PROLOGUE

53 6 15
                                    

Habang nagliligpit ng gamit ay narinig ko ang biglaang pagbukas ng pintuan.


"Shia Sky, tawag ka ng Lola. Umakyat ka raw sa kwarto niya at may sasabihin siya sayo." Nakita ko ang pagsilip ni Mama bago ito maglakad palayo sa aking kwarto.


Iniwan ko muna ang magugulo kong gamit bago umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.


Kumatok ako at narinig ang mahinang boses ni Lola. Pumasok na ako at dahan-dahang isinara ang pintuan bago umupo sa maliit na upuan sa tabi ng higaan ni Lola.


"Tawag niyo raw po ako Lola?" masiglang tanong ko. Inabot ni Lola ang ka may ko kaya nama'y nilapit ko ang katawan ko para hindi na ito mahirapan pa.


"Apo, alam mo namang mahal na mahal ka ng Lola diba?" malambing na pagpapaalala nito sakin.


"Oo naman po! Kayo ni Lolo. Pati ni Mama at Papa." Nginitian ko ito at hinaplos ang kamay.


"Lagi naming ipinapaalala sayo iyan dahil gusto naming lumaki ka ng hindi nararamdamang may kulang sa buhay mo. Bagama't namatay na ang Papa at Lolo mo, hinding-hindi ka iiwan ng Mama, tandaan mo yan ha?"


Tumango naman ako kahit na naguguluhan. "Pati ikaw Lola diba? Hindi mo ako iiwan?" inosenteng tanong ko rito. Ngumiti ito bago mas lalong inilapit ang katawan sa akin.


"Shia apo, may ibibigay ang lola sayo." May kinuha ito sa ilalim ng kama niya. Isa itong lumang jewelry box ngunit mukha paring bago at mamahalin.


Pagkabukas ay makikita ang isang gintong kuwintas. Subalit, hindi hugis puso o bulaklak ang nakasabit rito kundi isang susi. Isang natatangi at espesyal na susi.


Tinangal ni Lola ang kwintas sa patag na unan na kinalalagyan nito at inilapit sa akin.


"Paumanhin at nahuli ako ng pagbibigay sayo ng regalo para sa ika-pitong kaarawan mo apo. Natagalan ang Lola sa paghahanap dahil itinago namin ito ng Lolo mo bago ka pa maipanganak. Importante ang susi na ito kaya nama'y hindi mo maaaring mawala o masira." pagpapaliwanag nito.


Sinenyasan niya akong tumalikod para siguro ay mailagay ang kwintas sa akin. Tumalikod ako at lumuhod para mas mapadali ang paglalagay ni Lola. Nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya nang dumapo ang kuwintas sa aking leeg ngunit agad din itong nawala at napalitan ng pagkamangha.


Humarap ako kay Lola at nakitang nakahiga na ulit ito. Hinawakan ko ang susi at pinakiramdaman. Pati pag hinahawakan ay halatang mamahalin. Mukha itong isang antigo ngunit halata rin ang pagka moderno nito.


"Mukhang mamahalin, Lola. Sa akin po ba talaga ito?" tanong ko habang pinagmamasdan ito.


"Para sa iyo 'yan. Bago ka pa maipanganak ay naitadhana ng mapasayo ang susi na yan."

Silent ChaosWhere stories live. Discover now