Prologue

98 6 11
                                        

The saddest thing in life is to let go. The hardest part of moving forward is to let go. The scariest part, even if it makes you happy still needs to let go. We tend to let go of the things that make us happy. It's easy to let things come into our life, but it's not easy to let them go.

Many people say letting go will make you feel better. They often say, it's part of moving on. Some say you need to let go for you to be able to move forward. We all have different views when it comes to letting go. It doesn't mean that when you let go of something, it will ease your burden. Only time can say if you're truly let go.

But let's talk about the easiest way, letting things come into our life. It's easy to accept things, money? Friends? Opportunity? All comes in different ways. All of them also have different ways to let them go. Some eventually, maybe some forcefully. But how about love? Is it always easy to let someone into your life? Then let them go if they've hurt you?

*TWEET*

shumshunvcd

'If you're the one, then let our time fall to the hands of our destiny.'

Sun, 09:15 AM. Posted.

***

"Hoy babae! Lumayas ka na nga dito sa pamamahay na 'to! Tutal wala naman na ang ama mo, wala ka na ring karapatan dito!"

Pauulit-ulit. Ganyan nalang ba parati ang bungad sakin pagkaumuuwi ako? Wala man lang bang kahit kumusta lang?

Napangiti nalang ako sa naisip ko. Ano ka ba naman Penelope! Hindi kana nasanay sa madrasta mo! Eh diba palagi naman mainit ang dugo niyan sayo?

Alam niyo ba kung bakit? Simple lang naman, hindi kasi sakanila nakapangalan lahat ng ari-arian na naiwan ni Papa. Sakin niya lang iniwan dahil ako lang naman ng nagiisa niyang anak. I mean sa loob, anak sa loob.

"Ano?! Hindi ka pa ba aalis dito? Nagsasawa na kami sayo!! Wala ka nang silbi dito sa bahay na'to! Wala kang kwenta!"

"Ma, ano ka ba naman? Kanino pa nga ba yan nagmana? Edi sa nanay niya ring bulok!"

Sabay pa silang nagtawanan sa sinabi ni Grace. Panganay na anak ng madrasta kong hilaw. Ewan ko ba sakanila, mas maganda naman ang genes namin kesa sa sakanila! Mga epal!!

"Don't you dare to talk shit about my Mom! Wala kayong karapatan para pagsalitaan siya nang mga ganyang bagay! Dahil wala naman kayong alam tungkol sakanya!"

"Aba sumasagot kana ah!? Talagang tumatapang kana!! Wala ka nang utan---"

"Wag mong sabihin na wala akong utang loob! Dahil una sa lahat wala talaga akong utang sainyo! Bakit? Ako tumatapang? Dahil nasa lahi namin ang mga palaban! Hindi katulad nang inyo! Mga talunan! May sabit pa!"

Pagkatapos ay sinukblit ko nang maayos ang bag ko at inirapan silang dalawa na ngayo'y nakanganga nang bahagya dahil sa mga sinabi ko. Tunganga yarn?

Dire-diresto lang ang martsa ko papunta sa labas hanggang sa makarating ako sa gate namin. Ngayon talaga aalis na ako, hindi ko na kilangang problemahin ang mga gamit ko dahil naipon ko naman na ito sa bahay ng kaibigan ko.

Through the years of earning my patience in that fre*king house, atlas makakaalis na rin ako!  Palagi kong sinasabi sa sarili ko na kailangan kong maging matatag. Simula nang mawala na sa mundong ibabaw ang Papa ko, pinangako ko sakanya at sa sarili lo na magiging matatag ako at magpapatuloy sa buhay. At hindi para magpatalo sa mga mas talunan pa sakin. Lahat ng masasakit na salita, mga pamimisikal nila sakin ay makakaya ko pa dahil insecure lang sila sa beauty ko! Pero ang pagsalitaan ang patungkol sa nanay ko para sa walang kabuluhan ay hindi ako makakapayag!

I've all alone in my life. I wish in the future there will be someone who loves me, whom will care for me, and someone who will be with me through ups and downs. Kahit hindi na gwapo, basta gawa ng Diyos. Dahil sabi nila wala namang pangit sa mundo. Wala Siyang ginawang ganun. Ewan ko lang sa madrasta ko pati sa anak niya.

I wonder kung hindi napasakin at nipangalan lahat ng napaghirapan nina Mama at Papa. Malamang mapupunta sa wala at sa mga walang kwenta ang mga iyon. Magantay sila sakin, babawiin ko  ng inagawa nila. Hindi ako makakapayag na masakamay nila lahat yun! Ano sila gold? Chix? Ako lang ang gold, wait for me 'till I become gold, I mean indestructible. 

