Chapter 6

12 1 0
                                    

A month after my 17th birthday, Damian completed his MBA. Ngayon ay five months na sya dito sa Pilipinas. Five months and he was already leading their company like a pro. Kaliwa't kanan ang bagong ventures ng AGC and continuous pa din sa pagtaas. AGC holds the biggest hotels and condominiums in the Metro, as well as the largest oil refinery in the country. Pag balik din ni Damian, AGC announced their extension plans for their hotel chain sa mga probinsya lalo ang malalapit sa dagat at sikat na tourist spots.

Five months but I have never seen him again in person. Kuya said that his father will step down on his position this year for retirement, as expected Damian will be his successor as CEO of AGC. I got sad but proud at the same time. Malungkot dahil it only lengthens our differences, parang mas lalong kay hirap nyang abutin ngayon.

I'm awaken from my recollection nang tumunog ang cellphone ko. It is Cade calling,

"Oh, Cade. What's up?" tanong ko sa kanya. "Saan ka? Wala ka bang plano today? Do you wanna go shopping today?" sunod-sunod na tanong ni Cade.

When she says shopping, she meant shopping for books or stationery supplies. Parehong-pareho sila ni Aika, I wonder why she's asking me now eh sila naman ni Aika ang madalas magkasama sa mga ganito.

"Wala naman akong plans today. Ano bang oras?"

"Kita nalang tayo ng 3pm sa mall? Sa may tapat ng NBS." as expected from Cadelina Martine.

"Ininvite mo sila Aika?"

"Aika has a schedule today sa derma, Rein has a date with his father today and Ron is not picking up. Maybe, he is still sleeping." kumpletong sagot naman ni Cade.

"Okay, see you later girl!" sabi ko and we hang up.

It's still 10 am at natulog nalang ako ulit para makabawi. I was awaken by another knock on my door at 12nn and time for lunch. I ate lunch alone, kahit anong pilit ko sa mga kasam-bahay ay walang isa man ang sumabay sa akin sa pagkain. They are too formal like how my mother wanted and trained them to be. I smiled bitterly at that thought. Pagkatapos ko maglunch ay tumawag ako agad kay Dad para magpaalam na aalis, pumayag naman din sya agad at nagsabi na tatawagan nya ang driver na sasama sa akin. After that I started preparing para makababa ako ng alas dos y medya at makaalis na. I wore a white long-sleeved blouse na tinuck in ko sa isang maong na pants at white din na sneakers. Pinatuyo at nilugay ko lang ang buhok ko at hindi na naglagay ng kung ano pang kolorete sa mukha. Pagka suot ko ng aking sling bag ay bumaba na agad ako.

I'm halfway through the stairs nang marinig ko ang ingay galing sa aming sala. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kung sino ang mga tao sa sala. Kuya is standing in the middle of our sala habang may hawak na glass na may lamang ice at alak. Natatawa-tawa pa syang nagkukuwento sa dalawang tao na nakaupo. On one of the solo sofa ay si Rico na natatawa din sinasabi ni Kuya habang sumisimsim sa baso nya. It wouldn't be a big deal if it's just Kuya Andi and Rico, pero andun din si Damian. Pare-pareho silang naka long sleeves polo nalang at slacks.

Damian is sitting alone in our long sofa at nakapatong ang dalawang braso sa sandalan at nakadekwatro pa. He looked like a king looking down on his peasants. He's only smiling sa kung anuman ang kinukwento ni Kuya.

Maybe he felt somebody's watching kaya tumaas ang paningin nya at nakita ako. His eyes are a little bit darker ngayon unlike the last time I saw him. They give a different kind of unsettling yet thrilling feeling. Kung hindi ko napigilan ang sarili ko ay baka tumakbo na ako pabalik sa kwarto ko.

Tinuloy ko ang pagbaba ko at bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Kuya.

"You're here early, Elle!What happened at school?" tanong ni Kuya habang papalapit sa akin.

"W-wala kaming pasok ngayon Kuya. Katatapos lang namin ng exam kahapon." pagsisinungaling ko sa takot na baka mapagalitan sa harap nila Rico at Damian.

"I thought you have a tight schedule today? Bakit andito ka na kaagad?" balik tanong ko sa kanya. Nagkagulatan pa kami sa isat-isa sa pamamahay namin.

"Tapos na ang schedule ko buong araw kaninang umaga, we planned to see each other today." sagot naman na lumingon pa sa mga kaibigan.

Napatingin ako kay Damian at nakitang pinapanuod nya kami ni Kuya, Rico is busy with his phone. Hindi ko matagalan ang titig ni Damian kaya nagpaalam na kaagad ako kay Kuya, maybe I can approach him sometime nalang. Masyado akong nabigla ngayon na andito sya.

"Aalis muna ako Kuya, I'll just go to the mall. Sasamahan ko lang si Cade mamili ng mga gamit." Kuya looked at me with a hint of doubt.

"I don't wanna hear any more troubles about you and your friends Eli, ha. Baka mapaaway na naman kayo sa mall ng mga kaibigan mo." sabi ni Kuya which embarrassed me, why does he need to tell it in front of Damian?

"No, Kuya. Kuya Nestor will accompany me hanggang sa loob ng mall." pangangatwiran ko para makaalis na.

"Nestor? Inutusan ko sya ah." he looked at his watch at tumingin ulit sa akin. "He still isn't back yet."

"What? Tinawagan na sya ni Daddy kanina. How about your driver, pwede bang sya nalang?"

"Nasa shop sya ni Phoebe manunundo baka mamayang 6pm pa yun dito." sabi ni Kuya na napagod na yata sa pakikipagusap sa akin at umupo na sa tabi ni Damian.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Cade, nakita ko ang missed calls from Kuya Nestor at texts from here and Cade.

Kuya Nestor texts say,

Ma'am, wait lang po inutusan lang ako ni Sir Andres dito sa Balmores.

Ma'am, dito pa po ako sa Balmores.

Ma'am, pasensya na po natraffic po ako.

Ma'am, baka mga alas tres y medya andyan na ako.

A text from Cade says,

I'm here Eli, I'll wait you here in front of NBS. 

I can't wait 'til 3:30, siguradong mapagsasabihan ako ni Cade nito. She is always on-time at ayaw na naiiba ang mga plano dahil sa pagkalate. I looked at my watch, it's 2:42 pm. 10 mins lang ay nasa mall na ako, hindi ako malalate kung makakaalis na ako.

"Pwede bang magpahatid sandali Kuya?" I asked Kuya gently baka pumayag. It worked dahil tumayo naman sya agad.

"I'll be back, bro. Hatid ko lang to si Eli. Malapit lang naman." paalam nya sa mga kaibigan.

I sighed in relief dahil finally makakaalis na ako.

"Nakainom ka na Andres, I'll drive Eli to the mall." pigil sa amin ni Damian nang nasa may pinto na kami na nagpaestatwa sa akin.

"It's okay Dame, kaya ko pa naman." sagot naman ni Kuya.

Pero walang naririnig si Damian at dire-diretso sa sasakyan nya. It's a Bentley at kung sa ibang pagkakataon ay baka maexcite pa akong sumakay dito pero ngayon, sobra ang kaba ko. I can't imagine being alone in a car with Damian.

"Let's go, Amelia." yakag nya sa akin. Hinintay kong pigilan sya ni Kuya pero sya pa ang nagbukas ng pinto ng sasakyan ni Damian para sa akin.

"Get in the car, Elle." sabi ni Kuya sa akin nang hindi pa din ako gumagalaw.

"Drive safely, Dame." paalala ni Kuya bago kami umalis.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Back to YouWhere stories live. Discover now