Responsible

189 3 1
                                    

"Ice! teka lang, kausapin mo naman ako oh.."

"Ice! may sasabihin lang ako, sandali lang.."

"Ice! sandali lang talaga, promise! hintay!"

hindi na nagmatigas si Ice at huminto na ito sa paglalakad, nakita niya kasing walang balak sumuko si Zayn sa pagsunod sa kanya.. hinintay niya ito na lumapit sa kanya at sinimangutan.

"ano ba kasing sasabihin mo? sabi ko sayo itext mo nalang diba?" hindi tinitignan ni Ice si Zayn sa mata kasi ayaw niyang makita ang mukha nito.

hindi niya alam, pero ayaw niya talaga sa lalaking ito.. hindi kasi siya cool.

matagal ng nagpapakita ng interest si Zayn kay Ice pero hindi naman siya pinapansin.. hindi nga daw kasi siya cool at masyado siyang good boy.. okay naman ang itsura niya, hindi siya ganun ka-gwapo, or gwapo nga kaya lang medyo hindi kayang dalhin ang sarili, tapos matalino din siya, mabait din, kaso nga lang, hindi talaga siya cool eh, walang dating..

minsan na-eembarass pa siya kapag lagi siyang nilalapitan ni Zayn.. although medyo magaan din ang loob nito sa kanya.. friends naman kasi ang turing niya kay Zayn kahit papano, kaya lang, simula nung magparamdam siya dito, nag-iba din yung tingin niya sa kanya.

"Ice, pwede ba kitang ligawan?" tanong ni Zayn..

may pakiramdam na si Ice na ito ang itatanong ni Zayn sa kanya kaya hindi na siya nagulat, imbis, naiinis lang siya.

umiwas siya ng tingin dito at cool na cool na hinawi ang malambot niyang buhok tsaka umismid..

"pasensya ka na ha Zayn, hindi pwede eh.." sabi niya atsaka na nag-umpisang maglakad paalis.

nahawakan naman siya ni Zayn kaya napigilan siyang umalis.. lumingon uli siya kay Zayn at tinignan ito ng masama.. lalo lang siyang nainis sa itsura ni Zayn, mukha siyang kawawa.. see? ang gusto niya sa lalaki at yung kahit na na-busted na ay cool na cool pa din ang itsura. at isa pa, ang gusto niya ay yung mga bad boy type.

"bakit Ice?" tanong ni Zayn na parang malapit nang umiyak.

lalong nainis si Ice kaya naman nagdecide siya na diretsuhin niya ito.. binawa niya ang braso niya na hawak ni Zayn at nagsalita..

"Zayn, wag kang magagalit ha, pero sasabihin ko na yung totoo sayo.. ayokong magpaligaw sayo kasi ayoko sayo.. oo nga'y may itsura ka, pero ayoko sayo dahil lame ka! wala kang ka-dating dating, wala kang charisma.. masyado kang mabait! hindi kita type, ang type ko yung mga bad boy ang dating! yung astig! yung cool! at hindi ikaw yun kaya please lang, tigilan mo ako!"

agad agad din siyang umalis pagkatapos niyang pagsalitaan si Zayn, naiinis kasi siya eh..

masakit ang loob ni Zayn.. hindi niya alam na ganun pala ang tingin sa kanya ni Ice.. at hindi rin niya akalain na ang hinahanap pala ni Ice sa isang lalaki ay yung bad boy aura..

first time lang niyang na-inlove at ganito pa ang nangyari.. dahil sa pagiging good boy niya ay nabusted siya ng taong gusto niya..

after 2 weeks, nagkita ulit sina Ice at Zayn sa isang bar..

pero yung eksena dati, ibang iba na sa eksena ngayon.

hindi nilalapitan ni Zayn si Ice dahil marami na ang mga babaeng nakalapit sa kanya..

ibang iba na ang itsura niya ngayon, at ibang iba na rin ang porma niya.. kung dati ay tatawagin siyang nerd, ngayon ay isa na siyang cassanova..

nagkaron siya ng make-over hindi lang sa style niya kundi pati na din sa pagkatao niya.. hindi na siya nahihiya na gaya ng dati.. nakikipag-flirt na rin siya sa mga babaeng nakikita niya, ang yabang na rin dating niya.. ibang iba siya sa nakilala ni Ice na Zayn na pathetic at walang charisma.

unang tingin palang ni Ice ay attracted na siya dito, pero naisip niya na bakit ba niya kailangang gawin to? dahil ba gustoniyang gumanti? hindi nalang niya ito nilapitan at nagpretend na hindi siya kilala.

