"Hi, Edward!"

"Hi! Edward!"

"Edward!"

Siya na ata ang pinakaweirdo na lalaking nakilala ko.

Edward Mejia,

His not popular pero para sakin ay may kung anong meron siya na umaatract sakin.

The time I meet him sa class, nasabi ko na his weird at snob.

He always sit at the back of the room. Napatahimik niya at laging may suot na earphone sa tenga. I sensed na ayaw niyang makipag-interact sa iba pa naming classmate sa subject na kasama namin siya.

Nakasuot siya ng makapal na salamin kaya walang masyadong nakakapansin sa kanya.

Pag kinakausap mo naman siya ay panay tango lang ang sagot niya kaya pansin kong wala siyang friends sa school.

I dont really know kung bakit nacucurious ako sa kanya.

I just meet him one month ago pero di na siya mawala sa sistema ko mula nang araw na iyon. I always approach and sit behind him pero todo snob nito sakin. Sa tuwing tumatabi ako sa kanya ay otomatikong lumalayo ito.

His the first person na tintrato ako nang ganun at siya rin ang una na parang gusto kong maging kaibigan. May mga kaibigan naman ako pero lahat sila ay kusang lumalapit sakin. Pero si Edward, iba siya sa lahat.

Nasa Canteen ako ngayon together with my friend.

"Really Ivy? Si Jake na yung nag-iinvite sayo?" Di makapaniwalang saad ni Cheska, ang baklang friend ko since elementary.

"Cheska, I don't like him. I prefer na matulog na lang sa bahay nuh kaysa magparty." Diretsahang sabi ko habang iniikot-ikot ang carbonara na nasa plato ko.

"Jusmiyo Ivy! Kahit minsan nga'y magkaroon ka naman ng kasiyahan dyan sa balun-balunan mo. Gagraduate ka na lahat-lahat, hanggang ngayon eh wala ka pang boyfriend.  Magkaroon ka naman ng kalandian sa balat mo!" saad naman ni Julie.

"Paano ba naman kasi, ang weird din ng Bestfriend mo. Kadami-daming gwapo at sikat sa Campus na gustong manligaw sa kanya at pwedeng magustuhan eh sa isang nerd pa nagkagusto." Walang tigil na namang pangbubunganga ni Cheska.

"Ya, atleast matino at matalino ang crush ko. Eh kayo, kung hindi playboy eh mga badboy ang hanap niyo. Ano namang maganda at kagusto-gusto sa kanila. Kaya shut up." sabi ko sa kanila habang umaaktong magsara ng bibig na parang zipper.

Sakto namang pumasok sa Canteen si Edward with his serious look behind those eyeglasses.

"Ayan na, nakalimutan na ang mga kaibigan niya." Dagdag pa ni Cheska pero ang tingin ko naman ay kay Edward lamang nakatutok.

Kumuha lang siya ng inumin at ilang snack at umalis agad.

"Byebye!" paalam ko sa mga kaibigan ko at mabilis na sinundan si Edward sa paglalakad.

"Hi Edward!" Bati ko sa kanya na sumulpot sa tagiliran nito na ikinagulat na naman niya dahilan para masamid ito sa iniinom na tubig. Tumabi ako rito at nakisabay sa kanyang paglalakad pero lalo naman nitong binilisan ang paglalakad.

Napapangiti na lamang ako sa reaksyon nito na halatang umiiwas.

I followed him hanggang sa Library.

Nasa harapan ko siya na seryosong nagbabasa habang nakatitig lang ako sa kanya at hinihintay na tumingin ito sakin pero.....

nakakadissapoint na sa buong isang oras ay hindi man lamang ako nito tinapunan ng tingin.

"Edward, maniniwala ka ba pag sinabi ko na I like you?" Wala sa oras kong muling pag confess ng nararamdaman sa kanya.

At sa wakas ay matagumpay kong nakuha ang  atensyon nito. Napapngiti na lamang ako at pakiramdam ko'y may kaunting pag asa ako sa puso niya
Nakaramdam ako ng kakaibang emosyon at kung anong kaba sa dating ng tingin nito pero wala akong mabasang anuman mula roon.

"Ms. Marquiz, kung tapos ka na sa sasabihin mo, please stop ruining my life and stay away from me." magkasalubong ang kilay nito at seryoso ang tono na talagang ikinagulat ko.

Plano ko lang naman na magpapansin sa kanya at makita ang magiging reaksyon niya pero bakit ang sakit marinig ang mga salitang iyon mula sa kanyang bibig.

Inayos nito ang sariling gamit at mabilis ako iniwan sa mesa mag-isa.

Nang mabawi ko ang pagkabigla sa may galit nitong reaksyon ay tumayo ako at sinundan ulit ito hanggang makarating kami hanggang sa likod ng school.

"Why?" Tanong ko sa kanya. Gusto kong malaman kung bakit hindi niya ako gusto o bakit niya ako pinagtutulakan palayo.

"Ms. Marquiz, I don't know why you approach me in the first place but please stay away from me. Wala kang mapapala sakin. " Cold nitong sabi sakin.

"I like you mahirap bang intindihin yun,"

Wala itong imik at diretso lang na nakatingin sakin.

"Tumigil ka na sa paglalaro mo Ms. Marquiz dahil hindi magandang biro ang ginagawa mo. And I don't like you."

"What? Biro? Ako nagbibiro? So palagay mo biro ang pagconfess ko? Palagay mo biro din ang nararamdama ko?" Lumapit ako sa kanya habang binibitiwan ang mga salitang iyon na siya namang pag-atras nito.

"I like you and I really do. The first time I see you in the class I already felt it that you are the one, ehy can't you like me, pangit ba ako? May masama ba sa ugali ko?" Para ata akong naging rapper sa mabilis kong pagsasalita na may sigaw na tono.

Galit ako, galit ako...

Ilang segundong katahimikan...
And you know what kung ano ang natanggap ko mula sa kanya? Tinalikuran lang naman ako nito na parang walang narinig at naglakad palayo.

"Ya! Alam mo ba kung gaano ko pinaghirapang magconfess. First time kong magkagusto tapos tatalikuran mo lang ako!!" Sigaw ko sa kanya habang hinahabol ito sa mabilis nitong paglapakad.

Hinawakan ko ito sa braso at hinihingal akong kumukuha ng hangin.

"Why?" siya naman ngayon ang nagbalik sakin nang kaninang tanong ko lamang.

Pag-angat ko ng tingin sa kanyang mukha ay pulang-pula ang mga pisngi nito.

Hindi ko napigilan ang sarili na hilain ang batok nito and that's it, I passionately kiss him.

What's more suprising is his response, I think my heart is melting cause of joy. The way he kissed me gently, I know that I have little part in his heart.

Our lips parted the time na parang nagising ito sa nangyari. Nagbago ang tingin sa mukha nito. Ang kaninang hindi makapaniwala at namumulang mukha nito ay naging seryoso.

"Mali ito! Please! Hindi tama ito. Please stop this, you don't know me yet, I'm not the guy you think I am," Sabi nito sakin habang magkalapit pa rin ang aming mukha at nakayakap pa rin ang aking braso sa kanyang batok.

Mabilis nitong tinanggal ang braso ko.

Palipat-lipat ang tingin nito na parang naguguluhan. Bakas ang takot sa malikot na mata nito..

"Please Ivy, this is not right. Stay away from me. You'll be in great danger."  malamig nitong saad. Tumalikod ito patakbo at tuluyang umalis palayo.

Habang hindi naman ako makapaniwala na iniwan lamang ako nitong tulala.

The Two Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon