9

44.3K 1.3K 73
                                    

"LOLA!" nakangiting tinakbo ni Summer ang distansya nila ng lola Selya niya at niyakap ito ng sobrang higpit. Gabi na nang makarating siya sa isla, buti na nga lang at naabutan niya ang huling biyahe ng bangka na papunta sa isla nila.

"Diyos ko, apo! Ginulat mo naman ako!" tuwang-tuwa sabi ng lola niya. Natatawa naman siyang kumalas ng yakap dito.

"Gusto talaga kitang sorpresahin, lola. May mga dala po akong pasalubong para sa inyo." iniabot niya sa matanda ang paperbag na naglalaman ng mga pasalubong niya para dito.

"Naku, dapat ay hindi ka na nag-abala pa apo. Dapat itinabi mo na lang itong pera na ginamit mong pambili sa mga ito para sa pag-aaral mo."

"Lola naman, may ipon naman po ako. Atsaka, minsan lang naman po iyan kaya tanggapin niyo na po."

"Eh siya, ikaw ang bahala. Teka, kumain ka na ba ng hapunan? Ilang araw ka ba mananatili dito?"

"Sakto nga po at nagugutom na rin ako La, tsaka nagpaalam po ako sa amo ko na tatlong araw ako dito bago ako bumalik sa Maynila." ang totoo, kay kuya Orion lang siya nagpaalam. Hindi alam ni Comet na aalis siya.

"Umupo ka na dyan para maipaghain na kita. Magpahinga ka na rin pagkatapos mo kumain, siguradong pagod ka sa biyahe." nagkamustahan pa sila ng lola Selya niya hanggang sa matapos sila kumain.

Naglinis siya ng katawan niya bago pumasok sa kwarto niya. Nakahiga na siya sa papag niya pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya at tinungo ang pintuan palabas ng bahay nila. Naupo siya sa bangko na nasa labas lang ng bahay, tumingala siya sa malawak na kalangitan na napakaraming bituin.

Isang ngiti ang sumilay sa labi niya ng makakita siya ng bulalakaw, sandali lang iyon pero kitang-kita niya ang mabilis na pagdaan non. Naalala niya bigla si Comet.

Iniisip niya kung galit pa rin kaya ito sa kanya? Hinahanap pa kaya siya ng lalaki?

"Napakalalim naman ng buntong-hininga mo, hija."

"Lola!" gulat na sabi. Hindi niya namalayan na nakalabas na rin pala sa bahay niya ang abuela. Tumabi ito ng upo sa kanya.

"Tatlo lang ang ibig sabihin niyan, una, may problema ka, pangalawa may iniisip kang tao at pangatlo, parehong yung una at pangalawang sinabi ko."

Summer let out a chuckle. Kilalang-kilala talaga ng lola Selya niya. Isinandig niya ang ulo sa balikat ng matanda at yumakap dito.

"Sabihin mo apo, may gumugulo ba sa isip mo?" tanong nito.

Marami. Gusto niyang isagot pero nawalan siya ng lakas ng loob. Sigurado kasi siya na lalo lang magtatanong ang lola niya sa kanya.

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila ng abuela before she deeply sighed again after she decided to ask her a question.

"'La? P-paano mo ba nalaman na mahal mo na si lolo?" naramdaman niya na natigilan ang abuela, bago nito sinimulang haplusin ang buhok niya.

"Naalala ko noon, disisais anyos lang ako nang makilala ko ang lolo mo sa sayawan sa bayan dati. Ayaw ko nga sa kanya noong una dahil simpleng mangingisda lang siya, palagi ko siyang sinusungitan, pero nang makita ko kung gaano siya kapursigido na mapasagot ako, doon ko na siya unti-unting nagustuhan, hanggang sa naramdaman ko na lang na mahal ko na siya. Nang tumuntong ang edad ko sa disiotso, nagpakasal agad kami..

Hindi mo naman mapipili kung sinong tao ang mamahalin mo. Kung talagang mahal mo siya, mararamdaman mo na lang iyon sa puso mo. Basta, hindi mo maipaliwanag ang nararamdaman mo kung bakit mo siya nagustuhan, parang magic ba."

Serendipity (Under Editing)Where stories live. Discover now