Gabrielle:

Kot

HAHAHAAAH

Tripp:

Awit lods 😀

Ribo:

Ayon inabangan namin ni tukmol si Kuya Den tapos sinundan namin siya hanggang sa sinundo niya si Ate Gab tapos dumiretso sila sa MOA.

Sa may seaside sila nag-usap 😔

Doon yata sila nagde-date dati nung shs sila HAHAHAHAHA

Syempre ni-record ko 'yong pag-uusap nila HAHAHAHHA

Hindi nila kami napansin ni tukmol kasi focused sila sa isa't isa.

Janus:

Kuwento mo muna kung paano ka naiyak.

Ribo:

Tangina mo sino umiyak??!!

Ayon nga. N'ong una tahimik lang sila tapos mayamaya sabi ni Kuya Den, "It's okay. Take your time. I'm just here. I'll wait. No need to hurry, Gabbie."

Yerenica:

Kuya Denzel jojowain

Tripp:

Huh,,,

Denzel:

HAHAHAHAHA

Gabrielle:

HAHAHAHAHA

Ribo:

Tapos ayon nagsalita na si Ate Gab.

Teka Ate Gab okay lang ba talaga???

Gabrielle:

Hahahaha sure.

Okay lang.

Hindi naman din namin tinatago sa inyo.

Ribo:

Kaya nakipag-break si Ate Gab kay Kuya Den, kasi sobrang hirap pagsabay-sabayin lahat.

Second year college na sila n'on. Tapos si Kuya Denzel ginawang captain ng mvt. Magkaiba sila ng school.

Tapos si Ate Gab manager ng mvt ng university nila.

Gabrielle:

It was hard adjusting siguro? Haha. Siguro ang babaw pakinggan or basahin pero, nakakapagod kasing makita na 'yong taong mahal na mahal mo, napapagod na rin dahil sa 'yo.

My mom was hospitalized that time.

Tripp:

Ah naalala ko nga. Stroke, diba?

Gabrielle:

Yeah.

Den was always there for me. Alam niyo naman na sobrang maaasahan niyang si Den. He never made me feel that I'm alone.

Denzel:

Kasi hindi ka naman talaga nag-iisa.

Gabrielle:

Ayon nga.

Pero alam niyo 'yon? Nakikita ko kung papaano siyang nahihirapan.

Ako, 'yong school, 'yong volleyball, 'yong pagiging captain.

Kinakaya ni Den hanggang sa nalaman kong nawawalan na siya ng oras sa ibang bagay dahil sa 'kin.

Hindi nakaka-attend ng practice para sa 'kin.

Hindi nakakagawa ng projects dahil sa 'kin.

Mahal namin 'yong isa't isa pero tama bang sirain namin ang isa't isa dahil nagmamahalan kami?

If we can't even do this right, why continue?

Ayokong dahil sa 'kin, mawala 'yong Denzel na minahal ko.

Sancho:

That's why you broke up with him?

Gabrielle:

Yes.

I'm sorry.

It's just... too much for me that time?

Ayokong makasira ng buhay ng iba.

Sirang-sira na buhay ko. Gulong-gulo na buhay ko. Pati ba buhay ng mahal ko, guguluhin ko?

Sancho:

Ang tagal mong dinala sa puso mo 'yan, Gab.

Gabrielle:

Haha sobra.

Kaya nahihiya rin akong harapin si Den.

Hindi dahil galit ako.

Hindi dahil may sama ako ng loob.

Kundi dahil mahal ko pa.

Kundi dahil gusto ko pa.

For years I keep on asking myself what if I continued holding on to him?

What if I did not let him go?

But seeing him achieving all those things he was able to reach after the break up?

Siguro nga tama lang na ginawa ko 'yon.

Tripp:

Sabi ko nga diba? Paano niyo mahahanap ang isa't isa kung parehas kayong nawawala? Paano niyo maipaglalaban ang pagmamahalan niyo kung pareho kayong napapagod na?

Yerenica:

😭😭😭

Sancho:

😭😭😭

Drexler:

Gago ang deep 😭

Ribo:

Tapos nag-sorry si Ate Gab kay Kuya Den 😭

Sancho:

And then???

Ribo:

Wait tawag ako nila Ate ampota

Tripp:

Pota nasa good part na tayo????

Gabrielle:

HAHAAHAA

Wait bebe time 🤣

Drexler:

Pota naman 😀

Ceaseless (Bump, Set, Spike #3)Where stories live. Discover now