Napailing na lang ako sa dinagdag niya. "Silly." Sana hindi mo na dinagdagan pa First. Okay na sana eh kaya lang kapatid pa rin talaga ang turing niya sa akin.

Kelan mo pa kaya ako mamahalin ng higit pa sa kaibigan at kapatid First?

Lihim na lang akong napahiling na dumating ang araw na iyon.

*************

Clover pov;

"Oyy bro paramihan ng abs. Haha." mayabang na sabi ni Race habang nakaharap pa sa akin.

Sabay lang kaming napa-tsk ni Craig sa kanya.

"Tangina! Ano bang tela eto? Gusto pa ata ng mga babaeng iyon na magkapolmonia tayo." angal ni Acid pero sinusuot din naman ang costume niya.

"Roarrrrrr!" natatawa namang sambit ng tatlo na napagpabalik na naman ng ala-alang nangyari lang kanina.

Biglang nag-init ang mukha ko. Tangina mo Clover!

"Oyy dude.. pulang-pula ka ah. Kinikilig ka ata sa costume natin. Bwahahhaha." sambit ni Acid at nakigaya na ding mag-roar sa mga gago. Gusto ko siyang bigwasan sa pagpansin niya sa pamumula ko. Kung alam lang talaga niya kung bakit ako namumula ng ganito.

I remember how she arched her body.

Wala sa sariling napakagat ako sa labi ko. Damn it Clover!

Isa-isa na silang nagsipag-labas sa tent habang pansin kong napapatanga lang si Craig sa gilid. Tsk! May gana pa siyang manahimik.. Hindi ba siya masayang nagkabalikan na sila ni First?

"Let's go dude." rinig kong yaya ni Acid sa amin. Napatango lang ako sa kanya bago lumabas at tamad naman na sumunod si Craig.

"Woahhhh.." tilian kaagad ng mga babae maliban kay Miracle na nakatingin lang sa tabi ko.

Tsk! Bakit kaya hindi na lang si Miracle ang minahal nitong si Craig? Bakit ang babaeng mahal ko pa?

Mapait akong napangiti dahil sa mga tanong ko. Siya ang nauna Clover kaya wala kang karapatang umangal.

Malalim na lang akong napabuntong hininga. Kung sana lang talaga ako ang una niyang nakilala.

Napatingin na lang ako sa speaker ng malakas na tumugtog ang trending na sayaw ngayon. The fuck! Sasayaw ba kami na ganito ang suot namin? Para kaming mga macho dancer na tiger costume ang theme.

"Sayaw mga choy.. choy.. Sayaw mga choy.."🎶 pakikisabay pa ni Jelly doon sa kanta habang tinuturo kami.

Tuwang-tuwa sila habang nakatingin sa amin.

"Rawwwwwwrrrrrrr.." sigaw pa nilang apat na ikinangiwi ko na naman. Kumakalmot pa sila sa hangin habang nakatingin lang sa amin.

May dala-dala silang baso na alam kong juice lang ang laman. Napag-alaman namin kaninang hindi pala sila umiinom ng alak. Tsk! Tanging si First lang pala ang naglalasing sa kanila.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now