Sisiguraduhin kong magmamakaawa kayo sakin! Antayin niyo makahanap ko ng afam na 4M. Matandang Mayaman na Madaling Mamatay! Dejok lang, kaya ko naman mag-ipon pa ee.

Wait for my comeback! I'll be beautiful like a precious gem! So as my mother. I'll  be tough as my father. Just like they thought me, go on with your life. Be strong enough to face your problems. Wag kang aasa sa kahit kanino kahit malapit pa saiyo dahil sa huli it's just you and yourself ang masasandalan mo.

Nang makapara ang nang taxi sa may kanto ay mabiti nalang at hindi masyadong traffic. Sabagay gabi naman kaya hindi talaga laganap ang mga sasakyan sa labas. Pagkaraan nang mga ilang oras na pagbabyahe ay sa wakas narating ko rin ang bahay nina Zet. Kaibigan ko.

Binigay ko na ang bayad sa driver tsaka lumabas. Bumuntong hininga muna ako tsaka inayos ang nagusot kong damit bago ako tuluyang pumasok sa bahay nina Zet. Wala kasi ang parents niya dahil nasa states, may kailangan daw asikasuhin. Saktong pagpasok ko ay naghahanda nabsiya sa hapag nang makakain para sa hapunan.

"Ohh!! Nandyan kana pala bruha ka! Lika sakto kakain na rin ako! Dinamihan ko na dahil alam ko namang magbubungaga ang madrasta mo! Ang ending dito ka? Tama?"

Nakangisi ako habang tumatango sakanya.

"Ano ba, hindi kana nasanay!"

"Wala lang trip ko lang. Btw, lika na! Masarap ang ulam na niluto ko!"

Humakbang ako patungo sa lamesa at naghanap ng mauupuan. Tama nga naman siya, masarap nga ang ulam. May adobo, may pritong isda, may nilagang okra na ang katabi ay sawsawang bagoong! Wala na talagang makakatalo sakanya pagdating sa lutuan. Although, marunong naman ako magluto pero hindi kasing galing niya.

Nagsimula na kaming kumain dahil hindi na raw mapakali ang tyan niya dahil sa gutom.

"Alam mo ba? May job hiring sa isang kompanya! Nakita ko lang nung napadaan ako!"

Job hiring? Sounds interesting. Pero ano kayang tra—

"Ano naman ngayon? Tsak—"

"Sayang naman, antaas ng pasahod. Kalahating milyon! Pasok ka kaya? Sakto diba kailangan mo nang pera? Mag-aaral ka pa naman diba?"

Balak ko sanang tanggihan e, ang kaso kalahating milyon! Kung sa isang buwan lang iyon? Mabilis lang akong magiging milyonaryo? Pero ang problema, actually marami akong problema. Kulang pa ang kalahating milyon kung sakali. Pero ayos lang! I won't let this opportunity to slip!

"Sige, samahan mo ako bukas."

Ngumiti lang siya tsaka nagpatuloy ulit sa pagkain. Nakakabinging katahimikan ng sumunod na eksena. Patuloy lang hanggang sa matapos kaming kumain. Nagpresenta ako na ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan kaso nagmatigas rin si Zet. Sinabing kelangan ko raw maghanda para bukas.

Nakahiga na ako sa kama at hindi ko man lang magawang makatulog. Hawak ang kwintas na pamana sakin ng mga magulang ko, sa tuwing nalulungkot ako ay lagi ko lang itong hinahawakan nang sa gayon ay maramdaman ko ang presensya ng mga magulang ko sa tabi ko.

Namatay si Mama dahil inatake siya sa puso, nangyari iyon nung 16 na taong gulang palang ako. At pagtungtong ko nang 19 ay lumipat na sa bahay namin ang madrasta ko at ang pangit niyang anak. Duon na nagaimula lahat ng madilim at malaimpyernong panumuhay na naranas ko. Pagtungtong ko sa edad na 20 ay namatay rin ang aking Papa dahil inatake rin ito. Magsimula rin noon ay lagi na akong napagtutulungan nang mag-ina. Lagi nalang ako, hindi ba pwedeng yung anak niya naman?

At ngayong 22 na ako? Nais ko lang ay ang mabawi ang lahat. Wala pa naman sa utak ko ang buhay pamilya. Wala pa ko roon. Sa ngayon ay trabaho muna para makagipon ng maraming pera. Para sa tuition sa darating na kolehiyo. Para sa mga utang nang madrasta ko na sakin niya ipinangalan! Magaling siyang kupal!!! Nagcasino pa kung wala namang pera? May pa bigay bigay pa nang regalo sa mga amiga niya. Feeling rich!

Nagdasal na ako para makatulog na rin dahil alam ko na mahaba-habang araw nanaman bukas. Simula na nang plano ko sa bagong buhay! Kaya magbago na rin kayo! Hihi

The Art of Letting GoCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang