Napangiti siya sa akin matapos niyang kumanta.

Napilitan akong gantihan ang ngiti niya at pilit tinatago ang pangamba ko dahil sa nararamdaman niya para sa akin.

I don't deserved his love..

(Please check the multi-media to hear Tork's song.)

Lumapit siya sa akin matapos niyang kumanta. Nakangiti pa rin siya habang tinitignan ako.

"Did you like it First?" tanong pa nito sa akin na sinagot naman ng kontrabida niyang kapatid..

"Yeah.. she like it pero hindi ka niya like."

Mabilis kong nabatukan si Butter sa sinabi niya. Napaka bitter-Butter talaga niya.

"Yeah I like it Tork.. No.. scratch that.. I love it baby." nakangiti kong baling sa kanya. Hindi ko talaga mapigilang maging sweet sa batang ito. Sana nga lang hindi ako sumobra.

Pansin ko ang pamumula ng tenga niya.

Hihi. Ang cute niya talagang mag-blush pero sana matanggap niyang hanggang kapatid lang ang turing ko sa kanya.

Nagsipag-sayawan na ang iba naming kasama na pinangunahan ni Race..

Takte talaga! Pang-exotic ang talent niya.

Enjoy na enjoy kasi siyang sumayaw ng budots.

Chinallenge pa niya ang kapwa niya impakto at sumayaw naman ang mga ito maliban kay Craig at Clover.

Napapatawa pa ako sa step ni Acid dahil parang puro lang siya pababa. Hindi na ata niya kayang gumiling pataas.

Si Mickey naman na nagbulate dance pa. Buti na lang di niya naisipang gumapang.

Habang si Krys naman parang tinatadtad ang parte ng katawan niya sa steps niya. Tanginang trip yan.

Napatingin ulit ako kay Race dahil parang nagtatanim na siya ng palay sa steps niya. Pwedi pala iyon? Takte!

"Enjoy na enjoy sila.. Tayo naman!" yaya ni Ash sa apat na nagtilian na naman. Kami lang talaga ni Miracle ang medyo relax sa grupo namin.

Napalitan ang kanta. Nagtaka na lang ako ng umaakto ang mga loka-loka kong mga kaibigan na ayaw sumayaw pero bigla na lang din silang gumalaw ng dumating sa chorus ang kanta..

"Kiat jud day.. kiat.. Ki—kiat jud day, ki-kiat.. Kiat jud day sige lang..🎶

Yan ang paulit-ulit na lyrics ng kantang sinasayaw nila..

Infearness.. Medyo tumaas ng one point ang kumpyansa ko..

Magaling pala sa sayawan ang mga kaibigan kong ito.

"First.. Miracle.. huwag kayong kj.. Gumaya kayo bilis na!" pasinghal na sigaw ni Butter sa amin, pero ramdam kong ako lang ang sinisigawan niya dahil magkatabi na naman kami ni Tork. Gaga talaga.

Hinila niya kami ni Miracle ng hindi talaga kami sumunod sa sinabi niya. Napilitan na din tuloy akong magpahila sa kanya at sumakto na naman na nasa chorus na ang kanta.

Tangina! Bigla akong napasabay sa galaw nila..

Igigiling lang pala ang beywang habang salitan ang dalawang kamay na ituturo sa sintido.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum