akin pero nagkamali ako. Pinatunayan niya sa akin na seryoso siya sa sorry niya.

 

I gave him his second chance.

 

Nagpatuloy ulit siya sa panliligaw niya at sinagot ko rin siya. Nakita ko sa mukha niya kung gaano siya kasaya noong sinagot ko siya. Parang siyang nanalo sa lotto at hindi ko maipaliwanag kung ganoo siya kasaya at ganoon din ako. Masaya ako dahil sinagot ko siya dahil sa tingin ko ay deserve niya iyon. Pero sadya atang mapaglaro ang tadhana at nagkaroon ng aksidente. Namatay ang Mommy niya at comatose naman ang Daddy niya. He was devastated that time and I never leave his side. Hindi ako umalis sa tabi niya dahil alam ko na kailangan niya ng taong magpaparamdam sa kanya na mayroong nagmamahal sa kanya at hindi siya iiwan.

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now