Pagkatapos ng mga pictures kasama si Lia, kailangan naman namin ng picture na kaming dalawa lang. Gustong magswimming ni Lia kaya si Kianna at Alexi muna ang nagbantay sakanya habang nagpipicture pa kami. 


"Do we need to instruct you or you already know what you will do?" Tanong ng photographer. 


"I'll take care of our poses" Ian smirked and turned his gaze at me just to give me playful wink. 


"Lay down" utos niya sa 'kin. Sinunod ko naman at humiga sa buhangin, kaagad naman siyang tumabi sa 'kin. Tinukod niya ang isa niyang siko, nakaharap sa 'kin. 


"You look stunning"  bulong niya at hinawi ang buhok ko. Naramdaman ko ang flash ng camera, kumukuha sila ng picture kapag nakakita ng magandang anggulo. 


Dumausdos ang kamay ni Ian sa baba ko at pinatingala ako nang kaunti ang mukha ko, naramdaman ko na naman ang flash ng camera. Dinampi ni Ian ang labi niya sa labi ko at kinagat ang ibabang labi ko kaya binuksan ko nang bahagya ang bibig ko. Mabagal niya akong hinalikan habang nararamdaman kong pinipicturan kami. This is awkward. 


Tinulungan ako ni Ian tumayo at hindi na binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami kung saan kami susunod na pipicturan. 


Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin sakanya nang bigla niyang hawakan ang bewang ko at iniangat ako. Napalitan ng ngiti ang reaksyon ko dahil nakangiti siya sa 'kin at hindi inaalis ang tingin niya sa 'kin. Iba siyang makatingin. 


May shots din na nakasandal ako sa dibdib niya at siya naman hawak ang bewang ko. Hinahalikan niya ang leeg ko habang tumatawa ako. 


Nang magsunset na, pumunta kami sa dagat para sa may tubig mag picture. Hanggang sa ibaba ng dibdib yung tubig kung saan kami nagpwesto. Hinapit niya ang bewang ko palapit sakanya at iniangat ako kaya pinaikot ko ang dalawang paa ko sa bewang niya ganon din ang kamay ko sa leeg niya. 


"Nice, keep that posture" the photographer complimented. 


Hinalikan ni Ian ang leeg ko kaya binuksan ko ng bahagya ang bibig ko at nagseryoso ang mukha para mukhang fierce sa picture. Buti nalang may alam ako sa mga ganito kung hindi, hindi ako makakasabay sa mga galaw ni Ian. 


"Why are you staring?" I raised a brow and plastered a sly smirk. Natawa naman siya at umiling. 


"Sorry, I can't help it" he bit his lower lip to stop himself from smiling widely. Nagseryoso ang mukha ko dahil napunta ang tingin niya sa labi ko. He licked his lips sexily before leaning closer to me to kiss my lips. Napunta ang kamay ko sa basa niyang buhok at pinaglaruan 'yon habang sinusuri ng dila niya ang bibig ko. 



"Let's go back. You might catch a cold" he said. Hindi niya 'ko binatawan at nanatiling nasa bewang niya ang paa ko. Binaba niya ako sa wala ng tubig. 


Pinagmasdan ko kung paano siya lumapit sa lounge chair at kumuha ng twalya roon tsaka niya pinunas sa sarili niya. Dahil puti ang suot niya, nakikita na ang katawan niya dahil basa ang damit, buti nalang medyo makapal ang tela ng suot ko kung hindi, makikita ang suot kong two piece bikini.


Umiwas din ako kaagad ng tingin bago pa niya mahalatang kanina ko pa siya tinitignan, baka asarin na naman ako non.  Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon sa mga shots na pinapakita ng photographer. He's talented. Ang gaganda ng mga kinuha niyang pictures, walang itatapon. 


Napatingin ako kay Ian nang ilagay niya ang towel sa balikat ko at hinila ako palapit sakanya, hindi na tinanggal ang kamay sa balikat ko.


Married To My Bestfriend's BoyfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora