Prologue

241 30 39
                                    

Ready ka na bang mas makilala pa si Jonas? Enjoy! ❤

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ready ka na bang mas makilala pa si Jonas? Enjoy! ❤

#TeamBakod

***

SA dinami-rami ng tao sa mundo, paano mo masasabi na ang taong nasa harap mo na ang para sa 'yo? Paano mo malalaman na siya ang forever mo? Na siya ang tadhana mo? Na siya na ang 'the one'? Posible ba 'yon?

Malalaman mo ba kung kaharap mo na siya? Is it with how that person would make you feel special? Or how they treat you everyday? Is it with the number of days you've been together? Is it with the duration of your relationship? I wonder.

"Hi, Jonas!"

"Jonas, pansinin mo ko!"

"Beh!"

Nangunot ang noo ko sa mga babaeng kanina pang tumatawag sa akin at pilit kunukuha ang aking atensyon. This is what I hated after transferring schools. I don't have the freedom that I crave. Lagi akong pinalilibutan ng kung sino-sino na halata naman ang habol sa akin. Buti na nga lang at maluwag sina mom sa amin ni kuya sa bahay pero pagdating sa school, other students would give me the extra special treatment which I am not a fan of.

Lumabas muna ako ng canteen para magpahangin. I really do feel suffocated being surrounded by all attention-seeking people. Nakasasakal sila. Normal na estudyante lang din naman ako pero dahil may dugong banyaga ako, they think I'm special. Mas matangkad ako kung ihahambing sa mga kaklase ko. Lutang na lutang din ang dugong Australiano ko pero gayunpaman, tuwid akong mag-Filipino.

Sa paglalakad ko sa may likod ng school at nakarating ako sa may playground. Walang masyadong tumatambay rito ngayon dahil may kainitan nitong nakaraang araw at hindi pa maayos ang ilang laruan.

Saktong may nakita akong grupo ng kababaihan na pinalilibutan ang isang babae. Based on their heights and uniforms, they're from the same year level. They pushed her around and she fell on the ground. Hindi siya lumalaban sa kanila at nanatili lamang nakayuko at tahimik.

"Leave her alone," I called out to them.

Napalingon silang lahat sa direksyon ko maliban sa babae na humihikbi pa rin.

"Oh, shit! Siya 'yung upperclassman nating si Jonas!"

"Ang guwapo!"

Biglang lumapit sa akin ang babaeng nanulak. Sinabit niya ang ilang hibla ng buhok sa kanyang tainga na parang nagpapa-cute.

"Hi po!"

Napahilot ako ng sentido bago siya sinamaan ng tingin. "Hindi n'yo ba ako narinig? Sabi ko, leave her alone. Scram!" May diin ang bawat salita ko. I saw the fear in their eyes as they scram.

Nang kami na lamang nang tinulak na babae ay lumapit ako sa kanya. Nananatili lang siyang tahimik.

"Wala na sila rito," simple kong usal.

Lose You Tomorrow (Let Me Speak Side Story)Where stories live. Discover now