FIGHT FORTY EIGHT

Depuis le début
                                    

Nakita ko si Rhio na pasugod sa glass door habang ang mga zombie ay pasugod na rin sa amin.

Mabilis na itinulak ni Rhio pasara ang glass door, pero dahil sira ang lock nito ay nanatili ang kanyang likod na nakasandal sa pinto upang huwag itong bumukas.

"Shit!" mura nito na bakas ang paghihirap sa mukha habang buong lakas na pinipigilan ang malakas na pagtulak ng mga zombie upang makapasok.

"Y-Yung bazooka," natatarantang saad ko at inilingon sa kung saan saan ang mata.

Napasabunot ako sa aking sarili nang maalalang iniwan ko iyon. Ganoon din ang baril ni Rhio, nakita ko siyang inilapag iyon sa isang lamesa.

"Shit! Shit!" paulit-ulit na mura ko.

Anong gagawin ko? Tangina, natataranta ako!

Sinubukan kong lumapit kay Rhio upang tulungan ito ngunit bigla rin akong napaatras nang tignan niya ako nang masama.

"Umalis ka na!" sigaw nito na nagpakunot ng aking noo.

Anong pinagsasasabi niya? Nababaliw na ba siya?

"A-Ano?" naguguluhang ani ko.

"Ako nang bahala rito, bumalik ka na kina Queen!" singhal nito at muntikan nang sumubsob ngunit agad nitong nabalanse ang sarili.

Umawang ang aking labi nang lalong dumami ang zombie na nasa labas at nakatuon ang atensyon ng mga ito sa amin ni Rhio.

Galit na galit ang mukha ng mga zombie na nasa likod ng glass door.

Napaatras ako ng biglang magcrack ang salamin dahil sa zombie na inuuntog ang ulo. Desperadong-desperado sila na makuha kaming dalawa ni Rhio.

Ngumiwi si Rhio at halos manginig ang buong katawan ko nang makita ko ang pag-agos ng dugo sa kamay ni Rhio.

Nakagat ko ang aking labi nang mapagtanto kong nakahawak ang kamay niya sa sirang lock.

"ARGHH!!"

Lalong nagwala ang mga zombie nang maamoy ng mga ito ang dugo ni Rhio.

Shit! Shit! Zia, mag-isip ka!!

"Tumakbo na tayo! May daan dito sa pinto!" saad ko at itinuro ang pintuan na nasa tabi ng counter.

Umiling si Rhio at nginitian ako.

"Oras na sumama ako sa pagtakbo, susundan nila tayo. Mapapahamak rin sila Queen."

Nakuha ko ang punto niya ngunit ang hindi ko maintindihan ay bakit parang iaalay niya ang buhay niya...para sa akin. Hindi ko maintindihan, hindi ako worth it na pag-alayan ng buhay.

"P-Pero,"

"Huwag mo akong isipin. Hindi pwedeng parehas tayo ay mapahamak, hindi rin naman pwedeng ako lang ang makaligtas. Masaya na ako basta makabalik ka kina Queen," saad ni Rhio na nagpahaba ng aking nguso.

"Shit!" mura nito at nang muntikan na namang bumukas ang glass door.

"Isa lang ang pwedeng tumakas sa ating dalawa. At ikaw iyon, Zia. May utang ka sa akin," nakangiwing saad nito.

"Utang mo sa akin ang buhay mo, Zia. Para sa'yo handa akong mamatay," seryosong saad nito na nagpanginig ng aking labi.

"Ang bobo mo," bulong ko at ikinuyom ang kamao.

Gusto ko mang tumulong pero wala akong magagawa. Gustuhin ko mang parehas kaming tumakas ay mauuwi lamang iyon sa wala dahil madadamay sina Queen. Tama siya, tama si Rhio. Isa lamang sa aming dalawa ang makatatakas.

"Sisiguraduhin kong magbabayad ka sa muli nating pagkikita," saad nito na nagpaangat ng aking tingin.

Mapait akong ngumiti at tumango.

"Alam kong narinig mo ang usapan namin ni Haslie sa kusina noon."

