"Ano? Ang kapal mo naman, ako pa talaga, ha?!" Napatayo si Alexis sa kama kaya napatingin sa kaniya si Reynan.

"Saan ka pupunta?"

"Di ako lalapit sa'yo noh?" Nameywang si Alexis. "Lalabhan ko yung damit ko."

Pumasok na siya ng cr at sinundan lang siya ng tingin ni Reynan habang nakahiga pa rin.

Kinusot ni Alexis mga hinubad niya sa CR. Nang palabas na siya ng pinto bitbit ang nilabhan ay nadulas siya dahil sa konting tilamsik ng tubig sa sahig.

Parang bumagal sa pagtakbo ang oras habang nauunang bumagsak ang likod niya at kita-kita niya sa ere ang mga damit niya na tumalamsik. Tila nakalutang iyon sa ere hanggang sa bumagsak ang likod niya sa sahig maging mga damit niya.

"Ah!" wika niya na napapikit at hindi niya maigalaw ang katawan. "Hindi ako makatayo."

Pagdilat niya'y nagulat siya ng nasa harap na niya si Reynan. Nakatungko ito sa kaniya.

"Bakit ang lampa mo?"

Biglang sumikip ang daluyan niya ng hangin nang unti-unti nitong nilapit ang mukha sa kaniya. Nanigas ang katawan niya nang naramdaman niyang binubuhat siya nito.

Sobrang lakas ng tibok ng puso niya habang tila nakalutang siya sa ere dahil karga siya nito. Hindi siya makakibo o makapagsalita habang nakatitig lang siya sa walang ekspresyong mukha nito.

Naramdaman niyang nilapag siya nito sa higaan. Ilang sandali pang nanigas ang katawan niya nang mapagtanto niya kung ano ang ginagawa ngayon ni Reynan.

"Huwag mong hahawakan 'yan!" Nanginig ang daliri niyang nakaturo kay Reynan nang makitang dinadampot na nito isa-isa ang mga damit na nilabhan niya. Hawak nito ngayon ang bra niya. "Reynan!" Halos umalingawngaw ang boses niya sa loob ng kuwarto.

"Ano, okay ka na, hindi na masakit ang likod mo?" pambabalewala nito dahil hindi nito binitawan ang hawak.

Bigla siyang napabangon kaso napatigil siya nang lumagutok ang likod niya.

"Ako na ang magsasampay nito." Isa-isa nitong sinampay ang mga damit niya sa tapat ng aircon para matuyo agad.

Parang gusto niyang lumubog sa kama nang makitang sinasampay nito ang bra niya.

"Ahm, Reynan?"

Luminga ito sa kaniya at tapos na itong magsampay.

"Hindi ako makagalaw." Napuruhan ata ang likod niya dahil masakit kapag iginalaw niya.

"Ibibili na ba kita ng hospital?" Lumapit ito sa kaniya at nanigas muli siya nang hawakan siya nito para alalayang humiga.

Napatitig siya sa kisame at nahiga na rin si Reynan sa gilid niya.

"Ayos ka na ba?"

Siguro ay oo dahil nagawa na niyang tumagilid ng higa. Hindi pa rin humihinto sa pagtakbo ang puso niya. Ni sa hinagap hindi niya naisip na magkakasama sila ni Reynan sa isang kuwarto at sa isang kama.

Matagal na siyang nagkagusto kay Reynan, unang pagkikita pa lang nila noon sa monumento. Tumindi pa ang nararamdaman niya nang maging magkaklase sila at palaging magkasama.

Napabuntung-hininga siya. Alam niyang hindi siya patutulugin ng tambol ng dibdib niya.

Napabalikwas siya ng higa paharap kay Reynan.

"Reynan?" Hindi niya napigil ang sariling bigkasin ang pangalan nito.

Hindi ito sumagot, marahil ay tulog na, bagay na ipinagpapasalamat niya.

Pero ang totoo ay biglang nandilat si Reynan ng marinig na sinambit ni Alexis ang pangalan niya.

"Hindi ba ako maganda sa paningin mo?" Bigla ay naitanong ni Alexis na mas lalong nagpagising ng diwa ni Reynan. Tumibok kase ng husto ang dibdib niya.

Napabaling ulit ng higa si Alexis. Hindi niya inaasahang magagawa niyang itanong iyon. Sa totoo lang, ang tagal na nilang palaging magkasama pero hindi nahuhulog ang loob nito sa kaniya. Siguro dahil mahal talaga nito ang girlfriend nito.

