"Tabi," utos ko.
"Goodmorning, ma'am. Kaya pala nagsara ka kanina, kasi gusto mo matulog. Hindi ko naisip iyon," konklusyon niya.
Liblib ang lugar na sumalubong sa aking paghakbang. Dominante sa nakapalibot na puno ay mga Buko. May maliit ding sementadong bahay sa gilid kung saan sa 'di kalayuan ay may nagtatakbuhang mga bata.
Tirik ang araw ngunit malamig ang dampi ng hangin sa aking balat. Sa likuran naman ay mga matataas na lupain at naglalakihang bato.
"Tinatanong kita kung sa'n mo ko dinala," pagpapaalala ko, habang inuusisa ang lugar.
"Dito nakatira ang tatay ko—Dati. Sabi niyo po kahit saan, hindi ba? Kaya naisip ko pumunta sa lugar na masaya. Siguro hindi ka masisiyahan, pero ito po ang unang pumasok sa isip ko e. Sigurado, baka sabihin mo pa sa akin. . ." Iniayos niya ang sarili na akala mo nagwawarm-up sa kung ano. Parang uto-uto naman akong nag-abang. "Masaya? Paano namang naging masaya sa'kin ang bahay ng tatay mo? Pakialam ko sa 'yo?" Panggagaya niya.
Pinigilan kong matawa sa ginawa nito. Ang O.A! Hindi naman kasi ako ganoong magsalita. Hindi ba?
"Nakakatawa iyon?" Pambabasag ko.
"Oo, nakita ko nga, Ma'am, bahagyang lumabas ang ngipin mo."
"Tumigil ka."
"Kuya Ken!" Sigaw naman ng mga bata. Napatingin ako sa gawing iyon, kung saan nauna nang maglakad sa'kin si Ken.
Masayang nagsilapitan ang mga paslit sa kaniya. May nasa sampu yata ang bilang nila na sabik na sabik yakapin si Bungi. Sa kabila no'n ay tuwang-tuwa naman si Kenken sa nangyayari.
"Oh kumusta kayo rito? Bakit nasa labas kayo? Tanghaling tapat!" Pinanood ko lamang ang malapelikulang reunion nila, habang may pakiramdam na na-out of place sa eksenang iyon.
Heto ba iyong masaya? Kahit kailan talaga, bugok 'tong si Kenken e!
"Kuya Ken! Sino po siya, girlpren niyo ho ba?" Nagsitungo ang mga bata sa akin. Sunod-sunod ang mga ito, na parang ginulo ang nananahimik kong utak habang binabash ang kuya nilang tukmol. Hindi ko na maintindihan pero lahat sila ay may kung ano-anong ibinibilin. Nakakapanting ng tainga!
"Hi po, Ate! Huwag niyong sasaktan si Kuya Kenken!"
"Ate lagot ka sa 'min kapag pinaiyak mo ang kuya ko."
"Ate nagkiss na ba kayo?"
"Ate gusto ko ng Barbie, pakisabi kay kuya! Please..."
Sa sobrang inis ay hindi ko naiwasang bumulyaw, "Teka!" Nanahimik silang lahat. Parang mga gulat na pusang naghihintay sa pagpapagalit ko. "Manahimik kayo, ok? Mukha bang papatol ako sa bunging iyan?!" dagdag ko. Dinuro ko pa si Kenken.
"Mga bata, boss namin iyan ni Nanay Petra. Siya si Ma'am Deedee," singit ng mokong. Nakatingin lang ang ibang bata sa'kin. May mga paiyak na dahil sa nagawa ko, at ang mas matanda nang kaunti'y masama ang sipat sa 'kin.
"Ang sungit naman ng boss niyo Kuya Ken!"
"Mabuti na lang hindi niyo siya girlpren."
"Hindi sila bagay kasi gwapo si Kuya Ken!"
Mali bang magalit at mapikon sa matatalim na dila ng bata? Gusto ko na silang dunggulin sa bunganga pero wala akong magawa kun'di ang manahimik. Hindi bagay? Hindi talaga! Saka si Kenken ang magiging suwerte sa 'kin! Oo nga pala, hindi siya masisikmura ng Right and left brain hemisphere ko, kaya no thanks!
"Umalis na tayo rito," usal ko. Tinalikuran ko sila. I even heard how the children frowned.
"Pasensiya na po ma'am sa mga bata. Mababait po ang mga iyon, ayaw lang nila ng nasisigawan," aniya habang pabalik kami sa limo.
YOU ARE READING
Finding Red Flags (ON-HOLD)
RomanceMakalipas ang limang taon, matapos ang natamong heartbreak ay muling susubok si Deedee na hanapin ang The one niya. Yet this time, she's much careful. Sino ba namang gustong maulit ang mapait na nakaraan? Pihikan. Ganiyan siya kung tawagin ng iba...
CHAPTER 7
Start from the beginning
