"Biro lang," pagbawi ko. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Mabuti naman, Ma'am. Akala ko trinato niyo na akong chewing gum e. Na pwede niyo lang iluwa kung kailan niyo gusto at kunin ulit. Hindi po literal na iluluwa niyo ako ah..."
Tumango ako. Pati ba naman sa Analogy niya, may kung anong kadugyutan.
Nagsabi si Kenken na magpapalit na siya ng damit, kung kaya't hinintay ko na lamang siya sa sasakyan.
Sa totoo lang, simula nang makausap ko si Kenken kagabi, kahit paano'y naging komportable ako sa pakikitungo niya. Sabagay, kagaya nga ng sabi ko'y hindi na rin naman ibang tao si Aling Petra sa akin, normal na maging parang kababata ko ang bunging anak niya.
Don't get me wrong, dahil hanggang do'n lang ang chance ni Kenken. Wala ng iba pa! Hindi maabsorb ng right and left brain hemisphere ko kung mayroon pang iba!
Dumating na si Kenken suot ang Black muscle cut sando nito. Tama iyan, ipaglandakan na lang niya iyong kung anong maganda sa kaniya—Katawan.
"Ready na, Ma'am. Saan po ba tayo?"
Hindi ko alam ang isasagot ko. Wala naman talaga akong plano. Wala akong maisip na pupuntahan. Ang alam ko lang, ayokong magmukmok!
"Ikaw na lang siguro ang bahala."
"Nye? Pwede ba iyon? Edi ako na pala ang boss mo no'n?"
"Pwede ba? Ang aga-aga, ang daming kuda ng bibig mo! Tao ka ba talaga o puke ng manok?"
Naglagay na siya ng seatbelt habang bumubulong, "Edi huwag. Dalhin kita sa Area 51, palamon kita sa mga Alien."
Napaismid na lamang ako sa pagkaisip-bata niya.
"Sige, ma'am ako na ang bahala sa'yo! Mag-eenjoy ka rito!"
Tuluyan na kaming nakaalis ng bahay. Kahit hindi alam kung saan kami tutungo ay minabuti ko na lang na magtiwa sa taste niya. Total at siya ang tunay na taga-rito.
Bukas ang radyo habang humahalakhak si Kenken sa pinakikinggan niyang DJ. Akala mo nga't wala ako sa back seat, dahil sa sobrang palong-palo nito sa pakikinig. Focus lamang siya sa pagmamaneho habang maya't maya pa'y inaadjust ang volume kapag magbibitaw na ng tito jokes ang nasa radyo.
"Narinig mo iyon, Ma'am?" Turan niya sa'kin. Humahagikgik pa rin ito.
Pagpapatuloy niya,"Sabi niya, ang pinakamurang isda raw ay Fisho. Mas mura kaya ang Fishball. Hindi ba? 50 cents lang..." Pinindot ko ang buton na nasa aking gilid. Dahan-dahang lumabas ang divider sa loob ng limo.
"Sabi ko nga ako lang ang natawa. Hindi siguro masaya buhay mo? Bahala ka, ma'am!" Pahabol pa nito bago tuluyang nawala siya sa paningin ko at nadama ko na ang katahimikan sa sasakyan.
-
Muntikan pa akong masubsob nang buksan niya ang pinto. Mabuti na lamang at nasalo niya ako.
Unti-unti kong binabawi ang aking sarili papunta sa tamang ulirat bago napagtantong si Kenken ang nasa aking harapan.
Kapang-kapa ko ang mga braso niya na animo'y mga bato sa tigas. Malabo ang paligid no'n hanggang sa luminaw ito't aking naaninag ang mukha niyang malapit din sa akin. Amoy ang black coffee na tila ibinuro yata sa kaniyang bunganga.
"Nasa'n tayo?" Bumalikwas ako. Naitulak ko pa siya nang bahagya. Nauntog ito sa sasakyan. Kasunod no'n ay pinasadahan ko ng punas ang aking pisngi na baka natuluan ng laway ko kanina.
Nakaramdam ako ng ilang sa maikling segundo. Masyado yata akong nabigla sa pagdidikit namin? Nakakadiri!
Sipat-sipat ang paligid ay agad akong bumaba.
DU LIEST GERADE
Finding Red Flags (ON-HOLD)
RomantikMakalipas ang limang taon, matapos ang natamong heartbreak ay muling susubok si Deedee na hanapin ang The one niya. Yet this time, she's much careful. Sino ba namang gustong maulit ang mapait na nakaraan? Pihikan. Ganiyan siya kung tawagin ng iba...
CHAPTER 7
Beginne am Anfang