Muli akong nanigas sa narinig na sinabi nito.

"Hindi ko iyon itatanggi dahil lahat ng sinabi ko ay totoo, lahat iyon ay totoo," dagdag nito at ngumiti.

Muling nagkaroon ng crack ang glass door kaya napaatras ako.

"Sisingilin kita kapag nagkita ulit tayo," saad ni Rhio na tila bibigay na mula sa pagpipigil sa glass door.

"Umalis ka na." Ngumiti siya sa akin.

Napipilitang tumango ako at walang pagdadalawang isip na binuksan ang pinto sa gilid ng counter.

Pagtapak ng aking paa sa damuhan ay biglang nanginig ang aking buong katawan, ngunit kahit na ganoon ay pinilit kong takbuhin ang distansya ng kinaroroonan nina Queen.

Hinihingal na itinulak ko pabukas ang pinto at agad iyong isinara.

Napaluhod ako dahil sa labis na panghihina ng aking tuhod.

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking katawan.

"A-Ang tanga niya...." bulong ko habang habol ang aking hininga.

"B-bobo na lalaki... bobo niya," paulit-ulit na bulong ko.

Napailing ako nang maalala ang tukmol na si Rhio. Hindi ko alam na gagawin niya iyon para sa akin.

"S-Si R-Rhio," sambit ko sa pangalan niya.

Humugot ako ng malalim na paghinga bago muling nagsalita.

"H-Hinarangan niya 'yong glass door. Nagpaiwan siya...tanga siya...sobrang tanga niya. P-Pero kahit na ganoon, sinakripisyo niya ang buhay niya...niligtas niya ako...niligtas ako ni Rhio."

Naramdaman ko ang pagpatak ng isang butil ng luha sa aking pisngi at hindi na iyon nasundan pa. Sa maghapong pag-iyak ko ay naubusan na akong luha.

Tumingala ako at nagsalubong ang mata namin ni Queen na bakas ang pagkagulat sa mukha.

"Nagkautang ako nang wala sa oras," saad ko at pagak na tumawa.

Napabiling sa kanan ang aking mukha nang bigla ay isang palad ang dumapo sa kaliwa kong pisngi.

"A-Anong ginawa mo kay Rhio!!"

Si Haslie na halos lumabas ang ugat sa noo. Bakas ko ang galit sa mukha niya ngunit ang hindi ko maintindihan ay ang ginawa niyang pagsampal sa akin.

Tumayo ako at buong lakas na pinadapo rin ang aking kanang palad sa pisngi niya.

Kitang-kita ko ang palad kong bumakat sa pisngi niya.

"Tanga ka ba!" singhal ko habang masama ang tingin sa kanya.

"Si Rhio! Anong ginawa mo kay Rhio!?" sigaw niya sa akin at nilabanan ang tingin ko.

Nagbuntong hininga ako at pinilit na kalmahin ang sarili kahit pa nangangati akong kalbuhin ang babaeng ito.

"Wala akong ginawa! Nagkusa siyang iharang ang sarili niya sa mga zombie na 'yon!"

Napaupo si Haslie at sinubunutan ang sarili.

"P-Paano ako? Paano na ako?" bulong nito.

"Kung gusto mo puntahan mo si Rhio roon, magsama kayo. 'Di ba gusto mo siya? Edi damayan mo!" singhal ko at pumalatak.

"Zia!" suway sa akin ni Queen.

Umirap ako at pagod na ibinagsak ang sarili sa sofa.

"Wala akong kasalanan. Ayoko rin na ialay niya 'yong buhay niya para sa akin, pero kung nagkataong parehas kaming bumalik dito, malamang ay pare-parehas tayong kinakain ng zombie ngayon," saad ko at ipinikit ang mata.

Humugot ako ng malalim na paghinga.

Sisiguraduhin kong sa muli naming pagkikitang dalawa ay magbabayad ako ng utang ko sa kanya. Kahit ano pang bayad ang gusto niya. Hindi masasawalang bahala ang ginaya niya ngayong araw.



senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie Apocalypse) (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant