I now opened the door of my car, pero napahinto ako nang mapansin ang limang taong gulang yatang babae na nakakapit sa aking damit. 

"Huwag po muna kayong umalis. Miss na miss po namin si Kuya Ken."

Napatulala ako. May pangungulila sa tono ng bata habang nararamdaman ko ang higpit ng kapit nito sa akin. Kulang na lang ay punitin nito ang laylayan ng aking dress.

May tubig na dumaan mula sa kanang mata niya. 

That made me think twice.

Samantala, nagtama ang tingin namin ni Kenken na nakatayo lamang sa gilid.  

Bakit ba ang marshmallow ko inside?! 

"1 hour lang, Kenken. Pagkatapos no'n, dalhin mo na lang ako sa mall."

---

Punong-puno ng pagkain ang inilatag na mahabang mesa. Kung papansinin,  ay para kang nasa feeding program sa hilerang sampung bata na kasama namin kumain. Dagdag natin ang lola ni Kenken at si Kuya Nelvin na pananay na anak daw ni Aling Petra. 

"Naku, hija,  ikaw pala ang ikinukwento sa 'kin ni Petra na alaga niya noon. Kagandang dalaga mo na pala?!" Wika pa ni Lola.  Ipinagsandok niya pa ako ng adobo.

"Ako na po, nakakahiya po," tanggi ko habang pilit na kinukuha ang serving spoon sa kaniya. 

"Kumain ka nang kumain, huwag po kayong mahiya, Ma'am." Aya naman ni Nelvin. 

Kumurba ang labi ko.  Mababait ang mga taong 'to.  Malayo sa ugali ni Kenken at no'ng mga malditang bata. 

"Maganda nga si ate, kaso masungit!"

"Arnold! Huwag gano'n, magsorry ka sa bisita natin!" Suway naman ni Lola sa walong taong gulang na bata. 

"Sorry," pilit na banggit niya. Mapait akong ngumiti.  Sarap talaga mangkutos.

"Sa katunayan, mga bata, masungit naman talaga iyan si Ate Deedee niyo." Bitbit ang mga panghimagas na prutas ay sumabat si Kenken.

"Kaya huwag niyong paiinitin ang ulo niya kasi nagiging aswang iyan." Kusang umikot ang mga mata ko upang irapan siya. Sino kaya sa 'min ang nagbubungkal pa ng lupa sa dis-oras ng gabi na mukhang aswang na nagmamantika?

"Loko-loko ka talaga, Apo! Ba't ganiyan ka sa amo mo?" Pagalit na ani naman ni Lola sa kaniya. Parehong-pareho sila ni Aling Petra ng reaksyon. Mahihinuha mong magnanay talaga sila. 

"Ok lang ho, sanay na po ako riyan. Hindi ko ho siya sisisantehin agad-agad," paglilinaw ko.

"Salamat,  hija ah."

"Opo, parang nanay ko na po ang anak ninyo kaya tiisin ko na lang po muna ang kalokohan nitong si Kenken." Tumawa ang matanda.

"Naku, Kenken, pasalamat ka rito sa amo mo at hindi lang maganda, mabait pa.  Pero kung magbago pa isip mo, Hija, at sisisantehin mo na ang apo ko, mas payag ako ro'n para magtino." 

"Lola naman!" Niyakap ni Kenken mula sa likod ang matanda. Kita mo nga naman, may pagkasweet din pala ang bugok. 

Nagpatuloy ang kaswal ngunit masayang pag-uusap namin. Kahit papaano'y nabawi nito ang mood ko kanina.  Patapos na kami kumain nang dumating ang isang pamilyar na boses. 

"May bisita pala tayo."

Ang maarteng pagbigkas na iyon.  Alam kong sa kaniya iyon!  Kahit isang beses ko pa lamang siya nameet, ay tumatak sa akin ang kaaartehan ng pananalita niya. 

Dumutdot pa ito ng ubas mula sa nakalagay sa lamesa bago ako tuluyang pinansin. Pareho kaming nagulat nang makita ang mukha ng isa't isa. 

"Ay, Ma'am Deedee,  si ate Joy po pala,  pinsan ko!" Inintroduce pa siya ni Kenken na dinatungan ni Lola. 

"Apo ko iyan, magkaedad lang din yata kayo. Aba'y pareho pa kayong maganda.  Noong ganiyang edad ako, hindi naman ako ganiyan! Ano kayang mga pinaglalalagay ninyo sa mukha ninyong mga bata kayo?"

"Hi, Deedee! Nice meeting you again, super shocked ako! Here pa talaga sa house ni Lola! Small world!" Litanya niya. 

"Oo nga e," tanging sagot ko.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Kenken. 

"Hindi ba halata?" sarkastikong sagot ko.

Hindi ko rin naman inexpect na nandito siya! Akala ko, ay tapos na ang enkwentro ko sa kaniya sa Maynila!

Si Joy. So that's her name.

Siya iyon! Ang atribidang girlfriend ni Filip, ay pinsan nitong mokong?

Oh, Lord...I'm really in a small world.

Shit. 

Finding Red Flags (ON-HOLD)Where stories live. Discover now