Who Hasn't Moved On Yet?

Magsimula sa umpisa
                                    


"May ik-kwento ako sa'yo Par!" excited na bungad ni Kim sa phone. "Alam kong gabi na, pero---"

"Kim! Ang ingay mo!" antok na sigaw ng kasama ni Kim sa kwarto. Napasilip naman si Kim sa ilalim ng kama niya.

"Sorry na Ye--- ba't naka-shades ka matulog?" takang tanong ni Kim saka bumaba sa double deck. Nakahiga si Mika sa kama habang naka-shades.

"Ang liwanag ng ilaw eh." iritang sagot nito at sinenyasan si Kim na lubayan na siya. Natawa na lang si Kim nang mahina saka lumabas ng kwarto. Hindi na ito nangulit dahil alam niyang pagod 'to galing sa party. Mahina niyang sinara ang pinto at sumandal sa pader ng kwarto nila.

"Hello Par, sorry si Mika kasi." paliwanag ni Kim. "'Yung roommate kong sampung beses magligpit ng kama, 'yung nakalaban niyo sa Battle of the Bands dati." paalala niya kay Alyssa.

"Ako na ba kausap mo?" tanong ni Alyssa sa kabilang linya. Natawa ulit si Kim.

"Oo." sagot ni Kim at sinimulan na ang kwento niya. 


Galing sila sa birthday party ng bestfriend ni Mika na si Jessey de Leon or JZ, volleyball player ng UST. Sinama siya ni Mika since teammate at friends din naman sila. 


"Pero hindi 'yun 'yung ik-kwento ko sa'yo." sabi ni Kim at rinig niyang napabuntong hininga si Alyssa sa dismaya. "Pag-uwi ko, nakatanggap ako ng text. Guess who?" excited na tanong ni Kim.

"Globe?" 

"Tss. KJ mo naman!" kunyaring inis na sabi ni Kim. "Si Mela!" excited na sabi ni Kim pero mahina lang dahil baka mapagalitan siya.

"Oh, congrats." masayang sabi ni Alyssa sa kabilang linya.

"Player din pala siya ng USTe. Sabi niya nahihiya lang daw siya lapitan ako kanina." pagkwento pa ni Kim. "Ta's naaalala pa niya 'yung exact dates nung una kaming nagkita, nung una namin silang nakalaban nung high school. Ang galing niya sa numbers, ako bobo don. Meant to be na talaga 'no? Opposite attracts." bakas ang saya sa pagk-kwento ni Kim at ang lapad ng ngiti nito sa labi. Natawa naman si Alyssa.

"I'm happy for you Par." sincere na sabi ni Alyssa.

"Nga pala congrats sa laban niyo sa Adamson, grabe record breaking na naman points mo. Parang motivated na motivated ka maglaro diyan ah?" pag-congratulate na may halong pang-aasar na sabi ni Kim.

"Ba't nasa labas ka pa? Roronda na si Coach." pagtawag sa atensyon ni Kim. Nang lingunin ni Kim ay nakita niya si Vic.

"Kausap ko si 'Ly." paliwanag naman ni Kim at napansin naman nitong nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Vic habang tinanong naman ni Alyssa kung si Vic ba 'yung narinig niya. "Oh." inabot ni Kim ang phone kay Vic.

"Tss." Vic at tumalikod na nang 'di man lang tumigil sa paglakad. Nawala naman 'yung ngiti ni Kim at tinakpan ang mic ng phone niya at bahagyang nilayo sa kanya para hindi siya marinig ni Alyssa.

"Ba't ba galit ka pa rin sa kanya?" iritang tanong ni Kim pero hindi naman siya nag-eexpect ng sagot. "Hay, kailan kaya tayo mabubuo ulit." dagdag pa nito at kinausap na ulit si Alyssa.

Doon ay tumigil si Vic sa paglalakad at sinilip si Kim na nakatalikod sa kanya at kausap si Alyssa. Alam nitong ang tinutukoy ni Kim na mabuo ay silang tatlo nila Alyssa.





She Still Does (AD) [Paper Planes book II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon