Chapter XXV: Surprised?

Start from the beginning
                                    


"Practice tayo. Now na, sa likod ng Prestige Lounge." Prinsesa mode na naman ang isang 'to. Pero, hay, wala naman na akong magagawa, para sa grades ko ito eh. Wala na lang akong sinabi para wala din away. Sawa na ako makipagtalo sa isang 'to, naiistress lang ako eh.


"Ma'am Trinidad, aalis na po ako. Pakitawagan na lang po ako kung may iuutos pa po kayo sa'kin." sakto ang dating ng nanay ni Michael. Tumango sya sa'kin at tsaka ngitian ang anak nya. Pinapunta nya ang luging-lugi na si Michael sa private office nito at tsaka kami iniwan.


"Welp, since sasama ka sa'min pabalik ng dorm, bitbitin mo na 'tong gamit ko." kung hindi ko lang talaga malapit na kaibigan itong si Adrianne, ibinalibag ko na yung mga gamit nya na idiniposito nya sa kamay ko at tsaka pinaslang sya para lang buhayin ulit at balatan ng buhay. Ugh! Ano ba! First yung pagiging out of character ko, ngayon naman yung mga pinag-iisip kong bagay! Anong sunod na mahahawa sa'kin mula kay Scarlet? Pananalita? Bloody fantastic!


"Sa'kin din isama mo na." Princess mode to the max, Scarlet? Hindi man lang maawa sa'kin? Dalawa lang kaya kamay ko. Tsss, talaga nga naman.


"Ikaw June, hindi mo ipapadala gamit mo?" cue, ikot ng mata sabay heavy sarcasm.


"Kung trip mo ba eh, edi sige. Pero mukhang ibabalibag mo lang ang lahat ng gamit namin kung ipadadala ko pa sa'yo itong mga gamit ko." inikutan lang din nya ako ng mata. "Tsaka isa pa, kaawa-awa ka naman tignan, mabigat yang mga shopping bags na yan, sigurado ako. Ako na humihingi ng sorry para sa dalawang yun." Sa tatlong babae ng Prestige Perfects, si June and pinakamabait. Aba't nag-offer pa nga sya na tulungan ako eh, pero since I am a gentleman, syempre tinanggihan ko.


Pagkatapos kong ibalik kay Adrianne at Scarlet ang gamit nila para ipasok sa Prestige Lounge, dumiretso ako sa likod ng nasabing building. Makaraan lang ang ilang minuto, dumating na din si Scarlet.


"Wala ako sa mood makipag-talo sa'yo kaya please magpractice na lang tayo." Inunahan ko na sya bago pa nya ako laitin o kung ano man ang balak nyang gawin... mahirap na baka mag-away lang kami nito. Hassle na nga, sakit pa sa ulo.


"Fine." Binaba nya yung smart phone nya sa bench na malapit sa'min at tsaka ako hinarap. "Countings muna tayo...isang pasada lang each routine tapos with music na."


"Alright. Sounds good." Tapos nilahad ko yung kamay ko. Inikutan lang nya ako ng mata. Tsss, ang taray talaga. Ako na nga itong nagpapakagentleman, hindi man lang maappreciate? Wala talaga.


After two hours of practice, inutusan na akong Scarlet na bumalik na sa dorm ko para magprepare. Within three hours kasi, magsismula na yung Dance Fest. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa loob ng dalawang oras at kalahati. Matulog kaya ako? Wag na pala, baka malate pa ako ng gising. Pa-check up kaya ako sa ospital? Paubos na pala yung pera ko. Mag-gala? Again, Gian paubos na yung pera mo.


Ah! Alam ko na! Mang-gugulo muna ako kay Pierre. Ang sabi naman nya, wala silang practice ngayon. Nilabas ko yung medyo bulok kong cellphone para tawagan si Pierre.


*Ring-ring*


Sorry ha, Sorry! ((ON-HOLD))Where stories live. Discover now