pumwesto siya sa may bar counter at umorder ng alcoholic drinks.

tahimik lang siya at nag-iisa nang may biglang umakbay sa kanya at tumabi sa seat niya.

pagtingin niya ay si Zayn..

nakipagtitigan lang siya kay Zayn at walang sinabi kahit isang salita.. nanatili silang hindi nagsasalita pareho.

nung naubos na ni Ice yung iniinom niya ay tumayo na siya para umalis, akala niya ay susundan pa siya ni Zayn pero laking pasasalamat niya nang hindi ito tumayo sa kinauupuan nito.

naglakad na siya palabas ng bar pero tumingin ulit ito sa bar counter para i-check si Zayn kaso lang ay wala na ito dun.. tumingin tingin din siya sa paligid pati na sa dance floor pero hindi na niya nakita si Zayn.

nagpasya nalang siyana lumabas ng bar.

hindi pa man siya nakakalayo ay may biglang humila sa kanya at dinala sa gilid ng bar atsaka siya hinalikan sa labi.

dahil sa gulat ni Ice sa lalaking humila at humalik sa kanya ay hindi agad siya nakapagreact.

"kumusta ka na Ice?"

dahil sa inis ni Ice kay Zayn ay sinampal niya ito, pero nahawakan naman agad ni Zayn yung kamay na dapat ay isasampal sa kanya.

"bakit mo ba ginagawa to?" tanong ni Ice kay Zayn.. hawak hawak niya pa din ang kamay nito kahit pilit na hinihila na ni Ice.

"anong bakit? bakit hindi mo itanong sa sarili mo.."

"so ngayong ganyan ka na, anong gusto mong mangyari niyan?"

"gusto ko maging akin ka!"

"baliw ka ba? bitiwan mo nga ako!"

"wala kang magagawa, sa ayaw at sa gusto mo, magiging akin ka.. ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito ako ngayon, so you should take responsibility."

"hoy para lang malaman mo, hindi ko sinabing gawin mo yan.. wala akong sinabing baguhin mo ang sarili mo.. so i am not taking responsibility! at para sabihin ko sayo, kahit ganyan ka na, hindi pa din kita type!"

"bakit ba kasi hindi mo nalang aminin na hindi na ako naalis sa isip mo simula nang makita mo ko ulit." pagkasabi ni Zayn nun ay muli na naman niyang dinampi ang mga labi niya sa labi ni Ice.

nung una ay nagpupumiglas pa si Ice pero hindi rin siya nakaiwas at hinalikan na rin niya ito.

naisip ni Ice na hindi pala totoong ayaw niya kay Zayn, dahil sa two weeks na hindi siya kinukulit ni Zayn ay namiss niya ito.. lagi niya siyang hinahanap at gustong makita. narealize niya na kahit pala hindi siya cool ay special pa rin siya para sa kanya.. kaya nga hindi niya matiis na iwan si Zayn eh.

at ngayon, nagkita na ulit sila.. pero ibang iba na si Zayn.. hindi niya alam kung ginawa ba niya ito para saktan naman siya.. at dahil dun ay natakot siya.

nung maghiwalay sila ay hindi makatingin si Ice sa mata ni Zayn, nahihiya kasi siya.

si Zayn naman ay tumawa lang.

"bakit ka namumula?" mapang-asar na tanong ni Zayn.

"bakit ka ba kasi ganyan? andami-dami mo ng babaeng pwedeng makuha, bat naghahabol ka pa din sakin?" tanong naman ni Ice.

"hindi ako naghahabol, gusto ko lang maging responsable ka sa mga actions at words mo."

"tsss. nakakainis ka!"

"bakit? ayaw mo ba talaga sakin?" seryosong tanong ni Zayn

"may magagawa pa ba ako? responsable akong tao noh!" sabi niya at natawa naman ulit si Zayn.

"hinde, kung ayaw mo talaga babalik nalang ako sa loob at hahanap ng maliligawan.." nagkunwaring lumakad paalis si Zayn pero hindi pa siya nakakatatlong step ay sinigawan agad siya ni Ice.

"sige, subukan mo lang, dadanak ang dugo dito! sabi mo magiging sayo ako sa ayaw at gusto ko, so you should take responsibility of it!"

natawa nalang si Zayn at binalikan siya.

pagkatapos ay yun na! alam niyo na! san pa ba hahantong to diba? edi sa i love you-i love you too ni Ice at Zayn! and they live happily ever after. XD

---

hahaha, amiga pasensya ka na kung ganyan yan ha.. hahaha. pero ginawa ko yan para talaga sayo.. lovelove!

ICEWhere stories live. Discover now