Labis binulabog ng katagang binitawan ni Alexis ang puso ni Reynan kaya nawala na ang antok niya.  Hindi niya maintindihan bakit ganito ang reaksyon ng puso niya.

Nag-ring ang cellphone niya kaya napaupo siya at kinuha ang phone sa side table sabay sinagot niyon.

"Hello, Liezel?"

Dahil sa narinig ni Alexis, muling pinaalala sa kaniya ng tadhana na imposibleng mabaling ang atensyon nito sa kaniya, na mananatili lamang siyang isang hamak na kaibigan.

Hindi niya namalayan ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya at napapikit na siya.

"Oo, huwag ka mag-alala, hon. Okay lang ako dito. Sorry, hindi tayo matutuloy bukas." Naramdaman niya ang paglundo ng kama sanhi na tumayo si Reynan.

Pinilit niyang maging bingi ng sandaling iyon. Gusto niya sanang kunin ang earphone at cellphone niya sa bag pero naalala niyang nawala nga pala lahat iyon.

Nang sumapit na ang umaga ay bnalikan nila ang lahat ng lugar na pinanggalingan nila kahapon. Mapalad na nabawi nila ang mga nawalang pinamili. Naiwan lang pala nila iyon sa isang store na pinagbilhan din nila.  Pati bag niya ay nakuha niya, tanging ang cellphone lang niya ang hindi na niya nakita. Sabagay, sira na din iyon.

Dahil sa nangyari sa nagdaang gabi ay namagitan ang katahimikan sa kanila. Wala silang kibuan hanggang sa maghiwalay sila ng landas at makauwe ng kani-kanilang bahay.

***

Pagdating ng lunes, sa unang subject ay pinagbigyan sila ng guro nilang maghanda para sa darating na food exhibit sa huwebes.

"Magkuwento ka na, dali!" Nangungulit si Mila kay Alexis. Kasama nila si Shirley at maingay ang klase habang makalat ang classroom.

"Ayoko magkuwento, no?" sagot ni Alexis.

"Ano ngang nangyari sa date niyo?" si Shirley.

"Nag-motel kami."

Biglang napanganga ang dalawa at natawa siya.

"Hindi iyon katulad ng iniisip niyo ano?"

Kinuwento niya sa mga ito ang dahilan at nagkatawanan ang mga ito sa part na hinabol siya ng mga lalaki dahil napagbintangan siyang magnanakaw. Hindi niya kinuwento ang tungkol sa nangyari sa loob ng motel. Sinabi lang niyang nakatulog agad sila pagdating.

"Isa ka talagang alamat, Alexis," tatawa-tawang sabi ni Shirley.

"Masakit pa likod mo, Alexis?" Napalingon silang lahat sa biglang sulpot ni Reynan. Nang-aasar ang tono nito.

Napalingon naman sa kaniya ang mga kaibigan pagkatapos na para bang nagtatanong ano ang ibig sabihin ni Reynan.

"Nadulas kase 'yan sa CR."

"Hala, Alexis pati ba naman sa CR alamat ka pa rin."

"Reynan ah, pinapahiya mo ako!" binalibag ni Alexis kay Reynan ang nilamukos na papel na may bahid pa ng pintura. Pero hindi niya inaasahan na sa mukha nito ito tatama at nabahiran iyon ng pintura.

"Sorry, hindi ko na---" pero napapikit siya dahil binalibag na rin siya ni Reynan ng nilamukos na papel, pero wala iyong pintura.

Nagbatuhan sila ng papel at ang huling nilamukos na papel na binato niya ay may pintura. Nanlaki ang mata niya nang makitang tumama iyon sa dingding at nabahiran iyon ng kulay pulang pintura. Kitang-kita iyon dahil kulay puti ang dingding. Umiwas kase si Reynan sa tira niya.

Biglang dating ni Ma'am Lilia. Napansin kaagad nito ang pintura sa dingding.

Umusok ang ilong at namula ang mukha nito. "Sino ang may gawa niyan?"

Lahat ng daliri ng mga kaklase ay tumuro kay Alexis.

"Dahil jan, ikaw ang magliligpit sa library mamaya, that's your punishment!"

"Ah, ma'am madali ko lang naman po iyon mapipinturahan ulit ng puti. Bakit kailangan ko pang magligpit sa library?"

Foretold (completed) Where stories live. Discover now