Chapter 24 - The Shaman

Magsimula sa umpisa
                                    

Matagal ko silang pinapanuod at ramdam kong seryoso ang pinag-uusapan nila. Pero laking gulat ko na lang nang makita kong naglapat ang mga labi nila.

Hindi ako ignorante para hindi malaman na nasasaktan ako.

Tumalikod ako saka naglakad palayo. Should I fight for my feelings? Is it worth it?

-=-

Shelby’s POV

Mag-uumaga na ang kakauwi ko lang galing school. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pumasok si Seri, eh. I was expecting pa naman na may makakausap ako tuloy mag-isa lang ako sa school kanina.

Papasok na sana ako sa study room nang marinig kong may nag-tatalo sa loob. Nagdalawang isip ako kung papasok ako o hindi. Kinilala ko muna mga boses kung sino ang nasa loob.

“Edric, hanggang ngayon ba ‘yan pa rin ang issue mo?” it was Tito Aric. Sila pala ni daddy ang magka-usap. Mas mabuti sigurong hindi ako makinig at mapapagalitan nanaman ako.

Paalis na sana ako nang magsalita si daddy. “I missed her so much, Aric! Hindi mo alam ang pakiramdam na mawalan ng minamahal. Kung sana buhay pa si Kyla— kung sana…”

Napaluha na lang ako bigla dahil sa pagbreak down ni daddy. Namimiss niya ang mommy ko. Ako rin naman. Hindi nga ako nabigyan ng chance para makasama man lang siya. Tanging picture niya lang ang nakikita ko at naka-display ‘to sa kwarto ko at sobra kong pinag-iingatan dahil ‘yon lang ang natitirang mayro’n ako sakanya.

“Nandiyan naman si Shelby. Bakit ba hindi mo matutunan na mahalin ang anak niyo ni Kyla? You think masisiyahan si Kyla kapag nakita niyang hindi mo tinuturing na anak si Shelby? Kyla sacrificed herself para mabuhay ang anak niyo. At huwag mo ‘yong baliwalain!”

Nanginginig na napaatras ako pero wrong move dahil isang flower vase ang naatrasan ko dahilan para mabasag ito.

Tatakbo na sana ako pero biglang bumukas ang pinto nang study room at lumabas sila daddy at tito Aric. They were all shock na makita ako. Agad kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at yumuko.

“S-sorry po. H-hindi ko sinasadya.” Natatakot kong sabi.

“Siguro nga tama ka, Aric.” Rinig kong nagsalita si daddy. “Naging pabaya akong ama sa anak namin ni Kyla at alam kong magagalit siya sa akin kung buhay pa siya at ganito ang trato ko sa anak namin.”

Napaangat namana ko ng tingin at sinalubong ko ang mga mata ni daddy.

“Mapapatawad mo ba ako, anak? Bibigyan mo ba ako ng chance na maging ama sa’yo?” nagulat ako sa sinabi ni daddy. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Naiiyak na napatango ako. Ilang beses ko ba ‘tong pinangarap? Ilang beses ba akong nanaginip ng gising na isang araw matatanggap ako ni daddy. At heto na ‘yun. Today is the day.

“O-opo, daddy!” sinalubong ko siya ng yakap at tumugon naman siya. Napapahagulhul ako habang yakap siya. Sobrang saya ko. Tanggap na ako ng daddy ko at magsisimula ulit kami.

“Patawarin mo ako, Shelby. I’m so sorry.” Hinaplos niya ang ulo ko na nakasubsub sa dibdib niya. Hindi ko maalala kung kailan ko huling niyakap ng ganito si daddy. Ah! No’ng lumipat siya sa probinsya para doon mamuno. Umiiyak ako noon para isama niya pero hindi siya pumayag.

Kumalas ako sa yakap ko sakanya at tiningnan ko si daddy na punong ng kasiyahan. Nginitian ko siya at gano’n din siya.

“Mahal na mahal po kita, daddy!” nakangiti kong sabi sakanya. Hinaplos naman niya ang pisngi ko saka ako hinalikan sa noo.

Seri’s POV

KANINA pa ako naka-ngiti habang magkahawak kami ng kamay ni Hunter papababa galing sa may kampana. Gusto niya ako and he told me ‘I love you’. Hindi ko pa alam ang mararamdaman ko. Ayaw ko namang madaliin ang sarili ko ang sabihin ko agad sakanya na gusto ko na rin siya. Hindi pa kasi gano’n kalalim ang nararamdaman ko para sakanya.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon