"He's mad to his parents that's why absent siya kanina." Sabi ko. "May share kami na makukuha if both our parents decides na magmerge ang mga kompanya namin."

"Pero mas malaki kapag dala mo ang apelyido niya." I sighed as I nod my head as an answer.

"Papayag kaba na ipakasal kayong dalawa?"

Noong una, oo. Mahal ko siya at akala ko may pag-asa na. Pero ngayong nalaman ko na ang totoo, hindi ko na alam.

Nagkibit-balikat ako bilang sagot. "Mahal ko siya pero hindi ko ata kakayanin na makita siyang kasama niya ang girlfriend niya sa mga susunod na araw dahil magt-transfer siya sa school."

"What?! Ibig-sabihin makakasama natin ang girlfriend niya?!" Tumango ako.

She sighed. "Alam kong kaya mo, pero kapag hindi mo na talaga kaya, andito lang ako--kami nila ate para sayo, ha." Nginitian niya ako. "Darienne, nandyan kaba? Bumalik kana sa kwarto mo para makatulog na kayo!" Boses iyon ni ate Shirae na nanggaling sa labas. "Susunod na ate!"

"Iiyak mo lahat kung masakit parin. Natural lang 'yan. Walang umiibig ng hindi nasasaktan."

Halata sa mga mata ni ate na gusto niya pang magtanong tungkol sa aksidenteng salita na nabitawan ko kanina pero umalis narin ito para makatulog ako.

Makakatulog paba ako ng maayos matapos kong malaman 'to?

Kinabukasan, takang-taka silang lahat kung bakit namamaga ang mga mata ko. Maliban kay kuya Tyron at JK na tahimik lang na kumakain hindi katulad nung iba na nag-usisa agad.

Si ate Darienne ay tahimik din pero halata parin ang pag-aalala sa mata. Hindi sila magkatabi ni kuya ngayon.

Posible kayang tinanong niya ito?

"Umiyak kaba buong gabi?" Tanong ni kuya Shawn. Sasagot na sana ako ng inunahan ako ni ate Darienne. "May pinanood kasi ako sakanya na movie, kaya lang tinawag ako ni ate Shirae kaya sinend ko nalang yung movie sakanya tapos tinapos niya, ayan ang kinalabasan."

"Oo, halata nga. Pina-ulit-ulit mo siguro, no?"

Tumango nalang ako at nagsimula ng kumain. Nagsitanguan sila maliban kay kuya Ace at sa dalawa. Kuya Ace doesn't give a fuck on anything pero makikita mo naman na may pagmamalasakit 'yan.

Yun lang kapag hindi ka nakatingin.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba rin ako agad, ngayon ko palang kukunin ang mga tests kay ma'am dahil hindi ako nakapunta ulit sa faculty room kahapon dahil nawalan ako ng gana dahil sa sinabi ni kuya Tyron.

"Oo nga pala, gusto niyo gumala?" Tanong ni kuya MJ sa'min. "Gala?"

"Yep, sa Star City o kaya sa EK."

"Kapag pahinga na natin after foundation day! Pagkatapos ng mga punyetang quizzes na sasalubong sa atin para ramdam natin yung saya!" Excited na sagot ni ate Alexa. "Excited na naman kasi makakahanap na naman ng bibiktimahin niya." Sabi ni ate Raika.

"Tara Alexa magsama tayong dalawa, para todo hakot tayo ng mga chix pagdating doon." Sabi ni kuya Skyler sakanya na agad naman na nakatanggap ng batok mula kay kuya Shawn. "Gago, mamaya mapahamak si Alexa. Lagot tayo kila tito, sa atin hinabilin 'yang siyam."

"'Di ko naman siya ipapahamak. Besides, ano pang sense ng magandang katawan ko kung hindi ko siya kayang ipaglaban kung may gustong umano sakanya."

Isa-isang nagsingitian ng nakakaloko ang iba sa dalawa.

"Ayyiiee."

"Kayo ah!"

"Sana all!"

Inikot lang ni ate Alexa ang mga mata niya. Nung isang araw lang kay ate Mina 'yan ah, ngayon kay ate Alexa naman. Sino ba talaga ang gusto ni kuya Skyler? Kanino ba 'yan natamaan?

Dumating narin kami sa school na inaasar parin nila ang dalawa. Dumiretso agad ako sa faculty room pagkadating para sabihin kay ma'am na pupunta ako ulit dito mamaya dahil malapit na magsimula ang unang klase.

Tinanong niya rin ako sa nangyari sa mga mata ko, ang isinagot ko nalang ay yung isinagot ni ate Darienne sakanila kanina bago ako umalis.

"Nag-away ata yung dalawa." Bulong ni ate Mina sa amin. "Halata, tungkol saan?"

"Ewan ko, iniiwasan nga ni Darienne eh."

Tama nga ang hula ko.

Nag-guilty tuloy ako.

"May sasabihin ako, sainyo muna dahil nakalimutan ko sabihin sa iba kanina eh."

"Ano?"

"Aksidente kong narinig ang pinag-usapan nila mama kahapon thru phone call." Sabi niya.

"Someone from Seoul will transfer here. A girl. Dito na siya mag-aaral in the next few days."

It's true. His girlfriend will transfer here.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now