Huli ko na nang na-realize na nakatitig pala siya sa dala kong cellphone na nakatutok sa kanya kaya mabilis ko iyon binaba, nag-iwas ako ng tingin at sumunod kay Nanay.

"Maupo ka na muna diyan. Mabilis lang naman ito." Sabi ni Nanay nang makarating kami. Umupo naman ako sa gilid ng sapa at hinintay siyang matapos. Nagtaka pa ako kung bakit niya pinupukpok ng kahoy ang mga damit na nakapatong sa malaking bato pero hindi na ako nagtanong pa.

Nangawit na ako sa kakaupo at nagpasya akong maglibot-libot muna habang hindi pa siya tapos,hindi na rin ako nagpaalam dahil hindi rin naman niya ako hahayaang mag-isa dito sa gubat.

Hindi ko namalayang nakalayo na pala ako. Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig kaya sinundan ko iyon. My jaw dropped when I saw falls! A pebbly, and a boscage of lush trees, scattered on the area and a blue lagoon.

This town is a secluded area but there are lots of hidden paradise in here na pwedeng ilabas sa publiko pero bakit nakatago lang dito? Sayang at hindi napapakinabangan. Pwedeng i-feature ito sa TV para ma-discover at umunlad at makilala ang Bayan na ito pero mukha atang walang balak ang may-ari.

Tila ba inaakit ako ng mala-paraisong tanawin lalo na ang tubig. Luminga-linga muna ako. Matapos makitang wala namang taong dumadaan dito, I remove my shirt leaving only my brassiere and pants, tinanggal sa pagkakatali ng buhok ko. Itinabi rin ang cellphone matapos kuhanan ito ng litrato.

Unang apak ko palang sa tubig,halos umurong na ako dahil sa sobrang lamig nito. But I don't mind. Kaya unti-unti akong lumubog, hindi inalintana ang lamig nito. Dinama ang simoy ng hangin, nakinig sa mumunting huni ng mga ibon sa himpapawid at ang sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.

Nagpalutang-lutang ako at iwinaksi sa isip ang lahat ng problema. Kahit ngayon lang, makalimutan ko na may problema pala ako. Gusto ko ng makalimot. Gusto kong magka-amnesia nalang para hindi ko na maalala pa ang mga masasakit na salita ni Mama na paulit-ulit na rumerehistro sa isip ko.

Napakunot ako ng noo ng mapagtantong dumilim habang nakalutang ako. Hindi ko iyon pinansin at hinayaan ang sarili.

"This is a private property."  Sabi ng isang malamig na boses. Halos makainom na ako ng tubig dahil sa gulat.

"Fuck!" Reklamo ko. Nataranta akong tumayo at galit na tumingin sa walang-hiy—wait a second...it was...him!

Ang kaninang suot niya sa talyer ay ganoon pa rin ngayon pero naka-damit na siya. His brows were shot up pero nakitaan ko ng galit ang kanyang mga mata habang nakapameywang.

His dark and angry eyes darted on my face down to my body tapos nag-iwas agad ng tingin. Nakita kong namumula ang kanyang ilong at tenga. Mas dumepina ang kanyang panga lalo na at naka-tagilid ang kanyang mukha saakin. I got conscious kaya nagmadali akong umahon at marahas na hinablot ang damit at sinuot iyon.

I felt... embarrassed! Fuck! This isn't the fist time na may makakita saakin na ganito ang ayos but this is the very first time I felt embarrassed and a bit conscious on my body! What the heck is happening to me now?

Isang hamak na probinsyano lang siya pero ganito ang epekto niya saakin?

Tinalikuran ko na siya at hindi na nagsalita pa. Pero natigil ako dahil sa sinabi niya.

"This is a private property, Miss." Ulit niya kaya napatingin na ako sa kanya.

He's towering me so I still need to look up just to see his damn fucking face! And hell! Matangkad ako pero para akong nanliliit dahil sa titig niya.

"Sino ka ba para sabihin saakin 'yan?" Malamig na tanong ko sa kanya. Hindi tulad ng mga taong nakakausap ko na halos tumayo na ang mga balahibo nila sa katawan dahil sa lamig ng boses ko, iba itong lalaking 'to. Hindi manlang siya natinag at nagawa niya pang lumapit saakin.

At ako pa itong... napaatras! Fuck!

"That doesn't matter. What matters now is that you trespassed. Alam mo bang pwede kang makulong sa ginawa mo?" Mataman niyang sabi. Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.

I took a deep breath. Saktong paglingon ko sa kaliwa ay nakita ko ang isang karatula na nakadikit sa puno.

"This is a private property. Violators will be prosecuted." 'Yan ang nakasulat doon.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan. I look at him again and he's giving me a mocking smile!

"Look, I didn't notice the signboard at bago lang ako dit—"

"You didn't notice or you just ignored it? Which one, Miss? Hmm..." I saw his thumb slightly caressed the side of his lips while looking at me. Para akong natuliro at hindi ako makapagsalita.

Even when I wanted to shout at him for accusing me but I just can't move a bit. I am completely stunned and I can't even looked away! Inaakit niya ba ako?

Inaakit my ass!

"You're drooling, Miss." Dahil sa sinabi niya, nawala ako sa pagkakatulala. Tumawa pa siya na ikinainis ko lalo.

"I wasn't drooling, Mister. You're just arrogant and proud." Sabi ko. Nawala ang ngiti sa kanyang labi at tumingin saakin ng mariin.

Hindi na siya nagsalita pa kaya tuluyan ko na siyang tinalikuran.

"Rielle! Saan ka galing? Bakit ka pumasok doon sa Conde El Dorado? Buti nalang at walang nakakita sayo!" Sermon ni nanay sa akin. Lumingon ulit ako ng isang beses sa pinanggalingan at nagbabakasakaling sumunod siya sa akin pero wala.

Hanggang sa makauwi kami, hindi ako tinantanan ni Nanay ng sermon. Kesyo bawal daw pumasok doon dahil pinagbabawalan ng may-ari, baka daw makulong ako kapag may nakakita sa akin na naliligo at kung ano-ano pa.

I closed my eyes tightly. Rumehistro ang nakangising mukha ni Cross kaya agad kong minulat ang aking mga mata.

Fuck! Just fuck!

Hinanap ko ang pantali sa buhok ko matapos kong maligo pero hindi ko makita. Wala pa naman akong extrang pang-ipit. Hinalughog ko na rin ang mga gamit ko pero wala.

Umupo nalang ulit ako at nagpahinga. Pero hindi pa rin ako mapakali dahil sobrang init at walang electricfan dito. Hinanap ko nalang din ang cellphone ko para may magawa naman ako.

But... Where's my phone?!

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now