'Di Ka Sayang

23 3 9
                                    

'Di Ka Sayang

"Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Cha sa tanong niya sa akin.

"Oo." Kahit hindi naman talaga, kailan ba ako naging maayos? Maayos sa labas pero sa loob, ayon sirang sira na. Dapang dapa na ako sa loob, kailan ba ako maa-appreciate ng magulang ko?

"Sige, kunyare naniniwala ako diyan sa oo mo." Natawa ako sa sinabi niya, sa kanya lang talaga ako hindi makakapag-sinungaling, alam niya kase ang mga problema na kinahaharap ko.

Ilang taon na ako pero 'yung pamilya ko, ayon hindi pa rin ako naa-appreciate. Lahat ng ginagawa ko para sa kanila, sa sobrang busy ko sa pagta-trabaho para sa kanila, nakalimutan ko na 'yung pang sa sarili ko. Sinunod ko kung ano gusto nila para sa akin kase sabi nila mas nakakabuti raw sa akin 'yon, pero ngayon, ano? Hindi man lang sila natuwa sa akin.

"Hindi mo sasabihin sa akin problema mo?" Gustong gusto ko ikuwento sa iyo pero saan ako magsisimula? Nakakapagod na din kase, hindi lang din sila 'yung naging problema ko, pati na rin 'yung kingina kong jowa.

"Napapagod na ako, Cha."

"Magpahinga ka muna kung ganoon, pero 'wag kang susuko."

Ang daling sabihin pero ang hirap gawin, paano ako magpapahinga kung sa simula pa lang hindi ko na alam ko na na hindi ako papayagan ng pamilya ko magbakasyon. Gusto nila trabaho lang ng trabaho, nakakapagod. Hindi lang ako ang anak nila, nandiyan pa sila Kuya pero bakit parang ako lang ang nahihirapan?

"Alam mo bang na-compare na naman ako kay Kuya kanina? Kingina, kailan ba matitigil 'yung ganun? Alam kong ayaw rin ni Kuya 'yon pero wala siyang magawa kase siya 'yung nanay namin. Kapag sinabi namin ang nararamdaman namin, sasabihin niya na sinasagot namin siya, na wala kaming respeto sa kanila. Eh ako ba? Nirespeto ba nila ako bilang anak nila? Nirespeto ba nila 'yung gusto ko?" Napahagulgol na ako ng tuluyan, ang sakit kase eh. Kahit anong gawin ko, 'yon pa rin sinasabi nila.

Iyak lang ako ng iyak sa balikat niya, alam kong paulit ulit lang 'yung problema na sinasabi ko sa kanya at feeling ko din napapagod na siya kakarinig nito pero hindi pa rin niya ako iniiwan.

"Mahalaga pa ba ako sa kanila? Feeling ko hindi nila ako anak sa pinaggagawa nila sa akin eh," banggit ko sa kanya pagkatapos kong mahimasmasan. Naiisip ko talaga 'yan, kase pinaparamdam nila sa akin eh. Pati si Kuya na siya na lang inaasahan kong makakatulong at makakaintindi sa akin, parang wala lang din.

"Be, ba't kaya hindi mo i-try na kausapin ang Mama mo? Sabihin mo sa kanya lahat ng sakit na nararamdaman mo. Kase hindi 'yan matatapos kung hindi kayo maguusap at saka, ano ka ba? Mahalaga ka noh? Lahat tayo mahalaga, 'wag mo ngang isipin 'yan."

Tumango ako sa kanya, mukhang 'yon nga ang maganda kong gawin. Kung hindi man kami magkaka-ayos ng magulang ko, wala na akong magagawa. Susundin ko na lang sila.

Sabado, kinausap ko sila Mama kasama sila Kuya. Sinabi ko sa kanila lahat ng problema ko, pati ang nararamdaman ko kada kinocompare nila ako sa mga kapatid ko. Sa pagkukuwento ko, inaasahan ko na maiintindihan nila ako, na sasabihin nila ang dahilan kung bakit nila nagagawa akong i-compare sa mga kapatid ko, pero dapat pala hindi ako nagexpect. Ang sakit kase eh, imbes na maintindihan nila ako, sinabihan pa nila akong nagiinarte. Para raw akong tanga.

Ba't naman ganon sila Mama? Masyado naman silang nakakasakit, hindi ba talaga ako mahalaga para sa kanila? Grabe naman, si Papa na inaasahan ko ding aaluin ako, wala man lang karea-reaksyon. Pamilya ko ba talaga sila?

Iniwanan lang nila ako sa sala namin pagkatapos kong sabihin lahat 'yon. At ang nakakasakit pa, pagkatapos ng araw na 'yon naging malamig sa akin ang pamilya ko. Aba, parang gusto pa yata nila na ako ang humingi ng tawad gayong sila itong nakakasakit sa akin. Pero dahil gusto ko ng pagmamahal nila, humingi ako tawad. Binaba ko na 'yung pride ko para lang magka-ayos kami, wala pa rin. Hindi man lang ako kinibo.

'Di Ka Sayang (One shot story)Where stories live. Discover now